You are on page 1of 5

MENDOZA, Jessa Patricia Anne B.

FILGENS A51
11436638 May 25, 2016

Ang Aking Karanasang Pang-Kasarian at Pag-Ibig

Ang bawat tao ay may ibat ibang karanasan sa maraming bagay. Bahagi na ng buhay ng

isang tao ang mga usaping nagpapatungkol sa kasarian lalo na sa pag-ibig. Dahil madalas pag-

usapan ang dalawang bagay na ito, iba iba rin ang opinyon ng mga tao ukol sa dalawang bagay

na ito. Ang ilan ay marahil positibo ang pananaw at may ilan din naming negatibo ang pagtrato

sa dalawang bagay na ito. Sa panahon ng umuusbong na teknolohiya, masasabi ko na mas

nagiging bukas ang mga tao sa mga usapin na noon ay sensitibo sa pananaw nila. Sa tulong ng

Social Media gaya ng Facebook, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na mas maintindihan

ang mga isyung kinakaharap ng ating lipunan at kabilang na roon ang usaping pang-kasarian at

pag-ibig. Sa aking karanasan, masasabi ko na naging makulay ang aking buhay pang-kasarian at

pag-ibig.

Noong nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina, inakala na nila na lalaki

ang kanilang magiging anak. Inasahan na rin nila iyon dahil gusto nilang magkaroon ng anak na

lalaki bilang mayroon na silang dalawang anak na babae. Sinabi ng aking mga kapatid na noong

ipinagbubuntis pa lamang ako, ako raw ay makulit at palaging sumisipa kaya naman akala nila

paglabas ko ay isa akong lalaki. Noong nalaman nila na ako ay babae, nangamba ang aking mga

magulang na baka ako raw ay maging tomboy paglaki ko. Habang lumalaki ako, na-expose ako

sa maraming klase ng tao. Nakakasalamuha ko ang ibat ibang klase ng taosa eskwelahan, sa

simbahan, at kung saan saan pa. Sa pamilya ng aking ina, may mga kamag-anak kaming lesbian

at mga bakla. Naging malapit ako sa kanila at hindi ko inisip ang pagiging iba ng kanilang mga

pisikal na itsura sa mga straight na babae at lalaki. Nagkaroon rin ako ng mga kaibigang

kabilang sa LGBTQ+ community. Sa katunayan, isa sa aking mga pinakamalapit na kaibigan ay


isang bading. Mula high school hanggang ngayon sa kolehiyo, malapit ako sa mga bading kaya

naman mas naiintindihan ko ang kanilang nararamdaman sa tuwing sila ay may pinagdadaanan

dahil sa kanilang kasarian. Dahil doon, naging bukas ako sa usapin ng kasarian at naintindihan

ko nang maaga ang konsepto ng kasarian.

Noong ako ay nasa pitong taong gulang, napansin ng aking mga magulang na kakaiba

ang kilos kohindi pang batang babae kung hindi pang lalaki. Malikot at magaslaw ang aking

kilos at sinabi pa nila na hindi raw ako marunong maglakad nang maayos dahil palaging patalon

ang aking paglalakad. Hindi naman sila nag-alala dahil bukas sila sa kung ano ang mangyayari sa

akin sa hinaharap. Parehas ng aking mga magulang ay bukas ang isip sa usapin ng kasarian. Sa

katunayan, paulit-ulit na sinasabi ng aking ina na kapag siya raw ay nagkaroon ng anak na lalaki,

gusto niya na maging bading ang kanyang anak. Natatandaan ko noon, ang aking pinipiling mga

laruan ay hindi mga manyika kung hindi mga PSP, GameBoy, kotse, at mga laruang ginagamitan

ng remote control. Mas lalong inisip ng aking mga magulang pati na rin ng aking mga kapatid na

ako ay isang tomboy. Hindi ko inisip ang mga bagay na iyon dahil noon, mas pinipili ko lang

naman ang mga bagay na gusto ko. Noon ay tila ba wala akong pakialam sa mga nangyayari sa

aking katawan. Sa aking pagkaka-alala, naiinggit ako sa mga batang lalaki dahil sila ay lagging

pinapayagan na lumabas ng bahay. Ako ay lagi lamang nasa loob ng bahay at paminsan lang ako

nakakalabas ng bahay namin. Ninais ko rin noon na maging lalaki at may mga panahon na

naitanong ko sa sarili ko, Paano kaya kung lalaki ako?

Nawala ang lahat ng aking mga katanungan ukol sa kung ano ba talaga ako noong ako ay

nakaramdam ng pagkagusto sa isang lalaki. Nagkaroon ako ng crush noong ako ay grade 5.

