You are on page 1of 5

Magandang Araw po sa ating lahat na narito ngayon.

Sa ating mga panauhing pandangal mula sa iba’t


ibang ahensya ng ating pamahalaan, sa mga opisyales ng ating barangay kasama ang mga kaagapay na
lagi ang mga BHW, Tanod at sa mga kapw ko residente at tahanan na itong bombongan. Mapagpalang
araw po.

Walang pong miyembro ng komunidad ang hindi naghahangan ang magkaroon ng isang tahimik,
maunlad, Masaya at nagkakaisang barangay. Lahat po tayo ay nangangarap nito. Kaya naman po ang
ating pamunuan mula po sa nasyonal hanggang sa baranggay level ay nagkakaisa upang ang pangarap na
ito ay magkaroon ng katuparan. Ngunit ang katuparan nito ay hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga
kamay. Higit ang tagumpay kung ang pakikiisa natin lahat ay maibibigay natin.

Bago po natin simulan ang ating programa para sa Barangay Assembly 2019, na may Temang:
BARANGAY MUNA: Nagkakaisang Barangay, Kaagapay ng Bansang Maunlad!

At may Event Motto na MAKIISA! MAKILAHOK! MAKIALAM!

Halina po munang tawagin si GNG JOSEFINA ALEJANDRO, UBAS, Representative, upang pangunahan
tayo sa isang panalangin upang hingin ang gabay at patnubay ng ating lumikha maging matagumpay ang
programang ito. Magsitayo po tayong lahat.

Hinihiling po na manatili ang lahat sa pagkakatayo para sa ating Pambansang Awit sa pangunguna at
kumpas ni Gng NERYSSA BAUTISA, Brgy. Staff ng Bombongan.

Maraming salamat po.

WELCOME PO ULI sa lahat ng narito. Alam ko pong excited na bawat isa upang marinig ang mga iba’t
ibang ulat mula sa ating pamunuan ukol sa iba’t ibang mga kaganapan at magaganap dito sa ating
baranggay kaya upang formal na buksan at umpisan assembliyang ito halina, tawagin po natin ang
minamahal natin at mula ng umpisa ng kanyang termino ay ibayong sipag at concern sa kanyang
sinumpaang tungkulin, ang magkaroon tayo ng isang mapayapa, Masaya at maunlad na barangay, kilala
nating lahat, Ang ating Kapitan, HON. RICKY S. TIBURCIO. Salubungin po natin siya ng ating palakpak ng
pagmamahal.

Maraming salamat po KAPITAN.

Ngayon naman po, upang lalo pang magkaroon tayo ng sigla sa ating partisipasyon ngayon dito, isang
SPECIAL NUMBER po muna ang ating matutunghayan mula sa mga multi-talended at talaga namang
pinagmamalaki natin, tawagin po natin at pasalubungan ng masigabong palakpakan ang mga estudyante
natin sa Bombongan elementary school.

Maraming salamat sa inyo. Nasisiguro ko na ang lahat ng narito ay nagenjoy sa Special Number na
inyong naipresent ngayon. Nag-enjoy po ba tayo? Palakpakan po natin muli sila kung talagang tayo ay
nag-enjoy.

Iyon. Maraming Salamat uli sa inyo mahal namng mga Estudyante at sa uulitin.
Ngayon naman po tawagin po natin isa – isa ang ating mga panauhing ngayon mula sa iba’t ibang
ahensya n gating gobyerno na simula pa kaagapay na ng bawat barangay para sa kaunlaran, kalinisan,
kapayapaan, at kaayusan nito.

Simulan po natin, sa isang gwapo at napakasipag at palagian na nating kasama sa ganitong mga
celebrasyon, kilala na po natin siya, wag na natin patagalin pa, tawagin po natin at pakinggan ang
kanyang mensahe para sa atng pagdiriwang ngayon, si Ginoong JEROME L. MATEO, (MDRRMO/MENRO),
palakpakan po natin siya.

Maraming salamat po Sir Jerome.

