Professional Documents
Culture Documents
Noong akoy nasa high school pa, may mga lalaki na akong naging
kasintahan. Pero ang ganong pag ibig ay para lamang itong "puppy love",
ito ay nababase lamang sa panandaliang kasiyahan at ito'y hindi
masasabing seryosong relasyon. Ito ay madalas na nararamdaman pag
nagkakaroon tayo ng mga “crush”. Madalas din ito ay naka basi lamang
sa panlabas na katauhan ng isang tao. Ganyan ako noon, ni isa wala
akong sineryoso, kung baga happy-happy lang. Dahil strikto yung mga
magulang ko kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan kaya takot ako no'n.
Nung akoy naging ika-10 ito'y buwan nang Agosto, mga unang linggo
yata sa buwan na yan. Araw noon nang aming barangay. At mayroong
mga paligsahan na idinaraos, mga pagdiriwang at iba pang mga
kagigiliwan at kasiyahan, at meron pa ngang disco noon. Kinadalasan,
kasama ko yung mga pinsan ko, at kami sumali sa isang paligsahan,
hindi ko na maalala kung ano yun.
Sa taong 2019 akoy nag senior high school na, at siya ay mag
babalik eskwela na rin sa kursong Kriminolohiya sa parehong
eskwelahan. Sa taon na yun, makakapunta na siya sa loob nang campus
namin. Halos araw-araw siyang bumisita sa akin tuwing wala siyang
pasok. Medyo na-iilang paka kami sa isa't-isa at nahihiya, pero sa
dumaan pang mga araw ay okay naman nawala na yung hiya at ilang
namin. Halos walong buwan na panliligaw niya sa akin ay sinagot ko na
siya. Dahil hindi biro ang kanyang mga ginagawa at pinahahalagahan ko
naman yung mga kabutihang bagay na ginawa niya sa akin. Nag-sisi nga
ako na ibinigay ko sa iba yung mga drawing niya. At yun sinagot ko na
siya, dahil mahal ko na din siya, napaka grabi talaga ang reaksyon sa
mga lalaki kapag ganyang mga eksina. Tuwang-tuwa sya sa sinabi ko at
hindi nga siya makapaniwala. At sa mga dumaang mga buwan ay
nalaman ito nang aking pamilya. Hinigpitan na ako at malimit na yung
pag gamit nang phone ko. At binabawalan na akong makipagkita at
makipag-usap sa kanya. Ngunit hindi ko pa rin siya hiniwalayan kasi
alam ko naman na siya ay napakabuting tao at may hangarin sa buhay.
Lumipas ang ilang buwan tinanggap na rin ng aking pamilya ang aming
relasyon, basta kami ay mag aral ng mabuti. Lumipas ang ilang taon at
hito na kami masayang-masaya, at patuloy na kinakamit ang aming mga
pangarap.
“Pamanang Bahay”
Kayo ba ay matatakutin? Kasi ako ay Oo, Tayong mga Pinoy ay mahilig sa mga
kwentong bayan o kwentong matatanda tulad ng mga kwentong kathang-isip, mga
alamat at katatakutan. Marahil dahil ito ay nakalakihan na natin. Pero ang
pinakamabentang kwento sa lahat ay kwento ng katatakutan. Kahit saang parte naman
siguro ng mundo ay sikat ito. Kanya- kanya man ng istorya, ngunit iisa lang ang nais
nitong ipabatid. Ang manakot. Ilan lang sa mga sikat na kwento ng katatakutan sa
Pilipinas ay ang kwento tungkol sa mga barang, mangkukulam, manananggal, kapre,
duwende, “white lady”, mga tiktik, aswang at marami pang iba. Mayroon din namang
kwento ng mga babaeng nakaitim, pugot na ulo, paring namatay at mga ligaw na
kaluluwa ng sundalong namatay noong panahon ng giyera. Ang mga kwentong
katatakutan daw ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Hindi raw dapat mawala ito dahil
bahagi ito kung paanong nilinang ng ating mga ninuno ang pagiging malikhain nating
mga Pilipino. Bukod rito, nahasa rin nito ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagkekwento
o pagsasalaysay. Totoo nga namang bukod sa natatakot at nalilibang tayo sa mga
kwentong kababalaghan, kinikiliti rin nito ang ating imahinasyon at kakayahang
magkwento.
Pag sinabing Lumang Bahay di mawawala yung mga kwentong katatakutan, yung
tinatawag nilang “Haunted House”. Maraming mga pangyayari na nakakakilabot at
nakakapanindig balahibo tungkol rito na hindi maipaliwanag. May mga maririnig tayo na
kung anu-ano na makapag pakatakot sa atin. Masasabi nating hindi nalang tayo
pumunta o pumasok sa loob para alamin kung anong nangyayari doon. Kasi ikaw lang
yung kawawa tatakutin ka talaga nang todo ng mga nakatirang mga elemento doon. Isa
na rito ang multo. Minsan naka rinig na tayo na kapag haunted house ay may mga multo
na nakapaloob dyan. At kapag pumasok ka dyan ay takotin ka talaga o papakitaan ka
talaga ng mga nakakatakot. Ayon pa sa ibang kwento may mga lumang bahay na hindi
ka talaga makalabas nito dahil sa lakas nang kapangyarihan nang demonyo. Minsan
doon kana mamatay sa loob. Kaya kung napaisipan mong pumasok para maka diskubre
sanay huwag nalang.
