You are on page 1of 1

Ako po ay si Danilo Bachillar Pablo ng barangay Del Pilar, Ako po ay tatakbo bilang isang barangay

Kagawad ng aming Barangay. Ako po ay sumulat upang malugod na hilingin at mapabilang sa inyo
pong susuportahan sa inyo pong Banal na samahang Iglesia ni Cristo.

Ito po ang aking mga Plataporma:

1. PRIORITY po natin ang mga mahihirap na nangangailingan. Sisikapin po natin na magkaroon ng mga
programang makakatulong sa pamumuhay tulad ng Cash/Food for Work, Tupad, Livelihood program
at Skill Development.
2. Magtatalaga at bubuo tayo ng Public Assistance Desk para sa mga impormasyon sa Barangay,
Emergency, mga Tulong at iba pang bagay na idudulog sa ating Barangay.
3. Across the Board Transparency – nakapaloob po dito ang paglalathala ng mga nagawa at gagawin pa
lamang, mga Programa at Pagbabadget ng ating Barangay.
4. Pagkakaroon ng Calendar of Activities – mahalaga po ito! na kung saan makikita ng ating mga
kabarangay ang mga padating na Serbisyo at mga Aktibidadis ng barangay upang lubusan
mapakinabangan ng lahat at di lang ang iilan.
5. Gender Equality Awareness – Pagsulong ng mga programa patungkol sa Gender Equality at
pagsasagawa ng mga Aktibidadis at Seminars na makakatulong sa pagpapaigting sa Pantay na
Karapatan para sa Kasarian.
6. Pagpasa ng mga Ordinasa at Resulosyon na kung saan ating pag-iisipan at aaralin ng maigi ang lahat
ng mga iminumungkahi sa konseho upang sa ganon po ay makakasiguro tayo na ang mga ito
(ordinansa at resulosyon) ay lubusang makatutulong sa ating barangay.
7. Pagbibigay ng sariling Pasilidad (Opisina) para sa mga Solo Parent at mga PWD. Para naman
magkaroon din po sila ng sarili at maayus ng lugar para pagdadadausan ng kani-kanilang
pagpupulong at mga aktibidadis.

Sana po ay magpagbigyan nyo po ako na maglingkod po sa aming Mahal na Barangay.


Marami pong Salamat…

Lubos na Gumagalang,
Danilo Bachillar Pablo

You might also like