You are on page 1of 1

Dear Jacques Charles,

Kumusta ka na kaibigan! Tila matagal nang panahon noong huling nagsulatan


tayo. Kilala mo pa ba yung ikinukuwento ko sayo lagi? Yung espesyal na tao sa buhay
ko.. Oo, siya parin kaibigan, siya parin ang mahal ko at ramdam kong mahal pa rin niya
ako mula noon hanggang ngayon.
Grabe nakarelate talaga ako sa prinoposed mong Gas Law which is Charles’ Law
at nadiskubre mo na “the volume of a gas at constant pressure changes temperature,
kung tumataas ang volume, tumataas rin ang temperature ng gas. Parang lovelife ko
lang iyon, dati crush ako ng mahal ko sa loob ng isang taon, lagi kaming nagchachat at
nagngingitian sa personal kahit hindi siya yung gusto ko sa mga panahong iyon.
Sinubukan kong maging bahagi siya ng buhay ko kahit hindi siya ang hanap ko.
Hanggang sa.. paglipas ng isang taon ay iniwasan ko na ang minahal kong nauna dahil
sobra-sobra niya akong sinaktan na para bang hindi ako karapat-dapat sa buhay niya.
Hanggang sa natutunan ko nang mahalin ang kasalukuyan kong mahal dahil
pinapasaya niya ako parati at nagiging isa na siya na inspirasyon sa buhay ko. Akala
ko magiging Boyle’s Law na kami noon dahil sa pag-amin ko na gusto ko rin siya
through chat na akala ko’y mapapalayo ako sa kanya. Walang ligawan ang nangyari.
Para bang naging magMU kami hanggang ngayon, dalawang taon na siguro. Para bang
magkakonekta na kami, pagkauwi namin pareho ay panatag na kami sa isa’t isa. Yung
tipong makikita ko siya sa umaga, napapangiti ako’t bumibilis ang tibok ng puso ko,
para bang gusto niya akong makasama kapag tinitignan ko siya. Habang patuloy
kaming nag-uusap at nagpapansinan, nagiging open na kami sa isa’t isa tulad na
lamang na kapag tumaas ang volume, tumataas rin ang temperature.. kagaya ng pag-
ibig ko sa kanya, mas naaatrak kami sa isa’t isa kung patuloy naming nakikita at
napapasaya ang isa’t isa. Nawa’y maging related pa sa iyong Gas Law ang aming
samahan at closeness sa isa’t isa.. kahit pa may mga taong dumating sa buhay niya at
buhay ko, mas lalo pang tumibay ang relasyon at samahan namin sa isa’t isa.
Kaibigang Jacques, pagpasensiyahan mo na kung boring itong sulat ko sa iyo..
namiss ko lang ang ating sulatan. Nawa’y maalala mo parin ako kaibigan kahit na hindi
na tayo nagkikita simula noong magkasama tayo sa eskwelahan ng Paris. Kung nasan
ka man ngayon sana maging maligaya ka at ingat palagi.

Ang iyong tunay na Kaibigan,


Pres. Sure
(President & CEO of Gas
Company)

You might also like