You are on page 1of 1

Kung hindi pa natin alam, buwan ng mga babae ang buwang Marso.

Kaya naman, ako ngayo’y nandito hindi lamang iparating ang kahalagahan
ng mga babae ngunit kung papaano't bakit inuulit ulit ng mga taong naniniwala sa piminismo ang kahalagahan ng mga babae.

Bilang isang estudyante at isa sa mga mamamahayag at manunulat ng ating paaralan, hindi “lamang” ako isang estudyante, isa akong
estudyanteng mulat sa katotohanan. Ito ay maiuugnay ko sa pagiging isang babae ko, hindi ako kailanman isang babae lamang, ako ay higit pa
riyan.

Tayong mga tao, tayo’y laging nangangarap ng pagkakapantay-pantay. Kapag naririnig natin ang gender equality o kung sa Tagalog ay
pagkakapantay-pantay ng kasarian, nakakalimutan nating lahat na hindi lamang natin ito dapat na pag-usapan. Bagkus, kailangan din natin na
ito’y nasasalat, ito ang pagkakamali ng lahat.

Bilang isa sa mga babaeng ipinaglalaban ang aming karapatan, kung gaano kadami ang aking nasasabi tungkol sa piminismo, ganoon din ako
naiuugnay sa mga taong kinasusuklaman ang mga lalaki kung saan sa tingin ko ay hindi tama. Kung hindi natin alam, ang piminismo ay ang
paniniwalang magkapantay pareho ang babae at lalaki. Hindi, ang pagkiling sa isang kasarian lamang.

Noong bata ako, naalala ko kung kailan ako pinaka-unang tinanong ang sarili ko tungkol sa kasarian ko. Iyon ay ang unang pagkakataon na
nagka-interes ako sa aming bisikleta sa bahay, laking tanong sa sarili ko noon kung bakit tanging mga kuya ko lamang ang pinahihintulutan ng
aking Ama na matuto at gumamit noon gayong tuwing nakikita ng mga ate ko ang bisikleta namin ay nangningning ang kanilang mga mata at
ayaw nilang tumigil sa pagsasabi kong gaano nila ito kagustong gamitin.

Sa edad na 11, hindi kailanman nahasa ang aking pakikipaghalubilo ko dahil sa nakikita kong walang kahirap-hirap na nagagawa iyon ng aking
mga kaklaseng lalaki. Sa kompetisyon ng pakikipagsalita sa publiko, laging mga kaklase ko lamang na lalaki ang kanilang kinukuha dahil daw
sa ito ay lalaki at kayang tumindig ng aming paaralan.

Sa edad na 15, napagtanto ko kung gaano ang mga babae ay ginagawa ang lahat-lahat ngunit ni katiting na pagkilala ay hindi makatanggap
gayong ang mga lalaki ay isang magandang gawi lamang ay tudo ang papuri ng lahat.

Ang mga babae, ‘pag kinilig, sasabihin ng iba, “ay, malandi.” Kapag ang mga lalaki, ‘pag kinilig, “ay, ang cute.”

Hindi sa hindi ko mahal ang aking Ina at mga ate ngunit malaki ang pagpapalugod ko sa aking Ama at mga kuya kaysa sa aking Ina at mga ate
dahil alam kong mas hindi nila o kailanman naipapahayag ang kanilang damdamin dahil sa sila ay mga lalaki at may dala-dala silang matapang
na pangalan na hindi pu-pwedeng matibag.

Bilang isang peminista, napakahirap po nito gayong nakikita ka ng iba bilang “matapang, agresibo, at ayaw sa mga lalaki” gayong ito naman
dapat ay pagiging isang “normal” na tao. Hindi ako matapang, agresibo, at ayaw sa mga lalaki, ako lamang ay isang tunay na babae na
ipinaglalaban ang dapat na aking karapatan at ito ay hindi naiintindihan ng iba.

Nakakalungkot na may mga batas nga tungkol sa karapatan ng mga kasarian ngunit kailanman ay walang bansa ang nakakamit ng tunay na
gender equality. Ang pagdidiriwang ng International Women’s Month ay ang tanda kung gaano naghirap ang mga babae na mangarap sa kani-
kanilang mga tahanan noon ng pantay ng pagtrato sa mga kasarian pero sadyang hindi naintidihan ng lahat ang punto ng pagdaraos dahil ang
lahat ay naka-pokus lamang sa salitang “women.”

You might also like