You are on page 1of 5

PRINCESS YVHIE R.

MONTEALTO
BSC-2102

“AKO AT ANG AKING PAG-IBIG”

Sa buhay ng tao, taglay at parte na nito ang umibig at ang ibigin. Ikaw ba ? Naranasan mo
na din bang umibig o kaya naman ay ang ibigin ? Yaong tipong abot tenga ang mga ngiti at walang
pagsidlan ang saya sa tuwing iyo itong maaalala. Kung ating babalikan ang ating high school life
ay talagang masasabi natin na pinakamasayang parte ng buhay ang pagiging hayskul. Bukod sa
marami itong nagawa at ibinahagi sa ating mga pagkatuto ay minsan dito din natin nakikilala ang
ating pag-ibig. Naniniwala akong hindi lamang ako nag-iisa sa bilyong tao na naranasang ibigin
at umibig noong nasa high school pa lamang.
Kami ay kapwa magkaklase noong nagsimula kaming mag hayskul. Ordinaryong
magkaklase noong kami'y nasa baitang pito, noon namang nasa ika walong baitang ay labis na
kumulo ang aking dugo sa kanya na naging dahilan ng aming hindi na pagpapansinan. Ngunit,
pagtungtong namin ng ika siyam na baitang, animo'y umihip ang hangin at doon unti-unti ng
nagsimula ang lahat. Sa aming muling pagkakabati at magkapansinan ay para bang lalo kaming
ipinaglalapit sa isa't-isa ni kupidong tadhana. Dumating sa puntong naging nakatabi ko siya sa
upuan sa loob ng aming silid-aralan, at magmula noon ay madalas na kaming magkakwentuhan,
magtawanan at minsan parang aso at pusa pa kung mag-asaran. Madalas din kaming asarin ng
aming ibang kamag-aral dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, ngunit wika naman namin lagi
noon ay "magkaibigan lang kami, diba nga tropa". Ilang buwan din ang lumipas at sa lalong
paglapit at paglalim pa ng aming pagkakaibigan. Maging sa chat ay lagi ko siyang kausap, hindi
natatapos ang aming pagkakaibigan sa aming paaralan. Ngunit paglipas pa ng mga araw, ang mga
bituin ay tila kumindat sa atin, isang hapon sa ating eskwelahan ay lumapit siyang may maamong
mukha at kasabay ng kanyang pagtatanong na kung maaari daw ba niya akong ligawan. Tumigil
ang oras ng sandaling iyon, ako'y nabigla at nakaramdam ng kaunting kaba sapagkat naisip ko na
baka nagkakamali siya ng kanyang nararamdaman. Ngunit hindi siya patinag at hinayaang
iparamdam ang kanyang sensiredad. Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila ako'y nahulog na din sa
lalim ng aming samahan, naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib, kasing bilis ng
takbo ng kamay ng orasan ang naramdaman na pagtibok ng aking puso noong mga oras na iyon
sapagkat hindi ko sukat akalain na ang siyang dating nag pakulo ng aking dugo ay siya din palang
magpapatibok ng aking puso. At ang aking itinuturing na isang kaibigan ay aking magiging ka
ibigan. May katagalan din bago niya nakamit ang aking matamis na oo na siyang nagpadama na
para bang tumalon ang puso naming dalawa sa galak at saya. Tila ba'y sumayaw ang mga bulaklak
sa ihip ng hangin ng mga sandaling iyon at bakas sa kanyang mukha ang kislap ng kanyang mga
mata na akala mo'y alitaptap. Binalot ng liwanag at naglulundagang puso ang araw na iyon , at
hindi kailanman namin iyon malilimutan.
Kasalukuyang kami ay mahigit ng apat na taon, napakalayo na sa kung ano ang aming
nasimulan noon. Hindi ko maaakila na kami'y may gatas pa sa labi ng mga oras na magsimula
itong aming kwento ng aking pag-ibig, gaano man kami katagal na ngayon , palagi pa ding nandito
yung kilig. Hindi ko masasabing naging madali ang aming naging unang taon sapagkat may saya,
lungkot, iyakan, at pagkatakot. May lambingan at syempre mas lamang ang tampuhan, maraming
pagsubok ang aming napagdaan ngunit laking pasasalamat ko dahil amin iyong napagtagumpayan.
Talaga namang hulog ng langit ang aking pag-ibig, kakaiba siya sa lahat ng lalaking aking
nakasalamuha, sa paraan kung paano siya mag-isip, magmahal, mag-alaga ay walang makakatalo
kaya naman hinding-hindi ko pinagsisihan na hinayaan kong pumasok siya sa aking buhay. Kahit
na kami ay umiibig ay hindi naman namin napabayaan ang pagsusunog ng aming kilay at sa totoo
pa'y parehas naming naging inspirasyon ang isa't isa. Natapos ang aming pagiging junior high
school, at nagpatuloy kami sa aming pag-aaral hanggang ngayo'y kami'y nasa kolehiyo na. May
kirot man sa aming puso na magkawalay ng paaralan ngunit itinaga na lamang namin sa aming
isipan na parte ito ng aming paglago at tiwala kami sa aming relasyon na kaya namin itong
malampasan. Ang mga pagsubok na aming pinagdaanan ang nagsilbing pundasyon ng mas
matibay pa sa puno ng narra na aming relasyon. At ngayong magkalayo na kami at mabibilang sa
daliri ang aming oras ng pagkikita dahil sa magkaiba kami ng eskwelahan , patuloy pa ding
nananatili at matapang kaming dalawa. Sabihin man ng iba na sa pagtagal ay sa paghirap at sa
pagdami ng pagsubok, mas mayroon naman kaming paniniwala na gaano pa man maging mahirap
ay mas alam naman naming dalawa na ang aming pag-ibig ay mas buo at mas pinatatag sapagkat
pareho kaming lumalaban para sa relasyong aming iniingatan.
Napakakomportable na amin sa isa't-isa, siya ang aking laging kaututang dila. Kasintamis
siya ng mga tsokolate kung magmahal, at animo'y daloy ng tubig sa ilog na walang humpay kung
paano siya mag-alaga at umunawa. Minsan akala mo'y aking Tatay kung magpayo. Sa bawat
segundo hindi niya ipinaramdam sa akin na wala lamang ako sa buhay niya kaya ganun din naman
ako sa kanya. Tagos sa buto ang kanyang mga pangaral at hindi lamang siya basta mabuting
kasintahan kundi isang mapagkakatiwalaan na kaibigan. Walang araw na hindi niya sinambit sa
akin na ang aking kagandahan ay animo'y isang mala rosas at ang aking kabaitan ay mala anghel
sa langit. At kung inyo ding maitatanong sa akin, nais kong ipabatid sa inyo na itong aking pag-
ibig ay mala anghel din ang kabaitan at parang si Daniel Padilla ang kagwapuhan. Ang aking
tinutukoy sa aking ginawang likha , ay Jovel Reglos ang kanyang pangalan. Higit pa sa ginto ang
halaga niya sa aking buhay. Isa siya sa aking pahinga sa nakakapagod kong mundo at
kumukumpleto ng araw ko. Mahal ko siyang tunay, at pangakong palaging pipiliin sa araw-araw.
Bawat tao ay umiibig at iniibig, hindi man natin alam kung saan at kailan ito matatagpuan
, ngunit darating at darating din ang itinakdang oras na magkukrus ang inyong mga landas gaya na
lamang ng aming naranasan. Puno ng galak ang aking puso, sapagkat nahanap ko na ang aking
iniibig, tunay na siya'y hulog ng langit na kailanman ay hindi ko ipagpapalit. Ito ang aming
simpleng kwento, Ako at ang Aking Pag-ibig.
MGA TAYUTAY AT IDYOMA NA GINAMIT:
❖ Yaong tipong abot tenga ang mga ngiti at walang pagsidlan ang saya sa tuwing iyo itong
maaalala.

