You are on page 1of 5

“GAYA NG IBA”

SALAYSAY
Panahon ng elementarya, noong una kong maranasan magkaroon ng kaibigan sa loob ng

paaralan. Isang kaibigan ang nagparanas sa akin kung gaano ako ka-importante, isang kaibigang nakitaan ko

ng tunay na pagmamahal sa akin. Ang pagsasamahan naming puno ng tawanan, ang pagsasamahan na

nagbibigay sa akin ng rason upang ngumiti sa araw-araw. Nang magkaroon ng pandemya, tila biglaang

naputol ang koneksyon ko sa kaibigan kong iyon, ang kaibigan na nagmimistulang aking kapatid, para bang

nawala na ang lahat matapos ang sinasabi niyang pagkakamali ko, na kahit ako ay walang ka-alam alam

kung ano ang pagkakamaling iyon. Naiwanan ako. Nasaktan na kailangan ko pang umiyak para lamang

malaman ang mga dahilan. Ang pagkakaibigan na akala ko’y walang hanggan, naputol nang walang

alinlangan.

Simula nang alitan na iyon, tumahimik ang buhay ko, ang mga ngiti na may halong sakit.

Sumabay pa roon ang alitan ng aking ama’t ina. Nadamay ako, at pinasama sa aking ama upang kami ay

lumayas. Sa mga pagkakataong iyon napagod ang aking ama at napagdesisyunan na iwan muna ako sa aking

tiya. Hindi ako maka-uwi sa amin dahil sa galit ng aking ina. Nahihiya sa aking tiya, tiyo at mga pinsan.

Pinili kong sarilihin ang mga problema sa pag-iisip na masyado pa akong bata para isipin ang ganoong mga

problema.

Ngunit habang lumalaki, ito ang naging pangunahing kinakatakutan ko, ang maiwan ng iba.

Kung ang aking ama at ina ay nagawa akong iwan at kagalitan sa salang hindi ako ang may pakana. Ang

kaibigan kong iniwan ako dahil sa pagkakamali ko, naiisip ko na kung ipagpapatuloy kong gawin ang mga

bagay na normal kong ginagawa, baka unti-unti nang maubos ang mga taong mahal ko sa paligid ko.

Nang magkaayos ang aking ama’t ina, lumipat kami ng ibang lungsod, na tila ba walang

nangyaring alitan, sila ay ayos na, ako naiwan ako sa sitwasyong kay lapit lapit nang sumira sa utak ko.

Doon ko sinimulan ang aking ika-pitong baitang. Pinili kong maging tahimik ‘di gaya ng dati, laging sa

telepono ang tutok ng mga mata, piniling magpakasarili at gawin ang mga bagay na nakapagpapagaan ng

pakiramdam ko. Wala akong naging kaibigan kundi ang mga kaibigan ko sa telepono, ang nagsilbing tulong

ko upang maiahon ang sarili ko sa dagat na aking kinalulunuran.


Nang ako’y tumungtong nang ika-walong baitang, lumipat muli kami sa ibang lugar,

kailangan ko na naman iwan ang mga kaibigan ko sa nakaraang lugar, dumalang ang usapan, unti-unti nang

nagkakalimutan. Muli may dumating na namang bago, dalwang kaibigang muling tumulong sa akin sa

panibagong karagatan.

May mga kaibigan man sa aking tabi, ‘di pa rin sadya mawala ang sakit at bigat sa dibdib,

ang takot na maiwan pang muli.

Dumating na ang araw kung saan maaari nang lumabas muli nang bahay at makapasok sa

eskwela. Para sa paghahanda nangangailangan ng mga mananayaw para sa pampasiglang numero sa

gaganaping brigada eskuwela. Ako’y natuwa ng kaunti at binigyan ako muli ng oportunidad na muling

makakilala ng mga kaibigan. Ako’y agad na sumali. Sa unang araw ng pag-eensayo, lubos na takot ang

aking naramdaman, natatakot na maulit ang mga nakaraan, pagkarating ng aking bisekleta sa paaralan tila ba

may tali ang aking paa na humihila sa akin pabalik sa bisekleta upang makauwi nang muli, nguni’t may

nakita na akong katiwala sa paaralan na siyang nagtanong kung ako ba’y kasalli sa sayaw, ako’y sumagot ng

Oo, at wala ng nagawa kundi dumiretso sa taas kung saan gaganapin ang pag-eensayo.

Dahil ng sa takot na magkaibigan muli, pinili kong manahimik at huwag kumausap ng iba.

