You are on page 1of 6

Confession 1

They say that we meet people who are parts of our heart— soul mates kumbaga. Mahirap paniwalaan
but when I met all of you, I started to believe that, yes, we are all indeed soul mates.

Nagkakilala tayo during different times. May isa, matagal ko ng kilala, na halos sobra pa sa kalahati ng
buhay ko siya kasama. Meron namang isa na pumasok sa buhay ko pagkatapos magkaroon ng away.
Mayroon namang isa na hindi ko na lang namalayan na nakapasok na sa buhay ko dahil even before I
know, andiyan, like they have always been there. We have been in our circle in different length of years,
pero kahit na gaano mang ka-corny pakinggan, or isipin, the relationship that we have seems like the
perfect one, and everything that we can ever ask for.

Sol, naalala mo ba yung mga panahon na halos isumpa na natin yung mga classmates nating nung
elementary? Hindi ko rin alam kung bakit pero tayo yung laging pinagkakatiwalaan ng advisers natin
para bantayan yung mga classmates natin. Lagi tayong taga-saway nung mga labas ng labas o kaya
naman taga-lista ng maingay na minsan nagiging gantihan na lang sa mga times na nailista rin tayo. Kasi
kahit hanggang ngayon, di ko pa rin gets kung bakit nakakaabot ng 100 tarak yung isa nating kaklase. O
kaya naman hindi ko pa rin magets kung paano di tayo napagalitan nung adviser natin nung Grade 5
nung nanghabol tayo ng boys na nang aasar satin. O kaya naman kung paanong sobrang magkaiba tayo
sa pagiging gala at yung laging gusto na nasa loob lang ng bahay pero kaya nating mag-click sa isat isa. 17
years and counting, and we still are partners in crime.

Cielo, di ko alam kung nakakanood ka ba ngayon pero gusto ko lang malaman na hindi na ako galit sayo
kahit na naalala ko pa rin yung huing away natin nung high school. Hindi ko na sasabihin kung bakit tayo
nag-away kasi hindi naman yun yung mahalaga di ba? Ang mas mahalaga ay yung mga panahon na
magkasama tayong pilit na isinosolve yung problems sa Math, or yung mga panahon na di natin
parehong magets yung lesson nung isang teacher kasi nagpareport lang siya, or yung mga times na
feeling natin ang yaman na natin kasi nakapulot tayo ng Gtech sa may hallway, or kahit yung mga hapon
na nagpapaiwan tayo sa room para lang magkwentuhan. We may not start in the right foot, pero we will
always be together no matter what.

Astra, paano nga ba tayo naging ganito ka-close? Hindi ko rin alam. Siguro may mga relationships talaga
na ganon— dumarating na hindi natin namamalayan. Pero siguro ang mas mahalaga is kung paano tayo
hindi nakakatagal ng isang araw na hindi nag uusap, or kung paano nating sabay pinag uusapan yung
mga stan group natin (stan StrayKids!), or kung paano sobrang pareho tayo mag isip, or kung paanong
alam natin yung boundaries ng isat isa pati na rin yung mga insecurities natin. No matter how odd our
relationship have been, know that what we have is one of the most beautiful surprises I can ever have.

Mga Mahiwaga! We may never know kung saan tayo dadalhin ng mga dreams na sabay sabay nating
pinag uusapan, pero one thing is for sure, we will always be together and we will continue to dream
while we go to cafes that serve iced coffees.
Confession 3

Sabe nga nila "First Love" is the deepest. Dito mo kasi unang mararamdaman kung paano magmahal,
masaktan, at kiligin. Wala ka pang experience sa pag-ibig kaya ang tendency ibibigay mo ang lahat-lahat
ng meron ka yung kahit wala ng matira sayo basta para sa taong mahal mo meron.

Ako si Martin 17 years old mula sa Brgy. Umasa sa Probinsya ng Bulacan. Ang kwentong ibabahagi ko sa
inyo ngayun ay tungkol sa First Love ko, na si Yssa. Grade 8 lang ako noon nang makilala ko sya
transferee si Yssa sa school namin at sa unang tingin ko palang sa kanya ay parang mabilis na nahulog
ang puso ko. Hindi ko alam kung papano nangyari yun pero yun na nga siguro ang sinasabi nilang "Love
at First Sight." At dahil sa naging mag kaklase kaming dalawa mas lalo ko syang nakilala. Maganda,
matalino, at mabait si Yssa kaya marami ring nagkakagusto sa kanya. Palagi rin kaming
magkakumpetensya sa mga Quiz Bees, Exams, at Recitations dahil ako ang 1st Honor at sya naman ang
pangalawa. Akala ng marami magkatunggali kami sa lahat ng bagay ngunit ang hindi ni alam sya lang
naman ang nagiging inspirasyon ko para mapabuti ang ginagawa ko.

