You are on page 1of 8

INAUGURAL SPEECH

HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO


Punong Barangay Elect
Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal

Mga iginagalang kong panauhin ngayong umaga/hapon, (banggitin isa-isa ang mga VIP), mga
kapwa ko bagong halal na Kagawad ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng San
Jose, mga itinatangi kong mga kawani ng pamahalaang barangay, mga kahanga-hangang lider sa
ating mga sitio, mga maliliksi at masisipag na Kabataang San Jose na tuwi-tuwina na nating
katuwang sa bawat programa at proyekto, mga kapamilya at kamag-anak na walang-sawang
nakasuporta at nakagabay sa buong panahon ng aking pagsisilbi bilang lingkod-bayan, mga
tropapits, mga kaibigan, mga fans, mga dabarkads, MGA MINAMAHAL KONG
KABARANGAY…
Ngayon ang simula ng Matalino at Makabagong Barangay San Jose!
Ngayon pa lamang ay natitiyak na po ng inyong lingkod na sama-sama nating maiuukit ang
yugtong ito sa mga pahina ng kasaysayan ng ating barangay. Mula sa araw na ito, sa tulong at
suporta na buong giting ninyong ng ipinamalas nitong nagdaang halalan, sama-sama nating
lilikhain ang maunlad na hinaharap ng minamahal nating Barangay San Jose.
Kung naaalala po ng mga nakasama na natin sa pagpa-plano pa lang ng ating kandidatura,
binalangkas po natin ang Limang Puntong Adbokasiya sa Pamumuno (5-Point Leadership
Advocacy) na naglalaman ng mga mithiin o aspirasyon na takdang makamit ng ating pamunuan.
Magsisilbing gabay ang mga ito para mabisa nating maipatupad ng mga programa at proyekto na
ipinanukala natin sa ating pagkandidato.

Katuwang ang mga lider sa ating mga sitio at iba’t ibang sektor sa ating barangay, binuo natin
ang tala ng mga adbokasiyang ito ayon sa mga hinaing ng pinakamaraming bilang ng ating mga
kabarangay at batay sa kalagayan ng bawat komunidad na bumubuo sa Barangay San Jose.
Maliban sa layuning ilatag ito bilang platapormang pampuitika ng ating koponan,
napagsumikapan nating mabalangkas ang gabay na ito para din ilarawan sa sinuyo nating mga
botante ang isasagawa nating nagkakaisang pagpapadaloy ng pangangasiwa sa ating barangay
sakaling tayo ay palaring manalo sa nagdaang halalan.
Bago pa man po ihayag ng inyong lingkod ang kapasyahang tumakbo bilang inyong Kapitan
hanggang sa buong panahon ng kampanya sa Halalang Barangay at Sangguniang Kabataan o
BSKE, sinikap ko pong ihapag nang malinaw sa inyo ang platapormang ito. At dahil wala tayong
intensyon na matulad sa ibang politiko na panay lang ang pangako pero madalas napapako, hindi
po ipinangako ng inyong lingkod ang pagtupad sa mga nilalaman ng gabay na ito kapalit ng
inyong boto.
Bagkus ay nagpakasipag tayong maabot ang pinakamalawak na bilang ng ating kabarangay para
ipakiusap ang kanilang pagtiitwala at suporta, nagsikhay sa pangangampanya at
pinagsumikapang makamit ang tagumpay na alam kong hinangad nating lahat
Naging mapagpasya po ang gabay na ito sa paghingi natin ng suporta mula sa bawat residente ng
ating barangay at naging epektibong behikulo na naghatid sa atin sa nagkakaisang tagumpay
natin ngayon bilang mga pinuno at mamamayan ng Barangay San Jose.
Higit sa lahat, sinasalamin po ng limang puntong gabay na ito ang katapatan ng aking pakay
bilang bago ninyong Punong Barangay na kayo ay pagsilbihan bilang BAGO KONG MGA
I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

AMO, bilang aking mga BOSSING, bilang nasasakupan ng paglilingkod na sinisimulan ko


ngayong araw na ito.
Para madaling matandaan, inilista po natin ang limang puntong gabay na ito ayon sa mga letra ng
aking pangalan. Bago po natin talakayin ang bawat detalye, ito po nailista nating 5-Point
Leadership Advocacy:

