You are on page 1of 3

Sa Maling Pag-ibig

Josh Andre Wee


Sa Maling Pag-ibig

“Kung kailan ka magmahal,doon ka pa masasaktan’’

Isang kwentong karanasan sa pag-ibig na naranasan sa totoong buhay,ito ay

kwentoko,at ito ay naranasan ko ngayon Gusto ko lang isulat ito dahil wala akong

mapagsabihan dahil ang mga magulang ko ay hindi kami gaanong magkasundo,

puweranalang sa kapatid ko na babae. Iyon nga lang hindi din kami gaanong magkasundo,

ngunit may pagkakataon na nag-uusap kami kapag may kailangan siya o di kaya’y

ako,magtutulungan lang kami kung ano ang mayroon ako na wala siya,at kung mayroon

siya na wala ako. Magbibigayan nalang kami.

Nagsimula ang lahat sa barkada at kaibigan ng kapatid ko,pinakilala niya ako sa isa

sa mga kaibigan niyang lalaki.doon kami nagkakakilala,humingi siya ng number

ko,nagtetext,natatawagan at nag-uusap sa personal,dahil iisa lang naman ang aming

paaralang pinapasukan.at nagiging kami,dahil sabi ng kapatid ko mabait daw siya at

seryosong magmahal. Ayon sinagot ko siya dahil nga ang kapatid ko na nagsasabi sa akin

kung ano siya.

Hindi pa umaabot ng isang linggo ang aming relasyon. Kahit na ganun,minahal ko

na siya kaagad,hindi ko alam kung bakit?hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit.

baka nga tinamaan ako ni kupido.pero kahapon ko lang nalaman ang lahat tungkol sa taong

mahal na mahal ko.

Iyong taong mahal ko ay may mahal pala ng iba,ang sakit sobrang sakit talaga,kahit

ilang araw lang kami magkasintahan ay minahal ko na siya higit pa sa buhay ko. Akala ko

iba siya sa lahat ng mga lalaki,pero katulad din pala.


Kahapon alas singko ng hapon,may tumawag sa akin na number na hindi ko

kilala,tapos sinagot ko,hindi siya sumagot.hindi ko alam na ang babae na pala iyon,hindi

ko alam kung bakit may number siya sa akin.

Galit na galit ang babae sa akin kung ano ano ang kanyang pinagsasabi sa akin.

Wala rin naman akong ginawang masama. Kasalan bang mahalin ang isang taong akala

mo mahal ka rin ngunit niloko ka lang pala.

Makalipas na ilang araw. Nalaman kong laman na pala kami ng chismi sa aming

lugar. Iyon pala ay ang babaeng umaway sa akin ang kalapit bahay lang pala at ang aking

naging kasintahan ay ang kanyang asawa. Masakit isipin na nagmahal ako sa maling tao .

Taong nakatali na nga sa iba.

Sadyang mapaglaro talaga ang mundo kung kailan nagmahal ka ng lubos sa isang

tao. Ngunit taong iyon ay hindi na pala pwedeng maging sayo dahil siya ay nakatali na pala

sa iba.

You might also like