Nagkagusto ako sa lalaking iyon dahil siya ay matalino at gwapo. Simula noon, naramdaman ko
at nasigurado ko na ako ay isa talagang babaeng babae. Natuto akong bumili ng mga lip gloss at

maglagay ng powder sa aking mukha. Simula rin noon ay naging conscious ako sa aking sarili.

Natuto akong manumit nang maayos. Tinawag akong kikay ng aking mga magulang, kapatid at

mga kaibigan. Tuloy tuloy na ang aking pagkagusto sa lalaking iyon hanggang noong ako ay first

year high school. Naudlot ang pagkagusto ko sa lalaking iyon dahil nagkaroon ako ng manlligaw.

Noong panahon na iyon ay ang unang beses na nakaramdam ako ng totoong kilig. Patuloy ang

kanyang panliligaw sa akin na tumagal ng anim na buwan. Hindi ko siya sinagot noon dahil

masyado pa kaming bata.

Noong ako ay nasa second year high school, may isang tomboy na nagkagusto sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong mga panahong iyon dahil hindi ko talaga siya

nagustuhan. Dahil bata pa ako noon at hindi ko talaga alam kung ano ang aking nararamdaman,

sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi kami talo. Nalungkot ako dahil nakita ko na nasaktan siya

sa mga sinabi ko ngunit ano naman ang magagawa ko kung hindi ko naman talaga

nararamdaman ang kung ano ang nararamdaman niya para sa akin? Sa paglipas ng panahon ay

naging magkaibigan kami at kinalimutan na lang ang nangyari noong nakaraan. Sa parehas na

taong iyon, nanligaw ulit ang lalaking nanligaw sa akin noong ako ay nasa first year high school.

Sinabi ko sa kanya na ako ay magfofocus sa aking pag-aaral. Natuwa naman ako dahil sinabi

niya na maghihintay daw siya para sa akin. Sinabi ko sa aking mga magulang na may nanliligaw

sa akin at ipinakilala ko siya sa aking mga magulang. Sa panahon ng panliligaw niya sa akin,

naging malapit na magkaibigan kami. Parang siya ang naging best friend konoong high school.

Nasasabi ko sa kanya ang lahat at ganon din naman siya sa akin. Tuwing kami ay mayroong

pagsusulit o exam, palagi kaming sabay nag-aaral. Hanggang sa dumating kami sa fourth year

high school, hindi pa rin siya tumigil sa panliligaw. Noong graduation ay parehas kaming
nakatanggap ng Outsatnding Award at dahil doon ay tuwang tuwa at naging proud kami sa isat

isa.

Bago mag kolehiyo, tinanong niya ako kung pwede ba niya akong maging girlfriend.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot ko siya agad ng matamis na oo. Noong araw na

iyon, sobrang saya at kilig ang aking naramdaman. Simula noon, umasa rin ako na nahanap ko

na nga ang the one. Alam ko na masyado pa akong bata para isipin ang mga ganong bagay

ngunit hindi naman maiiwasan kung nakakaramdam ka ng pag-ibig. Sa aming relasyon, madalas

magkaroon ng mga problema at paminsan ay gusto ko na ring sumuko ngunit hindi ako basta

bastang sumusuko at ipinaglalaban ko talaga ang aking gusto. Sa tagal ng aming relasyon, kahit

kalian ay wala naming naging problema sa panlalalaki o pambababae. Nakakatuwang isipin na

pakiramdam ko ay masaya talaga ako at patuloy akong nagdadasal na siya na talaga ang para sa

akin.

Sa bawat relasyon, hindi naman maiiwasan ang masaktan at manakit. Kahit sa pinaka-

simpleng bagay ay maaaring maging dahilan ng matinding pag-aaway. Lahat ng nagmamahal ay

dapat handang masaktan. Hindi naman palaging masaya lamang ang nararanasan sa ibat ibang

relasyon. Ang kailangan lang ay ang tiwala at pagiging totoo para maging matagumpay ang isang

relasyon. Dapat din ay alam ng bawat tao sa isang relasyon ang kanyang mga priorities. Hindi

dapat nauuna ang boyfriend o girlfriend at dapat maintindihan iyon ng iyong karelasyon.

Ilan lamang ang mag nasa itaas sa aking mga naging karanasang pang-kasarian at pag-

ibig. Sa aking labinwalong taong pamamalagi sa mundong ito, masasabi ko na marami na akong

natutunan sa aking mga karanasan sa buhay. Nakaranas ako ng maraming pagsubok sa aking
buhay, pati sa usaping pang-kasarian at pag-ibig, at ang mga iyon ay ang nagpapatibay sa akin at

ang mga iyon din ang mga bagay na nagpapatibay ng aking kalooban.

You might also like