 Letrang M-ALNUTRITION INTERVENTION AND ENHANCED HEALTH CARE


SERVICES;
 Letrang O-RDER, PEACE, SPORTS AND GOOD GOVERNANCE;
 Letrang N-ATURAL RESOURCES AND INDIGENOUS PEOPLE PROTECTION;
 Letrang T-REASURY TRANSPARENCY AND FINANCIAL ACCOUNTABILITY; at
 Letrang E-DUCATION, CULTURE AND THE ARTS, LIVELIHOOD AND GENDER
ADVOCACY

Gagawin po nating Checklist ng Serbisyong One Click ang listahang ito na ia-audit natin taun-
taon. Ito ay para masingil ninyo ako at ang ating Sangguniang Barangay tuwing gaganapin natin
ang taunang Barangay Assembly Day sakali mang may hindi tayo naabot na alinman sa mga
programa at proyektong ayon sa nakalista dito ay dapat natin ipinatupad.
Hinimay-himay po natin ang limang puntong gabay na ito sa ating pamamahala para sa naman sa
detalyadong pagdidisenyo ng 7-Point Agenda for Governance. Ito ang magbibigay ng angkop
na direksyon sa pagpapatupad natin ng ating mga programa at proyekto at sa pagsusulong ng
ating mga adbokasiya.

Halaw sa limang puntong adbokasiya na magtitimon sa atin para epektibong makapamuno,


taglay ng pitong puntong adyendang ito ang disenyo ng mahusay pamamahala na na ilalapat
natin sa implementasyon ng inilatag nating mga proyekto, programa at mga adbokasiya.
Gaya rin ng lima nating puntong adbokasiya sa pamumuno, inilista po natin ang pitong puntong
adyendang na ito sa pamamahala, para madaling matandaan, ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga letra sa pangalan ko.
[Note: Optional po ang mga pulang paragraphs; maganda kung maisasama pero pwedeng hindi
na isama sa talumpati ang mga detalyeng ito.]

Nakadetalye din po sa bawat agenda ang mga pamamaraan sa epektibo nating pagpapatupad
ng mga ito]:

 M- ASAKLAW NA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN (Comprehensive Health


Care Program);
 Pagpapatupad ng regular na serbisyong medikal upang matiyak at mapanatili ang
pangkalahatang kalusugan ng mga mamamayan sa pangkabuuang pisikal, dental,
pangkaisipan (mental), at pangkamala-yang (cognitive) saklaw.
 Pagsubaybay at agarang pagtugon sa mga kaso ng malnutrisyon sa barangay.

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 2


I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

 Pagsasagawa ng palagiang Klinikang Bayan sa mga laylayang bahagi at liblib na


mga pamayanan ng barangay.
 Pagpapaunlad at pagdaragdag ng mga pasilidad ng kalusugan sa mga sitio at
pagpapahusay sa kasanayan ng mga manggagawang pangkalusugan.

 O - RGANISADO, MAPANGHAMIG AT PARTISIPATORYONG PAMAMAHALA


(Organized, Inclusive and Participatory Governance);
 Pagpapasigla sa pagtatatag ng mga samahang masa sa mga komunidad na
magsisilbing daluyan ng mga inisyatibang pangkabuhayan at pangkaunlaran.
 Pagbabalangkas ng mabisang mekanismo ng pakikilahok ng ordinaryong
mamamayan at malawak na bilang ng taumbayan sa pamamahala ng barangay.
 Paghimok sa bawat sektor sa barangay ng dinamikong paglahok sa pagtutukoy,
pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga programa at proyektong nakatuon sa
kolektibo nilang kagalingan at sama-samang pag-unlad.
 Pagdaraos ng tuwi-tuwinang konsultas-yong-masa sa pamamaraang Ugnayan sa
Sitio upang agarang matukoy ang mga pangangailangan sa bawat komunidad at
kagyat na matugunan ang mga ito.