Alam kong hindi ko ito gawain, dahil kadalasan ako ang nagsisimula lagi ng usapan. Sa aking pananahimik,

isang lalaki ang tumambad sa harap ko habang nililigpit ko ang gamit ko sa upuan upang makatulong sa

paglilinis. Inilahad niya ang kaniyang mga kamay at sinambit ang kaniyang pangalan, balak ko siyang hindi

pansinin dahil sa takot at sa hindi rin ako madalas makipagkaibigan sa mga lalaki. Ngunit dahil sa maamo

niyang mukha at nagniningang mata, pinili kong kamayan ang lalaki at bigyan ng pagkakataon.

Matapos ang kamayan, naroon pa rin ang takot at kaba, pero isinantabi ko iyon para sa

lalaking ito, kinausap, nakipagtawanan, kumain ng sabay, isang araw pa lang ay masasabi kong komportable

na ako. Nakita ako ng ibang mga kasali sa sayaw na hindi naman pala ako ganoon katahimik, kaya’t
sinimulan na nilang kausapin ako, hanggang sa napasama na ako sa kanilang grupo. Hindi ko ito

pinagtuunan ng pansin, ika ko eh baka panandalian lamang ang pagkakaibigang ito.

Ilang araw pa ang lumipas, kita ko ang bait ng lalaking kumamay sa akin. Tumunog ang

aking telepono at nakita ang kaniyang mensahe, “Pre”. Matapos ang matagal na panahon nakatawa din ako

ng tunay na tunay na maluwag sa loob, hindi kasi ako sanay na tawaging Pre. Nagkausap kami sa telepono

at may ilang beses na dumalaw sa aming bahay. Makalipas ang isang buwan, I saw the essence of a real

friend in him. Kaya ibinigay ko na ang buong tiwala ko sa kaniya nang walang tinatagong takot. Naging

komportable sa isa’t isa, napadadalas na nga ang kaniyang pagyakap, at pagkukunwaring ako’y kaniyang

hahalikan kapag may kukuha ng litrato sa amin. Ang pagsandal sa kaniyang mga balikat ay naging gawi ko,

dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa kaniyang tabi.

Noong kailangan niya ng kasama upang makapaglibang ay nariyan ako, dahil sa takot ko na

magbago ang tingin niya sa akin at iwan ako. Sa lahat ng bagay na kaya kong gawin ay nariyan ako, kapalit

ng kaniyang pagiging totoong kaibigan sa akin. Sa sobrang komportable ko ay nagsisimula na akong

maglabas ng tunay kong nararamdaman sa kaniya, kapag ako’y nalulungkot o nagtatampo sa kniyang

nagawa, maluwag sa loob ko itong sinasabi sa kaniya

Natigil noon ang pagiging madikit niya sa akin, nawala na ang mga yakap, ang pagsandal sa

mga balikat, ang sabay na paguwi kada hapon, dahil may nakilala siyang babae na nagpatibok ng kaniyang

puso. Hindi naging problema sa akin iyon, sa katunayan ay tinulungan ko pang ayusin ang kanilang

nabubuong relasyon.

Noong kailangan niya ng kaibigan dahil sa lungkot dahil nabigo sa babaeng kaniyang

sinisinta, nariyan ako, malungkot man dahil naging sanhi ito ng pagbabago ng kaniyang turing sa akin,

bilang kaibigan ay nariyan pa rin ako.


Tumagal tagal ay unti-unti na niyang nakalilimutan ang babaeng iyon. Sabay na muli kaming

naglalakad pauwi, ngunit sa paglisan ng babaeng sinisinta niya sa kaniyang ala-ala kasabay naman nito ang

pagbalik ng aking mga kinakatakutan, ang maiwan.

Lumisan man ang babaeng iyon, tuluyan nang nabago ang kaibigan ko. Nagsimula na akong

mainis, magalit, at magtampo. Ngunit wala akong magawa.

Iba na ang pakiramdam, ang mga yakap at kulitan na tila ba napipilitan ang nangyari. Naghari

sa puso ko ang madalas na pagtatampo. Nakalulungkot na nung ako na ang nangangailangan ng mga yakap

at mga bagay na kilangan niya dati, hindi na makita sa kaniyang mukha ang mga ngiti na dati niyang

ibinigay sa akin at ibinigay o rin sa kaniya.

Hindi ko mawari kung saan ako nagkulang, o ako ba ay sumobra kaya siya ay naiinis. Akala

ko ayos na ako, tila bumabalik ang aking kinatatakutan. Iiwan na naman ba niya ako?

Narito pa rin ako, kailanman ay di na kayang iwan pa, iparamdam niya man sa akin na ayaw

na niya, bilang isang kaibigan na takot maiwan, naandito pa rin ako handang masaktan ng paulit ulit

ipangako lamang na hindi ka lilisan gaya ng iba.

You might also like