❖ Ordinaryong magkaklase noong kami'y nasa baitang pito, noon namang nasa ika walong
baitang ay labis na kumulo ang aking dugo sa kanya na naging dahilan ng aming hindi na
pagpapansinan.

❖ Ngunit, pagtungtong namin ng ika siyam na baitang, animo'y umihip ang hangin at doon
unti-unti ng nagsimula ang lahat. (PAGTATAO o PERSONIPIKASYON)

❖ Dumating sa puntong naging nakatabi ko siya sa upuan sa loob ng aming silid-aralan, at


magmula noon ay madalas na kaming magkakwentuhan, magtawanan at minsan parang
aso at pusa pa kung mag-asaran. (PAGTUTULAD O SIMILE)

❖ Ngunit paglipas pa ng mga araw, ang mga bituin ay tila kumindat sa atin….
(PAGTATAO o PERSONIPIKASYON)

❖ Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila ako'y nahulog na din sa lalim ng aming samahan,
naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib, kasing bilis ng takbo ng kamay
ng orasan ang naramdaman na pagtibok ng aking puso… (PAGWAWANGIS O
METAPORA)

❖ May katagalan din bago niya nakamit ang aking matamis na oo na siyang nagpadama na
para bang tumalon ang puso naming dalawa sa galak at saya. (PAGTATAO o
PERSONIPIKASYON)

❖ Tila ba'y sumayaw ang mga bulaklak sa ihip ng hangin ng mga sandaling iyon
(PAGTATAO o PERSONIPIKASYON)

❖ at bakas sa kanyang mukha ang kislap ng kanyang mga mata na akala mo'y alitaptap.
(PAGWAWANGIS O METAPORA)

❖ Binalot ng liwanag at naglulundagang puso ang araw na iyon , at hindi kailanman namin
iyon malilimutan. (PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI)

❖ Hindi ko maaakila na kami'y may gatas pa sa labi ng mga oras na magsimula itong aming
kwento ng aking pag-ibig..
❖ Kahit na kami ay umiibig ay hindi naman namin napabayaan ang pagsusunog ng aming
kilay…..

❖ Ang mga pagsubok na aming pinagdaanan ang nagsilbing pundasyon ng mas matibay pa
sa puno ng narra na aming relasyon. (PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI)

❖ Napakakomportable na amin sa isa't-isa, siya ang aking laging kaututang dila.

❖ Kasintamis siya ng mga tsokolate kung magmahal (PAGTUTULAD O SIMILE)

❖ animo'y daloy ng tubig sa ilog na walang humpay kung paano siya mag-alaga at
umunawa. (PAGWAWANGIS O METAPORA)

❖ Tagos sa buto ang kanyang mga pangaral at hindi lamang siya basta mabuting kasintahan
kundi isang mapagkakatiwalaan na kaibigan. (PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI)

❖ Walang araw na hindi niya sinambit sa akin na ang aking kagandahan ay animo'y isang
mala rosas at ang aking kabaitan ay mala anghel sa langit.
(PAGWAWANGIS O METAPORA)

❖ at parang si Daniel Padilla ang kagwapuhan.


(PAGTUTULAD O SIMILE)

❖ Higit pa sa ginto ang halaga niya sa aking buhay.


(PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI)

❖ Puno ng galak ang aking puso, sapagkat nahanap ko na ang aking iniibig, tunay na siya'y
hulog ng langit na kailanman ay hindi ko ipagpapalit.

You might also like