You are on page 1of 35

CIVIC

ENGAGEMENT
By:
ALEXANDRA MAE S. SOL
JOHN MARK S. SARDENG
ANGIELYN S. SARDENG
CIVIC ENGAGEMENT
-Civic engagement means working to make a difference in the civic life of our communities
and developing the combination of knowledge, skills, values and motivation to make that
difference. It means promoting the quality of life in a community, through both political and
non-political processes.
-Civic engagement or civic participation is any individual or group activity addressing
issues of public concern.
Ibig sabihin nito ay pagtulong ng kusa na walang hinihinging
kapalit. Ito ay tumutukoy sa pakikisali sa mga aktibidades o mga
gawain na nakatutulong sa mga nangangailangan o problema sa
isang komunidad o sa isang bansa.

At kung paano nakikilahok ang isang aktibong


mamamayan sa lipunan.
Ang pagtulong ay isang mahalagang dimensyon ng kulturang
Pilipino. Ang bayanihan o sama-samang pagtutulungan at
pagbubuhat ng mga pasan ay itinuturing na isang mekanismo ng
pagkaya sa mga problema ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng
bayanihan, naipapakita ang pagkakaisa sa komunidad; ito ay
isang paraan para magarantiya ang suporta, lalong-lalo na sa
panahon ng kalamidad (Bankoff 2009; Jocano 1999). Ang
pagiging matulungin ay magandang mapalalim sa mga kabataan.
PANGANGALAGA SA
KALIKASAN
Ang pakikikibahagi sa pagpapaganda ng kalikasan ay isang bolunterismong
pakikilahok at ito ay malaking tulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng
ating kalikasan na napakagandang pagmasdan. Sa pamamagitan ng simpleng
pagtapon ng basura sa tamang lalagyan, pakikisali sa paglilinis ng kapaligiran sa
mga paaralan man o sa komunidad at pakikilahok sa programang Tree Planting,
pagpupulot ng plastics at basura sa mga ilog at pakikisali sa Cleaning Costal Areas.
Isang boluntaryong pakikilahok na pagtulong rin ang ginagawa ng
mga rescuer kapag mayroong aksidente sa mga highways at kalsada,
pati na rin sa mga biktima ng kalamidad. Kasama na rin ang mga
bumbero o firemen sa BFP na kusa silang tumutulong sa mga
nasunugan sa pag-aapula ng apoy at pagbibigay ng mga first aid sa
mga nasaktan at nasugatan sa insidente.
 
Sa panahon ngayon, marami ang mga kalamidad na nararanasan nating mga
Pilipino gaya ng mga bagyo, lindol at pagputok ng mga bulkan.

Malaking tulong talaga sa mga nasalanta ang kahit simpleng pagbibigay ng


relief goods, pagdodonate ng mga canned goods, noodles, damit at pera. Nasa
konsensiya natin ang pagtulong sa kapwa. Isa itong halimbawa ng
boluntaryong gawain sa pamamagitan ng pagdodonate at pakikibahagi sa pagpa
packed ng relief goods.
Ang Fun Run ay isang karera na nagsasangkot sa alinman sa
pagtakbo sa kalsada na may mga kalahok na nakikibahagi sa
kanilang sariling kasiyahan sa halip na kumpetisyon. Karaniwang
ginaganap upang makalikom ng pondo para sa isang charity, na
may mga sponsor na nagbibigay ng kita upang masakop ang mga
gastos sa organisasyon. Kasama na rin dito ang Fun Walk at Fun
Bike.
-Malaki ang naitutulong ng mga nakukuhang
blood donation sa mga nangangailangan dahil ito’y
nakasasagip ng buhay ng ibang tao, marami ring
benepisyong medical ang nakukuha ng mga
indibidwal na sumasali sa pagdo-donate ng dugo sa
Red Cross.
Isa ring boluntaryong gawain ang pagtulong at pakikibahagi sa
mga medical missions lalo na sa mga malalayong lugar at mga
baryo. Nakakatulong ito sa mga senior citizens, mga sanggol at bata,
mga kabataan at mga tao roon upang mabigyan sila ng mga gamot,
mapabakunahan at mabigyan ng medical assistance.
PAG-AALYANSA O
PAGWEWELGA
Paglaban o pagkontra sa katiwalian pamahalaan at/o isang
kompanya.
Ang pakikilahok sa pagwewelga ay nakatutulong sa ating lipunan
upang mabawasan o mawakasan ang maling pamamalakad.
PAGWEWELGA
Ang welga sa Pilipinas ay talamak. Maraming mga klase ng pag-
aalanyasa ang ginagawa ng mga Pilipino. Katulad na lamang ng
KORAPSIYON, MABABANG SAHOD NG MGA
MANGAGAWA, EJK at mga MALING PAMAMALAKAD sa
mga mamamayan.
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
- Isang mahalagang paraan para matugunan ang mga isyung ito
ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal.

