You are on page 1of 2

Isang mapagpalang umaga/hapon/araw sa ating lahat!

Sa ngalan po ng Department of the Interior and


Local Government o DILG, ako po ay lubos na nagagalak sa pagsasagawa ng makabuluhang
pagpupulong na binibuo ng ating mga bagong halal na Barangay and Sangguniang Kabataan
Officials, na pinangungunahan ng inyong Punong Barangay, Hon. kasama ang mga iba pang mga
Barangay Officials and Functionaries: ang ating mga Barangay Tanod, Lupong Tagapamayapa, at iba
pa nating mga kasama sa ating pamahalaang barangay na patuloy na nagbibigay ng naaangkop na
serbisyo sa komunidad. Magandang umaga din sa ating City/Municipal Officials and representatives
na naglaan ng oeas pang makasama natin at masaksihan ang unang Barangay Assembly Day ng ating
barangay, pati na din ang mga kinatawan ng DILG City/Municipal Field Office na nandito ngayon
upang makibahagi at magbigay ng suporta para sa pagpupulong na ito, most especially, nararapat na
kilalanin at i-acknowldge ang presensiya ng lahat ng mga residente ng ating barangay na nakiisa sa
ating programa ngayong umaga/hapon/gabi, na may temang: "Barangay at Mamamayan, Sama-
samang Nagtutulungan sa Pagtaguyod ng Maayos, Maunlad, at Mapayapang Pamayanan Tungo sa
Isang Bagong Pilipinas". Bilang panimula, nais namin na iparating sa lahat, lalung-lalo na sa ating
mga Barangay at SK Officials, ang kahalagahan ng pagsasagawa ng Barangay Assembly bilang isa
sa mga aktibidad ng barangay at ang importansiya o kabuluhan ng pagkakaroon ng "active
participation" ng ating mga constituents sapagkat ito ay isa sa mga maraming paraan upang
maipaabot sa mga residente ang kalagayan ng pananalapi ng barangay, mga nagawa na or
accomplishments pati na rin ang mga proyektong gagawin pa lamang ng ating mga barangay at SK
officials, sa mga susunod na araw o buwan at upang mapag-usapan, talakayin at bigyan ng solusyon
ang mga hamon o issues na kinakaharap ng barangay, at mapakinggan ang mga hinaing ng mga
mamamayan pati na rin ang mga mungkahi o rekomendasyon ng mga residente upang agarang
matugunan ang mga problema or challenges ng ating nasasakupan. Kaya, sa mga residente na
dumalo at nakiisa sa Barangay Assembly sa araw na ito, kami sa DILG ay lubos na nagpapasalamat
sa inyong oras at walang sawang suporta at pakikipagtulungan sa ating mga barangay officials upang
mas mapabuti pa at mas maging maayos ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa barangay.
Patuloy din namin na hinihingi ang inyong suporta at inyong pakiki-isa upang maayos na ma-
implement ng barangay ang mga programa ng national government at ng DILG gaya ng Buhay
Ingatan, Droga'y Ayawan o BIDA Program sa hangaring matigil na ang paggamit sa mga iligal na
droga lalung-lalo dito. Kami po ay nananawagan sa ating mga magulang at sa inyong lahat,
pakigabayan lamang po ang ating mga anak, upang mailayo natin sila kapahamakan. Kami po ay
patuloy na naniniwala na ang pamilya ang siyang matibay na pundasyon upang masiguro na tamang
landas ang tatahakin ng ating mga anak. Mahalaga rin ang gampanin ng ating Barangay Anti-Drug
Abuse Councils o BADAC, at Barangay Peace and Order Committees o BPOC, BCPC, Lupon, ang
ating mga Barangay Tanods, street sweepers, BHERT at iba pang mga Barangay Based Institutions,
katuwang ang ating mga DILG Field Officers para sa isang maayos na pamamahala sa ating
barangay, pagbibigay ng isang kalidad, sapat at angkop na serbisyo, pagsasagawa ng mga advocacy
campaign or information dissemination upang upang maresolba ang problema laban sa iligal na
droga, iba't-ibang uri ng krimen at kaguluhan, pag-aalis ng mga illegal constructions/obstractions sa
mga pampublikong daanan, pagpapanaliti ng kaayusan at pag-kakaisa ng mga mamamayan sa boong
barangay para sa kaligtasan ng lahat. Maging ang kalinisan sa ating komunidad ay isa sa mga isyu na
hindi dapat ipawalang bahala. Dahil ang malinis at maayos na barangay ay sa sarili, pamilya at
tahanan nagsisimula. Hindi po magagawa ng mga opisyal ng barangay, ang Barangay Ecological
Solid Waste Management Council o BESWMC, ang kanilang magiging tungkulin at responsibilidad
kung hindi nakikiisa nating lahat sa pagsasa-ayos ng ating mga basura at pagwawalis sa tapat ng
ating bahay. Nawa'y makiisa po tayong lahat sa pag-implement sa programang Barangay at Kalinisan
Day o BarkaDa, at nawa'y sama-sama nating panatilihin ang kalinisan at kaayusan at kailangang
sundin ang mga ordinansa ng ating barangay kaugnay dito. Ang HAPAG o Halina't Magtanim ng
Prutas at Gulay sa Barangay Project ay isa rin sa mga isinusulong na proyekto na pamahalaan at ng
DILG, kasama ang mga Barangay, kung saan hinihikayat ang mga opisyal ng barangay na magset-up
o mag- establish ng Barangay Community Garden na pagtataniman ng mga gulay at prutas. Ito ay
naglalayong siguruduhin na may access ang mga residente sa mga masustansyang pagkain sa abot-
kayang halaga. Inaasahan namin ang bawat isa na makiisa sa gawaing ito. Kami rin po ay
nananawagan sa ating mga residente na mga kasambahay, mangyari tumungo po kayo sa Barangay
upang i-rehistro po ninyo ang inyong mga kasambahay at bigyan po natin sila ng tamang pagtrato at
pagpapahalaga sapagkat sila po ang katuwang natin sa pag-aalalag sa ating pamilya. Nais po namin
ipaalam sa mga kinauukulan na may karampatang parusa po kung hindi po ninyo maipatala o mai-
rehistro sa barangay ang ating mga kasambahay o kung sakaling napatunayang may paglabag sa mga
probisyon ng Republic Act No. 10361 o ang "Domestic Workers Act" or "Batas Kasambahay". Ang
BADAC, BPOC, Barangay Road Clearing Operations, BarkaDa, HAPAG sa Barangay Project at
Barangay Registration of Kasambahay ay ilan lamang sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng
Kagawaran para sa ikabubuti ng barangay. Kaya, sa ating mga Barangay at SK Offcials, sana ay
masiguro ninyo na maisagawa ang inyong mga sinumpaang tungkulin at mga mandato alinsunod sa
ating umiiral na batas, at polisiya ng DILG at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at inaasan ang
inyong patuloy na suporta at pakiisian sa programa at proyekto ng pamahalaan upang makamtan
nating lahat ang isang maunlad, maaayos, malinis, panatag, ligtas na pamayanan, at ang isang
Bagong Pilipinas! Makakaasa po kayo na ang DILG ay patuloy na magbibigay ng gabay, technical
assistance, capacity building para madagdagan ang kaalaman ng ating mga barangay at SK officials
upang matiyak na magampanang ninyo ang inyong mandato ng Matino, Mahusay at Maaasahan!
Muli, magandang araw/hapon/gabi po sa inyong lahat. Maraming salamat, at Mabuhay po tayong
lahat!

You might also like