Bata pa ako noon at mukhang wala pang alam at may isang araw na nagkaisip
ako na gusto ko marinig ko yung kwento tungkol sa bahay ni lolo na aming tinitirhan
ngayon dahil paborito ko mga nakakatakot na pangyari. Noong wala pa kami doon
mayroon na talagang nakakatakot na pangyayari sa loob ng bahay sabi ng tyahin ko
dahil magkapitbahay lang kami ng tyahin ko kapatid ng papa ko. Kaya hindi pumayag na
tumira yung tyahin ko doon at si papa nalang. Pero nakatira sila doon pero mga ilang
linggo lang dahil hindi ila makaya ang mga pangyayari sa loob nang bahay. Pero sa ilang
araw namin na pag tira doon ay wala kaming namatyagan na kung anong mga
pangyayari. Siguro nga dahil bago pa kami tumitira ay hindi pa ito nag paparandam sa
amin. Hanggang may isang araw noon may mga nagpaparamdam na sa bahay ni lolo,
pero yung mama ko hindi naniniwala, kasi hindi namin namataan mismong tyahin pa
ang naka saksi nito nito, sa parehong araw at ayun dun sa kapitbahay namin yung gabi
na yun ay may naglalakad dun sa likod ng bahay, doon may poso, at minsan nakakarinig
sila ng maingay na para bang may gumagamit sa poso, minsan naman naririnig nila yung
ingay ng tsenelas na may naglalakad. Ayon nga natatakot na ako noon pero si mama
ayaw parin maniwala kasi si papa noon may ilang araw pa ang uwi nya kasi driver kasi
sya noon ng sasakyan kaya’t kami lang ni mama ko ang naiwan sa bahay kasin yung mga
kapatid ko ay minsan pumunta doon sa bahay namin sa syudad. Hanggang may isang
gabi, tolog na kami noon at gulat nalang kami dahil sa lakas nang hampas sa bubong
namin, sabi ni mama baka bunga lang yun nang niyog kasi maraming niyog ang nasa
paligid ng bahay ni lolo kaya’t binaliwala lang namin ito. Hanggat naulit naman ang
pangyayari meron nanaman na parang hinampas ang bubong namin doon na kami nag
panic ni takot na takot ako noon gayundin sa mama. Lumabas kami nang bahay at
pumunta kami doon sa bahay nang tiyahin ko. Dahil takotakot na kami noon ni mama
lalo na kami lang dawala.
Ayon nga nag tanong kami ni mama sa tiyahin ko kung ano ba talaga ang
nangyayari sa loob nang bahay na aming tinitirhan. Sabi tyan ko na meron daw mag
paparamdam dyan baka raw espirito ng lola ko. Dahil doon namatay yung lola ko sa
mismong bahay na iyon. Nung gabing iyon na kwento nya na ang karanasan niya sa
bahay na yan noong bago palang namatay si lola, basta kwentong katatakutan ready na
agad yung tenga ko kahit ako matatakotin. Ayon sa kwento ng tiyahin ko, gabi daw nun
habang gumagawa daw siya ng bibingka may tumawag daw sa kanya, di siya sigurado
kung kaninong boses yun pero ang alam niya siya lang magisa nun sa bahay nila dahil
hindi umuwi yung asawa niya, at yung dalawa niyang anak hindi rin natulog dun sa
bahay. Ang akala ng tiyahin nakauwi na siguro yung panganay niyang anak, pero nung
lumabas siya wala nman daw tao sa sala nila, sguro natakot si auntie nun kaya
binabalewala na lang niya kunwari. Bago daw siya natulog hinubad daw niya yung jacket
niya pero nung nagising daw siya ng madaling araw nagtaka daw siya na suot daw niya
ito, basta ang alam niya hinubad niya ito at sinampay sa sandalan ng upuan. Pati din
mga anak niya nakaranas din pero binabalewala lang daw nila ito, kaya cguro ayaw
maniwala ng tyahin ko pag nakarinig siya ng mga kwento ng kapitbahay niya ay dahil
natatakot siya. Kayat lumayas sila sa bahay na yon at nag tayo ng kanilang sariling
bahay.
Noong narinig namin iyon natakot na kami sobra at napaisip si mama na huwag
nalang kami tumira doon. At nung gabing iyon bumalik kami bahay. At wala na ito nag
paramdam. Siguro yung lola ko siguro magagalit kapag may tumirang iba sa bahay. At
gusto lang nya si lolo lang din ang tumira doon yun lang hinala ko. Kinabukasan, mga
tanghali yata yun, sala namin at nasa labas si mama nakita ako ni mama na may kausap
daw ako subalit kami lang dalawa noon. Akala nya nag lalaro lang ako. At noong
tinanong niya ako kung sino daw kausap ko sagot ko daw “Lola” at dun kinikilabutan si
mama. At mula nun ay lumayas kami sa bahay na iyon at nag tayo si papa ng bahay
kalapit sa bahay ni lolo at lola. At noong araw na wala na kami sa bahay na iyon at doon
na kami sa bagong bahay namin ay ni minsan wala na kaming nararamdan na kung
anong mga pangyayari na nakakakilabot at nakakapanindig balahibo.
“*Ngiting tunay”