 N - APAPANATILING KAPAYAPAAN, KAAYUSAN, KALIGTASAN AT


SERBISYONG PANLIPUNAN (Sustainable Peace, Order, Safety and Social
Services);
 Pagpapanatili ng katiwasayan sa pamamagitan ng maigting na pagmamatyag at
regular na pagpapatrulya ng Barangay Police Task Force sa mga komunidad at
lansangan.
 Pagbubuo ng force multipliers na magiging katuwang ng barangay sa pagpa-pairal
ng kapayapaan at kaayusan.
 Pagpapalakas sa kampanya kontra-droga, sugal at iba pang iligal na mga gawain.
 Pagpapatupad sa mga probisyon ng Safe Spaces Act na naglalayong tiyakin ang
kaligtasan ng lahat ng kasariian sa mga pampublikong lugar.
 Pagdaragdag ng kaalaman ng mga kawaning pangkaligtasan at volunteer rescuers
mula sa mga sitio upang mapatalas ang kadalubhasaan ng barangay sa pagresponde sa
mga aksidente at sakuna at sa larangan ng disaster risk reduction and management.
 Likas-kayang pagpapaunlad sa kalidad, kantidad at lawak ng pagpapaabot ng
serbisyong panlipunan batay sa kalagayan at pangangailangan ng mga
benepisyaryo at kalakhang mamamayan.
 Regular na paghahatid ng mga batayang serbisyo ng barangay sa mga pamayanan
sa pamamagitan ng ilulunsad na programang “Munting Sebisyo, Hatid sa Sitio”.
 Pagpapaangat sa katayuan ng mga sektor ng may-kapansanan, nakatatanda, solo
parents, kabataang out-of-school bilang tugon sa natatangi nilang mga
pangangailangan.

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 3


I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

 Pagtatatag at pagpapanatili ng mga proyektong pangkabuhayan sa mga laylayan


ng barangay alinsabay sa pagpapaabot ng kaukulang tulong sa mga kapos-palad
para sa esensyal nilang mga pangangailangan sa oras ng kagipitan.
 Pagpupunyagi sa pagkakamit ng pangkasariang pagkakapantay-pantay at
pagsusulong ng mga programang magpapabisa sa inisyatibang Gender Advocacy and
Development ng pamahalaang barangay.
 T - APAT, BUKAS, AT MAY-PANANAGUTANG TRANSAKSYONG
PAMPINANSYA (Honest, Transparent, Accountable Financial Transactions);
 Maingat, angkop at sistematikong paggamit sa pananalapi, pag-aari at iba pang
rekurso ng barangay.
 Mahigpit na pagtalima sa mga polisiyang pampinansya, mga patakaran sa
pananalapi, at mga alituntunin sa wastong pagtustos sa badyet na laan sa barangay.
 Pagpapairal ng tapat at walang itinatagong pampinansiyang transaksiyon at
pagpapamalaging bukas sa pagsusuri ng publiko ang mga talaan ng opisyal na kita
at gastusin ng pamahalaang barangay.
 E - DUKASYON PARA SA LAHAT, MAUNLAD NA SINING, MAYABONG NA
KULTURA (Education for All, Progressive Arts and Vibrant Culture);
 Pagkakaloob ng scholarship sa mga mag-aaral ng barangay at pagpapaabot sa
mga nangangailangan ng kaukulang suportang pang-edukasyon.
 Pagtataguyod ng libre at/o abot-kayang edukasyon sa pampublikong mga paara-lan
at taunang pamamahagi ng mga gamit-pampaaralan sa mga estudyante ng
Barangay San Jose.
 Pagsasaayos ng kalagayan ng day care centers ng barangay at pagpapataas sa
kalidad ng serbisyo ng mga ito kapwa sa mga bata at magulang.
 Pagpapatampok sa sining bilang mapanlikha at samakatuwid ay epektibong
daluyan ng impormasyong masa, makulay na pamahayagan ng kipkip na
damdamin ng mamamayan, epektibong siwalatan ng pulso ng bayan at wastong
sukatan ng antas ng kamalayang panlipunan.
 Pagsusulong ng sining bilang patnubay sa malalim na pagsusuri sa kalagayan ng
pamayanan at mamamayan tungo sa pagtatamo ng kalayaang panlipunan.
 Pagpapanumbalik sa mga makukulay ngunit limot nang tradisyonal na mga anyo ng
sining at kultura tulad ng rondalla at teatrong bayan para masaksihan ito at
mapahalagahan ng bagong henerasyon.
 Patuloy na pagpapayabong ng kapaki-pakinabang na mga tradisyon at
kinagisnang kilos at gawa, katutubong mga ritwal at kaugalian, makukulay na
kagawian at sinaunang kabihasnan.
 Masusing pangangalaga sa yaman ng minanang kalinangan at puspusang pag-
iingat sa sandigang katumpakan ng mga tala ng kasaysayan.
 Patuloy na pagyayaman sa maunlad na kamulatang kaloob ng mga ninuno at
magsisilbing gabay ng susunod na mga salinlahi sa paglilinang ng hinaharap at
pagpapanday ng kinabukasan.

