You are on page 1of 6

Annex B

Key Note Message of the Honorable Secretary


ATTY. BENJAMIN “BENHUR” C. ABALOS, JR.
Department of the Interior and Local Government
 
2023 FIRST SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY DAY

Isang magandang umaga/hapon sa inyong lahat! Sa ngalan po ng Department of the

Interior and Local Government o DILG, at bilang kalihim ng Kagawaran, ako po ay

lubos na nagagalak na maging bahagi sa isang makabuluhang aktibidad na binubuo

ng mga magigiting na Opisyal ng ating barangay na pinangungunahan ng inyong

Punong Barangay, mga Miyembro ng Sangguniang Barangay, opisyal ng

Sangguniang Kabataan, kasama ang mga Functionaries- ang mga Lupon at Tanod

na patuloy na nangangalaga ng kaayusan at katiwasayan sa ating barangay, ang

mga kawani, opisyal ng Lokal na Pamahalaan at maging ang aming DILG Field

Officer na dumalo sa pagpupulong saaraw na ito. And of course, ang

pinakamahalaga sa lahat ay ang presensiya ng ating mga barangay constituents,

mga residente sa barangay na naglaan ng panahon at oras upang makilahok sa

ating Barangay Assembly.

Maliban sa alituntunin ng batas ang pagsasagawa ng Barangay Assembly, at least

twice a year , nais po namin ipaalam sa inyo, na kayo po ang dahilan kung bakit

natin ito ginagawa ang pagpupulong na ito dalawang beses sa isang taon, upang

maiparating sa inyo ang estado pati na rin ang pinasiyal na kalagayan ng ating

barangay. Maraming salamat sa inyong pakikilahok at pakikiisa, at welcome po sa

ating Barangay Assembly for the 1st Semester ng Taong 2023 na may temang:

“B-BIDA KA! Barangay BIDA, Kasama KA sa Pagpapatupad ng Kapayapaan,

Page 1 of 6
Pangangalaga ng Kalikasan, at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang

Ligtas, Mapayapa, Maunlad at Masaganang Pamayanan”.

Sa pagkakataong ito, nais ko po pong iparating ang aking taus pusong pasasalamat

sa ating mga barangay officials who played a very important role upang labanan ang

COVID-19, ang lahat ng mga barangay officials na nagbuwis ng kanilang buhay,

pagod at oras malampasan lang natin ang pandemya. At sa panahon ngayon, na

unti unti na tayong bumabalik sa dati nating mga nakagawian, ito ay dahil sa

kasipagan at dedikasyon ng ating mga barangay officials katuwang ang provincial,

city at municipal governments pati na rin tayong mga responsableng mga mamayan,

dahil sa ating pakikiisa at pakikipagtulungan, unti-unti na nating natatamasa ang

tagumpay sa laban sa pandemya. Sa tagumpay na ito, hindi lamang ang Barangay

ang BIDA, kasama KA! At sa pagbangon nating muli, Kasama KA!

At sa araw na ito, muling magkakaroon ng pagkakataon na ang barangay at

mamamayan ay makikipag-ugnayan, talakayin ang mga suliranin na nararanasan ng

barangay at sa matiwasay na paraan, mga kabarangay sana’y magsama-sama, at

nawa’y magkaisa ang lahat upang solusyunan ang mga problemang maaaring dulot

ng illegal na droga, mataas na bilihin, mga pang-aabuso ng nasa kapangyarihan,

mga alitan dahil sa basura, at marami pang iba na nararanasan ng bawat Pilipin.

Kung kaya’t napakahalaga ng mga gampanin ng ating mga barangay opisyal pati na

rin ang mga mamamayan, ang inyong suporta sa pagpapatupad ng mga barangay

projects at ang inyong pagsunod sa mga alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan

na isa sa mga mahahalagang solusyon para sa isang maayos, mapayapa, maunlad

at masaganang lipunan.
Kaya sa pangunguna ng Punong Barangay katuwang ang mga miyembro ng

sangguniang barangay, SK, functionaries, at mga masisipag na volunteers na

patuloy na ginagabayan ng ating DILG Field Officer upang maging katuwang sa

pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran, sa pamamagitan ng Barangay

Ecological Solid Waste Management Committee o BESWMC. Subalit, hindi po ito

magagawa ng atin barangay o lokal na pamahalaan kung walang suporta at

partisipasyon ng bawat isa sa inyo. Sa simpleng pagtatapon ng ating mga basura sa

tamang basurahan o lagayan, at pagsesegregate ng mga nabubulok, di-nabubulok,

mga hazardous wastes o objects at iba pa, ay isang napakalaking tulong na sa ating

barangay, residente, at sa ating inang kalikasan. Pagbabago, inisyatibo, at disiplina

sa sarili, iyan ang dapat ang mangibabaw! Naniniwala ako na malaki ang ambag ng

bawat isa sa inyo kung tayo ay magkabuklodbuklod upang maging kasama sa

pagpapanatili ng maayos, at malinis na pamayanan.