Nagdaan ang mga panahon, maraming pagkakataon, nagkakatagpo, nagkakasalubong at dahil sa mahilig
kami pareho sa mga extra curricular activities, may mga organisasyong na magkasama kami. Hirap ako
tumingin sa mga mata nya noon sapagkat ako'y natatakot na maabutan din ako ng mga tingin nya (di
naman ako umaasa na titignan nya din ako). Naglakas loob ako na mag "Hi" sa kanya, at hindi ako
makapaniwala na papansinin nya rin ako. Hangang sa naging magkakilala at kalauna'y naging
magkaibigan. Habang tumatagal ang aming pagkakaibigan, lumalalim ang aming usapan, tungkol sa
buhay buhay, mga plano kapag nakapagtapos at doon ko sya lubusang nakilala. Lalo akong napamahal sa
kanya dahil sa mga dedikasyon nya sa pagaaral at mga plano nya sa buhay. Gusto ko na talaga sya.

Nanligaw ako ng palihim kay Yssa dahil sa takot ko na kapag magsabi ako ay layuan nya lang ako. Lagi ko
siyang sinasamahan sa kahit saan at ako'y minsanang nabibigla dahil ako din ang gusto nyang kasama
kahit saan. Inaamin ko na pakiramdam ko'y gusto nya rin ako. Kaya tinuluy-tuloy kong iparamdam ang
pagmamahal ko sa kanya.

Habang lumilipas ang mga araw, buwan at taon. Napapansin ko sa sarili ko na parang nakakaramdam na
ako ng pagod na hindi ko mawari, hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Na parang walang nangyayari sa
mga efforts ko, ganun at ganun parin ang status. Itutuloy ko pa ba o hindi na? Baka nga kaibigan lang
talaga ako?

Nagkakasama parin kami sa mga gawain at may mga pagkakataon na nagkikita kami sa mga selebrasyon.
Dahil ang mga kaibigan ko'y kaibigan nya rin. Masakit man mukhang kailangan ko nang tanggapin na
malabo talagang mangyari ang hinahangad ko para sa amin. Mahirap man na umiwas at lumayo ngunit
ito na ang kailangan kong gawin upang hindi na ako patuloy na umasa. Masarap ang magmahal. Ngunit
mas masarap kapag minahal ka rin at yoon ang hindi ko naranasan.
Confession 4

Itago nyo nalang ako sa pangalang Danica. Hindi sa pagbubuhat bangko, pero masasabi ko sigurong may
kagandahan ako gaya ng sinasabi ng iba sa akin. Sa totoo lang kasi madalas akong nagiging Muse sa
classroom namin simula Elementary. Pati sa mga ligang baranggay, kinukuha din akong muse ng ilang
teams. Madami din akong manliligaw, hindi ko sila iniisnob. Nagiging "Kuya zoned" ko sila madalas. Kasi
may isa akong nagugustuhan at yun ay si Gab. Since grade7 kami dito sa Sto. Rosario crush ko na talaga
sya until now Gr12 na kami. Ideal guy si Gab, matalino, saktong height, moreno, kwela at magaling sa
instruments. Boses? hmm? sakto lang pero nakakakilig. Ang daming nanliligaw sakin pero bakit itong si
Gab eh... ewan! basta! Although masasabing close friend kami simula JHS at sya naman nageffort para
magkausap at maging magkaibigan kami, hindi ko sya naramdaman na parang may gusto sya sakin.

Throw Back. Enrolan, incoming gr8 kami. Si Nina na Bestfriend ko since elementary eh nagenroll kasama
ko dito sa Sto. Rosario, kasi hindi sya dito nag gr7. She is a simple girl, brainy, hindi kikay gaya ko,
opposite kami pagdating sa lifestyle. At syempre BFF ko sya, gusto ko makilala nya din si Gab, di nya
alam na ultimate crush ko si Gab dahil gusto kong akin lang muna yung feelings na yun. So ang
pagkakaalam ni Nina eh bestie ko lang din si Gab.

Madalas kaming tatlo magkakasama, minsan with other friends/classmates. I feel so jealous sa tuwing
nagbabato ng jokes si Gab eh iba yung spark ng mga mata nya kay Nina, na parang nagpapaimpress sya
kay Nina. Then syempre joker si Gab eh napapatawa nya talaga si Nina. Iba yung jokes si Gab kay Nina
kasi parang sweet then sakin jokes lang talaga. Nagseselos talaga ako. Pero pinilit kong isantabi yung
selos kasi nga natural joker si Gab, baka kako nagoverthink lang ako. Then our friendship continues till
grade 10. Naobserve ko na nagkakamabutihan na sila. Then one day, Gab confess first to me na gusto na
nya si Nina at nagpahiwatig na liligawan nya ito. So ako as bestie kami ni Gab eh pretending na sinabing
"Go! Bagay naman kayo ng bestfriend ko." Support ako sa mga effort ni Gab para kay Nina kahit na may
kirot sakin. At hindi ko din inaasahan na aamin din si Nina sa akin na nafall na sya kay Gab. Then ang
panliligaw ni Gab na halos inabot ng taon eh hindi nasayang dahil sinagot sya ni Nina. Na until this day
nakikita kong Happy sila at masaya din ako para sa kanilang dalawa.

