You are on page 1of 2

PAGHIHINTAY Lahat tayo ay may mga karanasan sa ating buhay na hindi natin na sadyang napakahalaga at hindi malilimutan.

Maging ako man, sa dami ng mga naganap na sa aking buhay ay may mga araw na sadyang hindi ko makakalimutan. Ito man ay masaya o malungkot na pangyayari na maaaring. Ika- labing pito ng Marso, 2009, isang simpleng araw lamang ng mga panahong iyon na hindi ko inaasahan ang mangyayari. Nang araw na iyon ay naghihintay sa isang babae na aking nililigawan sa may grotto ng aming paaralan. Kahit matagalan ako sa paghintay sa kanya ay ayos lang sa akin makasama ko lang siya. Lumipas ang ilang minuto, siyay dumating na at akoy napahanga sa kanyang buhok at sa taglay niyang ka-cutean. Nasabi ko ng mga araw na iyon sa aking sarili na wala akong pag- asa sa isang tulad niya. Nang mga panahong iyon ay nagkakahiyaan pa kami. Walang kumikibo saamin at sadyang napakatahimik ang paligid. Nagtataka ako sa ikinikilos niya na parang di siya mapakali at may nais sabihin sa akin. Di ko galan niya ang alam kong ito ay makakasakit sa akin o hindi. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko, pangalan niya ang aking nakita. Nabigla ako sa mensaheng aking natanggap at hindi ko naunawan ang nais niyang ipakahulugan. Sa sobrang pag kabigla ko ay hindi ko nakuha agad ang nais niyang iphiwatig kayat tinanong ko siya ng personal. Umalis siya sa tabi ko at pumunta sa isang kanto kung nasaan an aming kaibigan. Sa muling pagtunog ng aking telepono, ang tanging nabasa ko na lang ay SINASAGOT NA KITA. Nakahinga ako ng malamlim at hindi ako makapaniwala sa kanyang naisagot sa akin. At doon na nagsimul;a ang kasiyahan ng aking buhay sa piling niya. Hanggang ngayon ay kasama ko pa siya at nagpapasalamat ako at nakilala ko ang isang tulad niya. Kahit maraming pagsubok ang dumating sa amin ay nalalagpasan pa namin ang lahat. Sa tuwing pag- aaway ay nagkakabati. Sa bawat hiwalayan ay nagkakabalikan at sa bawat luha ay may kasiyahan. Siya ang karamay ko sa bawat unos ng buhay at kamiy nagtutulungan sa bawat isa. Siya rin ay itinuturing ko bilang isang tunay kaibigan.

Ang araw na iyon ang isa sa pinakamasayang araw sa aking buhay na hindi ko maipagpapalit sa kahit ano pa man.

Catanduanes State Colleges College of Technology Department of Information and Communication Technology Virac, Catanduanes S/Y: 2011-2012

Jude Asther B. Tablizo BSIT IIIA

Ms. Jimmylen Zuniga

You might also like