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 4


I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

 R - ESPONSIBONG IMPRASTRAKTURA, MAHUSAY NA SISTEMANG PANG-


TRANSPORTASYON (Responsive Infrastructural Development, Efficient
Transportation System):
 Pagbubuo ng makabuluhan at angkop na imprastakturang kagyat na tutugon sa
pangunahing pangangailangan ng mga komunidad.
 Pagpapabuti sa kalidad ng iba’t ibang bahagi ng gumaganang imprastaktura tulad
ng mga kalsada at tulay, kuryente, teknolohiyang pang-impormasyon at
komunikasyon, suplay ng tubig at sanitasyon, upang mapahusay ang daloy ng mga
produkto at serbisyo at mapabilis ang benepisyo ng mga mamamayan mula sa mga ito.
 Paglalatag ng imprastrakturang magsasaayos sa iba’t ibang aspeto ng
paglilingkod ng pamahalaang barangay tulad ng peace and order, health care,
edukasyon at pangkalahatang kabuhayan ng mga mamamayan ng Barangay San Jose.
 Pagpapainam ng umiiral na sistema ng transportasyon upang umangkop sa
pangangailangan, kaligtasan at dami ng kabuuang populasyon ng barangay.
 O - RGANIKONG PAGSASAKA, MALUSOG NA KAPALIGIRAN, MATATAG NA
EKONOMIYA (Organic Agriculture, Healthy Environment, Robust Economy).
 Pagsusulong ng organikong pamamaraan at teknolohiya sa pagsasaka,
panghahayupan (livestock raising) at pangingisdaan (inland fisheries) upang
mapanatili ang kalidad ang kalupaan, kalinisan ng katubigan, gayundin ang kalusugan
ng taumbayan ng Barangay San Jose.
 Pag-aangat sa antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng
pamamahagi sa kanila ng suportang pang-agrikultura at pagpapaabot ng tulong-
pangkabuhayan sa kanilang mga kaanak.
 Pagtitimon sa mga programang pangka-paligiran ng barangay upang maigiya sa
wastong direksyon ang pagsasakatuparan ng mga proyektong environmental
protection at solid waste management.
 Pagpapatining ng mga pagpupunyaging pangkalikasan ng barangay sa kaisipan ng
mamamayan upang makabalikat sila sa pangangalaga ng kalikasan at kaugnay na
mga adbpokasiya.
 Seryosong pagtugon sa mga suliraning bunsod ng climate change upang mailihis ang
mga bantang panganib sa kalikasan at likas na yaman ng barangay at matiyak ang
kaligtasan ng mga komunidad at mamamayan.
 Pagpapaunlad sa mga pampamayanang negosyo at kalakalan, paghimok sa mga
nagosyante at investors ng pamumuhunan sa barangay, pagpapasigla sa lokal na
mga industriya at pagawaan, pagtatatag ng mga proyektong pangkabuhayan at
kooperatiba sa mga komunidad.

Sa buong termino ng ating panunungkulan, patatampukin po natin bilang puso ng ating


paglilingkod ang pagsasabuhay sa demokratikong partisipasyon ng mga mamamayan sa mga
mapagpasyang bahagi ng pamamahala sa barangay.
Magiging mapagpasyang katuwang po ng ating konseho ang mga ordinaryong mamamayan ng
Barangay San Jose sa pagpaplano, pangangasiwa at pagpapaunlad ng saligang mga programa,