Siguro ang mali ko sa sarili ay yung hindi ako umamin kay Gab na gusto ko sya, hindi ko rin sinabi kay
Nina na ultimate crush ko si Gab. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Alangan namang ako ang
magconfess dba? Nangibabaw ang pride ko. Siguro takot lang din akong malaman na bestie lang talaga
turing ni Gab sakin. At sana kinwento ko na kay Nina noon po para hindi nangyari o may dahilan para di
nya sagutin si Gab. Ayaw ko naman maging madamot. Kahit na may little bit of bitterness. Mas pinili
kong maging happy para sa kanila, legit at walang halong kaplastikan. Because I really love them and
gusto kong makita silang masaya. Siguro kung nakikinig sila sa pagkakataong to, baka magkaHINT sila
kung sino ako.

"FRIENDSHIP OVER LOVE" mas pinili ko to. Kaya dapat kong kayanin ang sakit hanggat may feelings ako
kay Gab at magiging masaya dahil nakikita kong masaya ang Bestfriend kong si Nina sa piling nya.

Muli, ako si Danica. Ang babaeng piniling masaktan at maging masaya para sa iba at ipaubaya ang tunay
na nararamdaman kaysa maging hadlang sa pag-iibigan ng aking pinakamamahal na kaibigan.
Confession 6

Sabi sa Science, rainbows are formed when light is scattered throughout the water vapor in the
atmosphere. Pero sabi ni Miss Abbie, yung mga rainbows daw are “the good after the bad”. And I can
say na mas tumatak sakin yung definition na ibinigay ng English. Kasi sa tingin ko, you are that. You are
my rainbow.

Natatandaan ko pa rin nung mga panahon na una tayong nagkakilala. Nakikita na kita actually sa vicinity
ng school, given na we are schoolmates pero magkaibang grades nga lang. Simple, we are merely like
that— schoolmates. Pero biglang nag iba yung lahat nung dumating yung time for CSAN and we trained
under the same trainer. Masaya, and full of surprises— that maybe how I can describe the times na
magkakasama tayo nila Miss, to the point nga na we even treat each other family. Lagi niyong sinasabi
sakin that I can do whatever I can lalo na sa talent na meron ako. Kayo yung iilan sa mga taong nakakita
sa kakayahan ko at naniwala na kaya kong gawin ang lahat para i-enhance ang talents ko. Kayo rin yung
mga taong gumawa ng lahat para i-enforce sa isip ko na hindi ko dapat i-doubt yung kakayahan ko. And
in that narealize ko na I have found myself a family, and much more.

Di ko alam kung kailan nagstart, pero I have noticed that I started to like you more and more. As
colleague nung una pero as we go on, I started to know na maybe it means even more. Ikaw yung taong
nagparamdam sakin na hindi ako nag iisa sa bigat na nararamdaman ko sa expectations ng pamilya ko, o
sa mga tao na nasa paligid ko. Ikaw yung nagparamdaman sakin na nararamdaman mo rin yung hirap na
magtaka sa kung kaya ko bang gawin yung mga bagay na gusto kong gawin. Ikaw din yung dahilan kung
bakit ako nagsimulang magtiwala sa sarili ko at sa ibang tao na matagal nang andiyan para sakin. You are
one of the reasons why I am who I am today. Yung confidence, yung tiwala sa sarli ko, they all have been
because of you.

Pero Leng, siguro ganoon nga talaga. We are just meant to know each other, meant lang din siguro na
mag-confess ako pero hindi meant na ibalik mo yung mga bagay na gusto kong marinig galing sa iyo.
Siguro, sadyang nagkakilala tayo para lang iparamdam sa isa’t isa na andito tayo para sa isa’t isa. Siguro,
sadyang isa lang ang pwedeng magmahal, at hindi dalawa. Siguro, sadyang magkaibigan lang talaga tayo,
di ba? At least dito, walang pwedeng matapos, kasi hanggat kailangan natin ang isat isa, andito tayo.

Kaya Leng, good luck sa defense! And okay lang. Kasi kahit na anong mangyari, andito pa rin ako, Andito
pa rin tayo.
Confession 7

They say that you can’t love the same person twice, then maybe our story will always go against the
norms.