Ngayon naman po halina’t iwelcome po ang isa ring gwapo at matipuno (hindi ko lang po alam kung
taken na), at sa aking pong pagkakarinig ay hindi lang napakasipag ngunit napakatapang pa. isang peace
and order loving official, ang galit sa mga gumagawa ng anumang krimen. Tawagin po nating si Police
Captain JUNARD R. BRIONES mula sa Philippine Nationa Police. Pasalubungan po natin siya ng malakas
na palakpakan.

Maraming salamat po sa mensahe at mga bagong kaalaman na inyong naihatid sa amin ngayon Captain
Briones.

Pakinggan naman po natin ngayon ang isang mensahe na magmumula sa isa pa pong gwapo at
matipuno at alam po ng lahat ang kanyang kasipagan para sa ating kaligtasan laban sa iba’t ibang
trahedya lalo na po sa sunog, alam kung kilala nyo na po siya. Si Fire Inspector RONALD NALOG, ang Fire
Chief Inspector ng Bureau of Fire Protection dito sa ating bayan ng Morong, Rizal. Palakpakan po natin
siya.

Maraming salamat po sa inyong mensahe at update sa iba’t ibang kaganapan sa inyong tanggapan Sir
Ronald.

Ang susunod ko pong tatawagin ay palagi na rin po nating kasa-kasama sa ganitong mga Gawain. Isa ina,
at ang kapakayan ng ating mga Senor Citizen ay kanyang prayoridad, dinggin po natin ang kanyang
mensahe, GINANG NILDA A. FRANCISCO, Senior Citizen Representative, palakpakan po natin siya.

Maraming salamat po nanay NILDA sa inyong mensahe.

Tawagin naman po natin ang isa ring ina, at talagang ina, hindi lamang po ng kanyang mga anak kundi ng
ating mga anak, ang tagapagtaguyod ng karunungan, at nagmamalasakit sa edukasyon ng bawat nating
anak. Wag na natin pong patagalin anyayahan po natin siya sa unahan upang ating mapakinggan ang
kanyang mensahe, si GINANG EDEN C. BERDUSCO, ang Principal ng Bombongan Elementary School.
Palakpakan po natin siya.

Maraming salamat po Maam Eden sa inyong mensahe.


At ngayon naman po, isan pong malaking karangalan ang ipakilala siya sa inyo. Napakahaba po ng track
record nya na talaga naman po hahangaan nating lahat. Siya po ay nag- simula bilang isang guro sa
elementarya, naging Principal, Professor sa Kolehiyo, at siya po sng kauna-unahang naging Presidente ng
University of Rizal System, siya rin po ay ipinagmamalaki nating lahat na naging Bokal ng ating Probinsya,
isang pong Doctor sa Larangan ng Edukasyon, at higit sa lahat ay isa pong ina. mas kilala po nating lahat
sa bansag na Dr. D., ang ating bagong Mayor, ang Ina nating mga Moronguenos, Magsitayo po tayong
lahat at Pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan, Si Honorable Mayor Olivia De Leon.

Maraming salamat po Honorable mayor De Leon.

Ngayon naman po, pakinggan naman po naman natin ang mensahe mula sa Secretary of Interior and
Local Government na ihahatid po sa atin ng isang napaka sipag, napaka tiyaga na lagi ng nakaalalay sa
ating mga barangay, isa pong Dalagang pilipina, Tawagin po natin si Binibini PHOENIX GRANT TEODORO,
DILG/MLGOO o Municipal Local Government Operations Officer, palakpakan po natin sya.

Maraming Salamat po, Mam Phoenix

Tuloy tuloy na po tayo sa ikalawang Bahagi ng ating Programa sa Barangay Assembly Day Proper.

Wag na po nating patagalin pa, tawagin po muli natin ang ama ng Barangay Bombongan upang mag-
bigay ng ulat sa mga nangyari sa nakalipas na mga buwan at mga kaganapan pa sa darating na mga
araw. kasama po dito ang Financial status o ang mga pinagkagastusan, mga halaga nito, at perang hawak
natin. At iba ba pa pong detalye ukol sa ating barangay tulad ng Barangay Compliance to National Laws
and Issuances tulad po ng Anti Drug Laws at iba pa, halina’t palakpakan po muli natin si Kapitan Ricky
Tiburcio.