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 5


I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

esensyal na mga proyekto at makabuluhang adbokasiya na ating isusulong saan man


kakailanganin ang mga ito.
Ang pagpapatibay sa “peoples’ participatory governance” sa barangay ay demokratikong proseso
ng pagtatatag ng Peoples’ Council o Konsehng Bayan para mahimok at mapanatili ang aktibog
paglahok ng taumbayan sa pamamahala ng barangay.
Ang Peoples’ Council ay bubuin ng mga samahang masa o peoples’ organizations, non-
governmental organizations o NGOs, civic organizations, homeowners at neighborhood
associations, sectoral organizations at iba pang stakeholders sa barangay. Susing pamamaraan ito
sa pagtitiyak ng mga mamamayan ng kanilang kagalingan sa pakikipagtulungan sa pamahalaang
barangay.
Sa pakikisangkot ng masang mamamayan sa pagtutukoy at paglulutas ng kani- kanilang mga
problemang panlipunan, maipa-prayoridad ang karapat-dapat na mga programa at proyektong
bago pa man kagyat na masimulan ay masisiguro nang maghahatid ng pangmatagalan kung hindi
man permanenteng kapakinabangan sa higit na nakararami.
Sa sistemang ito, malilikom mula sa bawat sektor at komunidad ang tunay nilang kalagayang
pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan. Mula dito ay mauugat ang sanhi ng sektoral at
pampamayanang mga suliranin at matutukoy ang wasto at epektibong solusyon sa bawat
suliranin.
Sa diwa ng bayanihan at simulaing “mula sa mamamayan, tungo sa mamamayan,” ang
pamamaraang ito ang magtitiyak sa atin ng kaunlarang pangarap nating likhain at sama-sama
nating pagsisikapangtuparin.
Kayo po ang naghatid sa amin sa tagumpay na ito. Nasisiguro po ng inyong lingkod na patuloy
ninyo kaming sasamahan mula sa araw na ito hanggang sa dulo ng aming panunungkulan.
Nasa inyo pong suporta, pakikiisa at paglahok nakasalalay ang tagumpay ng aming termino
bilang bagong halal na mga opisyal ng barangay. Alam ko pong hindi ninyo kami bibiguin sa
bagay na ito.
Sa puntong ito, gusto ko pong samantalahin ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng
umalalay, nagpalakas ng loob, naniwala at nagtiwala kaya natin nakamit ang ating panalo sa
nagdaang eleksyon.
Sa akin pong mga magulang at pamilya na humubog sa sa akin at sa hangarin kong maglingkod
at naging balon ng pagmamahal, suporta at inspirasyon para harapin ko ang lahat ang hamon ng
pagiging lingkod-bayan, mula sa limang taon ng aking pamumuno sa SK ng ating barangay
hanggang sa pamumuno ko ngayon bilang Kapitan. Taos-puso po akong nagpapasalamat.
Sa ating mga Kagawad sa Sangguniang Kabataan, mga lider ng Katipunan ng Kabataan sa mga
sitio, sa ating SK staff at sa secretariat ng ating campaign team na nagpuyat, nag-house-to-house,
naulanan, nag-ambag ng di matatawarang sakripisyo para lamang maitulak ang ating panalo sa
halalan, marami pong salamat sa inyo, masaya akong makakasama pa kayo sa ating
pagpapatuloy at malayo pa ang ating pagsasamahan.
Sa aking mga kapwa-kumandidato sa nagdaang halalan, siyempre ang nanalong Kagawad sa
ating team, Kagawad Empoy Andrade, at lahat ng iba pa, (banggitin isa-isa ang mga pangalan).
Dahil malinaw po sa akin ang malinis ninyong hangarin na magligkod sa ating mga kabarangay
ng buong katapatan, hindi ko po maituturing hindi kayo panalo. Alam kong patuloy kayong