Halimbawa:

- Paraan ng pagboto masidhing mga aksiyon para igiit


ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
PAGBOTO
Ang pagboto ay responsibilidad at karapatan ng bawat mamamayan na mamili ng
nais nilang lider na tingin nila ay nararapat. Mahalaga na matupad natin ang gawaing
ito sapagkat ito ay nangyayarin lamang kada eleksyon na hindi nagaganap taon-taon.
Ang mga mananalong lider ang uupo sa pwesto at magkakaroon ng kapangyarihan na
mamuno. Sila ay magkakaroon ng karapatan sa paggasta ng pondo mula sa buwis at
may kakayahang magbigay ng utos dahil sila ay nasa mataas na posisyon.  Ito ay
hindi sapilitang gawain ng isang indibidwal.
NON-GOVERNMENTAL
ORGANIZATION
-Ang organisasyong di-pampamahalaan (Ingles: non-governmental
organization o NGO) ay isang organisasyon na naayon sa batas na nilikha ng mga
pribadong tao at mga organisasyon kung saan hindi sumasali o kumakatawan ang
anumang uri ng pamahalaan. Sa mga kaukulan kung saan ang mga NGO ay
napaglaanan ng salapi nang buo o bahagi lamang mula sa mga pamahalaan, ang
NGO ay nanatiling nasa katayuang di-pampamahalaan at kung sakali isinasantabi
ang mga kumakatawan mula sa pamahalaan sa pagkakasapi sa organisasyon.

Ang NGO (Non-Governmental Organization) o sa tagalog ay organisasyong di-


pampamahalaan ay mga organisasyon na hindi kabahagi ang pamahalaan. Ito ay binubuo ng
mga pribadong tao at organisasyon.
ANG MGA TUNGKULIN NG
NGO
1. Paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng
mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan.
2. Magsagawa ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang
kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan.
3. Direktang makipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang
hinaing ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas na naglalayong
mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan.
MGA HALIMBAWA NG NGO

1.  Operation Smile Foundation


• Tumutulong sa mga kapus-palad na may mga problema gaya ng cleft lip at cleft palate.
MGA HALIMBAWA NG NGO
2. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources
• Tumutulong sa pagkonserba ng mga likas na yaman, pagprotekta sa kapaligiran, sa kultura
ng mga tribo at pamamahala sa mga wild life.
LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991

ay isang mahalagang patunay na papel na ginagampanan ng mga NGO. Nakasaad


dito na kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga
ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Nakasaad din sa
batas na ito ang pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para
makamit ang kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o lalawigan .
LAYUNIN NG NGO

1. Tulungan ang mga mamamayan na makaahon sa kahirapan.


2. Tuligsain ang hindi makataong patakaran ng pamahalaan.
3. Tugunan ang mga suliranin ng mga mamamayan.
Ipapasa kay:
Gng. Fatima M. Sonido
(Guro sa Araling Panlipunan 10)

You might also like