Bal, proud ka ba sa English ko? Tama naman siguro yung grammar ko no? Kasi kung hindi, then maybe
nadagukan mo na ko. Lagi mo kong sinisita sa mga mali sa grammar ko. Simula pa nga lang ata nasa
elementary tayo, grammar nazi ka na. Habang lahat kami, nagluluksong baka o kaya nagsisitalunan sa
may sapa sa may Area E, ikaw ni ayaw mong lumabas. Siguro yun din yung dahilan kung bakit halos lahat
ng kapitbahay natin surprised nung naging close tayo. Opposites attract right? We just click and we
balance each other so much. Famous pairing as the ever so serious na top 1, valedictorian, tapos yung
katabi niyang ang balasubas ng galaw. Kung titignan nila, never tayong magkakasundo but we turned out
to be bestfriends, right? And we will never know na that is the start of something special.

10 years of being bestfriends, kahit lumipat ng school, or mag iba tayo ng strands, we still find time na
magkita outside the school. Ilang kwek kwek na rin yung nabili natin kila Kuya Toto sa may kanto natin.
Ilang gulaman na rin yung napagtyagaan natin inumin kahit na matabang. Ilang aso na rin yung
tinakbuhan natin kasi kahit tuta takot ka. Kahit nga si Conga tinakbuhan mo. Halos pagalitan na rin tayo
nung nag doorbell tayo kila Kap tas tumakbo tayo pagbukas. Puro na lang ata kalokohan nagawa natin
pero siguro yun talaga yung pinakailangan natin during those times. Remember nung gumagawa ka ng
Major project ng Gen Bio? May nadaanan tayong fishball sa may taas kaso imbes na sa sauce na
maanghang mo isawsaw, sa hugasan mo ng sandok isinasaw. Di ko alam kung lutang ka ba o sadyang
stress ka lang at gusto mo lang bilangin kung ilang bacteria meron dun. And siguro yun na yun. Kasi kahit
gaano pa ka-cliché yung mga bagay, kahit gaano pa kalala yung tawa mo, I saw how beautiful you are.
And maybe that was really it.

Nagsimula tayo as merely classmates lang, opposites pa na walang kahit anong similarities. Pero ngayon,
wala pa rin naman tayong pagkakatulad ng sobra, pero we learn how we so much enjoy those times.
Kahit pa magtalo tayo kung gusto ba natin ng takoyaki o yung San Rafael’s pizza sa Sampol, okay lang
kasi alam naman nating pwede nating kainin pareho. That has been the reason why that something we
have grow so much bigger. And that is when both of us know that we love once as friends and another
as lovers, then until now.

So Bal, let us stick together kahit pa sa gitna ng pagsolve mo ng problems sa General Physics 2 while we
go trying yung mga café na gusto mo or pagstan sa favourite mong Kpop group. You will always be my
favourite opposite. You were my “then” and will always be my “now”.
Confession 8

There will always be someone that will always be the prime reason why we change for the better. They
can be a friend, or a colleague, or even better— a teacher. And now, we all can say that we have that
person that have affected us the most, and maybe we can say that we, in return, affected her in the best
way possible.

Yung school daw is yung second home for the students, kaya naman naituturing na naming mga nanay
at tatay sila Miss at Sir. May mag instances na lagi tayong pinagsasabihan ng mga advisers ng mga kulang
nating project or quizzes, or mas madalas din naman na sa mga libro na nasa ilalim ng desks natin na
walang pangalan, or sa patuloy na pagpapaalam natin na pumunta ng canteen para lang bumili ng
palihim. Minsan halos puro kakulitan na lang din ata yung naibigay natin sa mga teachers na meron tayo.
Pero may mga panahon rin naman na walang doubt natin silang nilalapitan sa mga times na
pinakakailangan natin sila. Natatandaan niyo pa ba yung mga araw na ang gusto na lang nating umiyak
pero andiyan sila Miss at Sir para sabihing okay lang ang lahat. O kaya yung mga araw na sila yung
nagiging dahilan para maayos yung mga away na nasa loob ng room. Akala natin di nila alam, pero
naghihintay lang pala silang lumapit tayo at magsabi sa kanila. And maybe that is the time na nalaman
nating alam nila, that they will always care.

Miss Melody, one of the best advisers and teachers na naging Nanay na namin sa school. Kamusta na po
kayo? Alam po naming ang hirap ng mga pinagdadaanan po ninyo ngayon pero always keep in mind na
andito lang po kami lagi para sa inyo. Hindi man po physically, kahit po virtually. Natatandaan niyo pa po
ba nung unag year pa lang po ng pandemic? Kahit gaano po kahirap yung sitwasyon natin, hindi pa rin
po kayo nagkulang sa pagpapaalala sa amin at sa pagmemake sure na andiyan po kayo lagi para sa amin.
Kaya in return po, we will always be here for you.

Miss, you have been one of the best persons that we have met, and you will always be.

You might also like