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 6


I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

magsisilbi maski hindi kayo pinalad na maging opisyal na bahagi ng Sangguniangn Barangay.
Pasasalamat po sa makabuluhang panahon at pagkakataon na nakasama kayo sa isang
paglalakbay na punong-puno ng aral at karanasan. Magsasama-sama po tayo hanggang sa
susunod na barangayan.
Sa buong slate ng kaanib na koponan ng Sangguniang Kabataan sa Team Monte, isang malaking
karangalan na nakadaupang-palad ang matatalino at maliliksing kabataang tulad ninyo. Sa lalim
ng pinaghuhugutan ng hangaring maging katuwang ng kapwa ninyo kabataan sa Barangay San
Jose at pag-uumapaw ng malikhaing ideya para isulong ang kanilang kagalingang pisikal at
pangkaisipan, panalo rin kayo tulad ng bagong mga kinatawan sa Sangguniang Kabataan ng
ating barangay ngayon. Tanggapin po ninyo ang aking pagpupugay at taos-pusong pasasalamat
Sa atin pong mga sitio leaders, mga nakasama sa kampanya, mga watcher sa bawat presinto, sa
lahat po ng nag-ambag ng pinakamaliliit na bagay na naging bahagi ng ating tagumpay, wala
pong sapat na salitang makakapantay sa pinakita ninyong malasakit at pinadama ninyong
pagmamahal.
Sa atin pong mga nakatunggali sa halalang ito, ang Ka Pina Garcia at ang Kagalang-galang ng
Konsehal Puto Leyva, maraming salamat po sa napakagandang laban. Hindi po kaila sa lahat na
tulad ng inyong lingkod, masidhi ang inyong pagmamahal sa ating mga kabarangay kaya nabuo
sa inyong pagpapasyang pumalaot sa eleksyon, magbaka-sakaling manalo at magkaroon ng
pagkakataong maglingkod.
Sayang po at hindi pwedeng sabay-sabay tayong umupo bilang Punong Barangay. Gayon pa man
ay natitiyak ko na sino man sa ating tatlo ang pinalad ay buong husay at tapat na manunugkulan
sa ating mga kabarangay. Dyan pa lang sa puntong ‘yan ay panalo na ang ating mamamayan.
Magiging masaya po ako na makatuwang ang Ka Pina sa ano mang programa o proyektong
pwede nating pagsamahan para sa ating barangay. Kasasabikan ko din po ang ano mang
ordinansa o resolusyon na maipapasa ni Konsehal Puto sa Sanggunaing Panlungsod para
masigasig ipatupad ang mga ito sa ating barangay.
At siyempre po, hindi sapat na ipahayag lang sa salita ang abot-langit na pasasalamat ng inyong
lingkod sa mahigit labing pitong libong mamamayan ng Barangay San Jose na nag-alay ng
paniniwala sa aking kakayahan, nagbuhos ng pagtitiwala sa aking sinseridad at nagluklok sa atin
bilang Punong Ehekutibo ng ating barangay. Ang tanging anyo ng pasasalamat na natitiyak kong
makapapantay sa dinadakila kong suporta mula sa inyo na nagbigay ng katuparan sa hangarin
kong manungkulan ay ang pagsilbihan kayo sa abot ng aking kakayahan sa kaparaanang
magpapabuti sa inyong panglipunang kalagayan at magbubunsod ng pag-angat sa antas ng
inyong buhay at kabuhayan. Hindi man sapat ay hayaan po ninyong bigkasin ko ng buong
pagpapakumbaba ang wagas at dalisay na pasasalamat sa inyo mula sa kaibuturan ng aking puso.
Bilang pagtatapos, Iniaangat ko ang lahat ng kaganapang ito kalakip ng aking pananalig at
pasasalamat bilang alay sa Banal na Lumikha na siyang tunay na nakapangyayari at tunay na
naghatid sa atin ng tinatamasa nating tagumpay. Kasama nito ang ating pagsusumamo na tayo ay
tanglawan ng kanyang Banal na Kapangyarihan na siyang gagabay sa atin para maabot ang
pangarap nating kaunlaran at katiwasayan sa ating barangay.
MGA MINAMAHAL KONG KABARANGAY, TAYO NA!
SAMAHAN N’YO AKO NA TAHAKIN ANG MATALINO AT MAKABAGONG LANDAS
TUNGO SA MAALWAN AT MASAGANANG HINAHARAP!

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 7


I N A U G U R A L S P E E C H
HON. MONTERO AZUR M. TOLENTINO, M D

KAMTIN NATIN, TANGHALIN NATIN ANG ISANG BARANGAY SAN JOSE NA


MATALINO, MALUSOG, PROGRESIBO AT MAUNLAD!
Maraming salamat po at magandang umaga/hapon sa inyong lahat.

PUNONG BARANGAY | SAN JOSE, ANTIPOLO CITY PAGE 8

You might also like