Marami pong salamat muli Kapitan Ricky Tiburcio

Dumako naman po tayo sa Report on the Constitution and Organization of BBis o Barangay Based
Institutions sa mas kilala natin na iba’t ibang Committee na pinamumunuan ng ating mga masisipag na
kagawad. Pakinggan po natin ang kanilang mensahe at update sa pinamumunuan nilang Committee.

Umpisahan po natin sa Committee on Budget, kilala po nating lahat ito, laging nakangiti at nakabati sa
atin, mas kilala natin sa bansag na Bagul, tawagin po natin si Honorable Brigildo C. Angeles

Salamat po kagawad.

Tagawin naman po natin ang Chairman sa Committee on Health, kilala rin po nating lahat, ang anak ng
napakagaling na kapitan natin dati na si Kapitan Ojing, palakpakan po natin si Honorable Mark Anthony
U. Calios.

Maraming salamat kagawad,


Tuloy tuloy nap o tayo, mula naman po sa tagapagtaguyod ng katahimihan at kaayusan ng ating
barangay, Tawagin po natin si Cesar F. San Juan J rang chairman ng Committee on Peace and Order,

Maraming Salamat po kagawad,

Isunod naman po natin ang tawagin ang isang ina na labis na nagmamalasakit sa kaunlaran ng
edukasyon ng ating mga anak, palakpakan po natin ang si Honorable Charito C. Feniquito ang
chairmanwoman ng Committee on Education at atin pong dinggin ang kanyang mensahe.

Maraming salamat po Kagawad Ito

Ating pong ipagpatuloy pa, tawagin po naman natin ang kagawad na talaga namang tataba ka sa sarap
niyang magluto, isa po siya sa mga nagtataguyod ng kahandaan natin sa mga trahedya na maaaring
dumating dito sa bombongan, ang kanyang committee nakasalalay ang pagpasulong at pagsasa-ayos ng
ating mga kalsada at kalinisan ng ating mga kanal, palakpakan po natin si Honorable Edmundo F. San
Juan.

Maraming salamat po Kagawad Abon.

Dumako naman po tayo sa pag sasaayos ng ating mga basura o waste segregation at usapin sa ating
kalikasan, tawagin po natin upang dinggin ang kanyang mensahe, isang small but terrible na tulad ko po.
ang medaling lapitan at kaibigan ng lahat, si Honorable John F. Menguito.

Maraming salamat kagawad Jowan.

Dumako naman po tayo sa palakasan, dinggin po natin ang mensahe mula sa isang promising and future
leader ng ating barangay, ang tagapagtaguyod ng palarong pambarangay, ang sk-chariman natin sa
kasalukuyan, si Honorable Gwen Charles C. Ape

Dumako naman po tayo sa ating mga tagapagtaguyod ng ating kaligtasan laban sa banta ng krimen lalo
na sa ating pagtulog, tawagin po natin ang chairman ng Barangay Tanod upang dinggin ang kanyang
mensahe, si _____________.

Salamat po.

Tawagin po naman natin ang tagapagtaguyod ng patas na hustisya, ang nagpapanatili ng pagkakasundo
ng mga nagkakaroon ng di pag kaka unawaan dulot ng isang pangyayari o ano pa mang rason, tawagin
po natin si, _________________ chairman ng ating Lupon, palakpakan po natin.

Maraming salamat po

Ngayon naman po dinggin po natin ang namumuno sa lagi ng kaagapay ng ating barangay sa lahat ng
pagkakataon at sa lahat ng oras. Tawagin po natin si __________________ chairman ng Bns. Palakpakan
po natin.
Maraming Salamat po.

At ngayon po ipapasa ko na po itong Mikropono para sa Open Forum at ito po ay pangungunahan ni


Jergen Joyce R. San Antonio, an gating Barangay Secretary.

Maraming salamat sa mga nakipartcipate sa open forum.

At sa pangwawakas po ng ating programa tawagin po natin muli ang ating kapitan sa kanyang Closing
Remarks, si Kapitan Ricky Tiburcio.

You might also like