Malaki rin ang importansya ang kasiguruduhan ng kapayapaan, kaayusan at

kaligtasan ng bawat isa, mapa-bata, kabataan, o senior citizens at maging simpleng

mamamayan ay nararapat at may karapatan na malaya sa panganib, karahasan,

banta sa seguridad, at anumang potensyal na pinsala. At nang sa gayon, tayo ay

magpatuloy sa ating pang araw-araw na kabuhayan na ligtas at payapa. Ang

Barangay Peace and Order Council o BPOC kasama ang mga masisipag na

barangay tanod at volunteers natin, na sinisiguro ang pagpapatupad ng mga kapaki-

pakinabang na ordinansa o resolusyon, gaya ng mahusay na pamamahala sa

trapiko, at iba pang mga programa, patakaran, at mga naaangkop na probisyon ng

mga mekanismo upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng bawat mamamayan

at pamilya.
Sa tulong ng community, kasama ang Barangay Anti-Drug Abuse Council o

BADAC, “mas magiging epektibong ang ating kampanya laban sa iligal na

droga. Ang kailangan natin ay sabay na putulin ang sanga at tanggalin ang

ugat ng problema.” Sabay nating aaksyunan upang hindi na makapaminsala at

maka-impluwensya ng iba pang indibidwal. Narito ang lokal na pamahalaan, ang

gobyerno, handang tumulong lalong-lalo na sa handang sumuko. Bukas ang

pamahalaan para magbigay ng counselling at rehabilitasyon, at handa kaming

yakapin ang sinumang magbalik loob at magbagong buhay. Kaya, alamin ang dapat

gawin ng bawat pamilya, paaralan, pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan upang

ang iligal na droga ay iwasan at labanan. Ang laban sa illigal na droga ay laban ng

bawat pilipino para sa pagtataguyod ng isang maayos at mapayapang barangay.

Kaya ang Kagawarang ito ay buong pusong nananawagan na tayong lahat ay

makiisa sa kampanya nang pagpapalawig ng edukasyon at prebensyon tungkol sa

masasamang epekto nito. At suportahan nating higit ang ating kapwa na

sumasailalim sa rehabilitasyon upang makapagbagong buhay. Kaya naman ang

aming panawagan, Buhay Ingatan, Droga’y Iwasan. Dahil dito BIDA ka, KAya natin

‘to!

Isa sa mga maaaring problema ng ating barangay ay ang obstruction sa kalsada o

sagabal sa mga lansangan na maaaring magdulot ng panganib o aksidente sa

kalsada. Kaya mahigpit na ipinapatupad ng pamahalaan at ng inyong barangay ang

DILG Memorandum Circular No. 2023-017 tungkol sa implementasyon ng Road

Clearing Operations. Para sa ikabubuti, ika-a-ayos, at sa kaligtasan ng bawat

residente ay nararapat lamang na sundin ang direktiba, makipag-cooperate at alisin

o tanggalin ang mga sagabal sa ating mga daan o kalsada.


Isa rin ang Barangay Health Emergency Response Teams o BHERT na may

napakahalagang papel na ginagampanan, bilang mga frontliners o foot soldiers sa

pagsugpo, pagpigil at pag-manage ng COVID-19 sa komunidad. Kaya, bilang

kayong mga residente ng barangay na ito, ay hinihimok ko po kayong lahat na

makipag-ugnayan at makipagtulungan tayo sa ating barangay at sa BHERT upang

hindi na makahawa at lumaganap ang virus. Dahil dito, mangyari na magpabakuna

na upang maproteksyonan ka, kasama ang inyong mga mahal sa buhay, pati na rin

ang kaligtasan ng pamayanan laban sa COVID-19.

Isa sa mga kinakaharap ng ating bansa o maging sa ating barangay ay ang kawalan

ng seguridad at access sa mga masustansyang pagkain na abot-kayang halaga na

nagreresulta ng malnutrition at kagutuman sa ating lipunan. Kaya noong

January 24, 2023, ang DILG ay inilunsad ang HAPAG o Halina’t Magtanim ng

Prutas at Gulay sa Barangay Project, na dinedirektahan ang mga barangay na

magtatag o mag-establish ng Barangay Community Garden upang magtanim ng

mga gulay at prutas. Kaugnay nito, hinihimok ang bawat residente na mag-set-up ng

kani-kanilang family vegetable garden o magtanim ng mga prutas at gulay sa

kanilang bukaran. Kaya, aking pong hinihiling sa inyo ang inyong suporta at

makibahagi sa implementasyon ng HAPAG sa Barangay Project upang magkaroon

ng access sa mga masusustansyang pagkain at magkaroon nang malusog na

pangangatawan ang bawat pamilya o sambahayan.

Ilan lamang iyan sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng DILG para sa ating

lokal na pamahalaan, o mga barangay. Kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno,

communities, volunteers, at iba pang mga sektor, ginagawan ng aming Kagawaran

ang konkretong hakbang, ang mga aspetong sasagot na may kinalaman sa


problema ng barangay, at pinapalakas natin ang kakayahan ng mga barangay

officials at functionaries para sa kanilang mga gampanin at tungkulin upang

makapagbigay ng maganda at nararapat na serbisyo para sa taong bayan.

Makakaasa po kayo na gagawin namin na siguraduhin, sa abot ng makakaya, na

ang bawat pagsisikap at initsyatibo ay makakaabot mula sa barangay hanggang sa

mga nasa laylayan.

Muli, ang DILG ay lubos na nagpapasalamat sa walang humpay, walang sawa at

tuloy-tuloy na pagganap ng ating mga barangay officials sa kanilang mga tungkulin.

Kami sa national government, sa DILG, ay patuloy na susuporta sa inyong mga

adhikain. Sa inyong pagdalo sa asembleya sa araw na ito, ako ay saludo! At para sa

amin, kayo ang BIDA, Barangay at Mamamayan, BIDA Ka!

Muli, isang mapagpalang araw/hapon po sa inyo! Maraming salamat, at mabuhay po

tayong lahat!

You might also like