You are on page 1of 12

Bhea Margarette Yara 02/24/19

Grade 11 Stem Teacher Raffy

Internet: Kaagapay, Kaibigan

Sa isang mundong puno ng mapanghusgang kaisipan ay nagsisiksikan ang di


maalintanang pagkakamali ng bawat nilalang. Makapangyarihan sila kung sasabihing
“mali ka” o “tama sya.” Ngunit kung tatahakin mo ang tunay na paraiso, ni isa ay walang
makakapagsabi ng katotohanan at kamalian maliban sa Diyos at sa iyong sarili. Minsan
nga naiisip kong tama ang isang mali habang isang kamalian ang sinasabi nilang
katotohanan. Hindi ako maramot sa pagtatama ng kamalian ng iba ngunit sa makipot
at mahabang tulay na tinatahak ng sarili kong mga paa ay isang matinding pagsubok
kung ang pagkakamali ay dapat ngang baguhin pa. Sa mga matang mapanghusga,
nayuyupi ang malaking pag asa; sa bawat tabas ng dilang nagsasabing mahina ako, ay
siyang matinding pagyanig sa buhay ko. Ngunit sapamamagitan ng mga ito ay nausig
akong bumangon , kumapit at magbakasakaling makita at madinig hindi lang ang aking
boses, maging ng mga katulad ko.

Sinasabi nilang ang kabataang tulad ko ay walang magagawa para sa sariling bansa
sapagkat nilamon na raw kami ng modernong panahon. Sinasabi nilang teknolohiya na
lamang ang nagpapatakbo sa araw araw naming mga buhay lalo’t higit ang social
media. Sa labis na pagnanais na marinig ang aking tinig, nagumpisang pumasok sa
aking murang isipan ang ideyang panindigan ang sinasabi nila. Panindigan na mas
tumatakbo ang oras ko sa paggamit ng internet, ngunit hindi para panindigan ang
kanilang husga na wala akong kwenta kundi para panindigan ang aking sariling
prinsipyo at yun ay ang paniniwalang ang internet at social media ang tutulong sa akin
sa malaya at makabuluhang buhay.

Upang maipahayag ang aking matagal ng saloobin, itinuring kong matalik na kaibigan
ang internet at social media. Sa bawat pagpatak ng aking mga luha; sa pag urong
sulong ng aking mga desisyon sa pangambang mahusgaan ng iba; sa bawat
segundong inilalatag ko ang lahat ng nakikita at nararamdaman ko; saksi ang internet
sa lahat ng mga ito.

Lumipas ang mga araw at sandali, hindi ko namalayan na nalibang ko na ang aking
sarili sa pagsasaad ng natatagong damdamin buhat pa sa mga nakaraan. Hanggang sa
napagtanto ko na marami na palang nakakapansin ng aking mga inilalahad sa media at
karamihan sa kanila ay naging inspirado at tulad ko ay nagkaroon sila ng lakas ng loob
na ilabas ang pinakakikimkim na sama ng loob. Sapamamagitan ng internet ay
nakatagpo ako ng mga uri ng tao na naninirahan sa liblib na lugar na nagtitiis sa
masalimuot na kapaligiran at maging sa buhay na matagal na nilang pinagtitiiisan.
Nakilala ko sila sapamamagitan ng Facebook. Habang nag nag−iscroll ako, may nakita
akong isang larawan ng taong lubhang dumadanas ng hirap. Pinagkaitan sila ng
karapatang mabuhay ng maayos at payapa. Nang mabasa ko ang tungkol sa taong ito
hinanap ko sya sa pamamagitan din ng internet. Nang matagpuan ko ang taong ito
nakilala ko pa ang iba nyang mga kasamahan at tinulungan ko silang mabigyang pansin
ng gobyerno.

Isa lamang itong patunay na mali sila sa pagiisip tungkol sa internet. At mas lalong mali
sila sa panghuhusga na ang mga kabataang tulad ko ay walang magagawa sa bansang
ito. Tunay ngang walang makakapagsabi ng katotohanan kung sino at ano ka. Walang
makakapaghusga kung tama o mali ka. At walang higit na makakapagsabi ng
hangganan ng iyong kakayahan sapagkat walang ibang makakalam ng iyong tunay na
pagkatao.

Minsan may lumapit sa akin at tinanung ako kung bakit kailangan ng broadband? Ng
wifi? O ng kahit na anong koneksyon sa internet?. Tila ba walang kamuwang muwang
sa mundo na akala mo’y nagmamaang maangan o hindi mo maintindihan kung wala ba
talagang alam o sadyang ayaw lang talagang pumasok sa mundo ng internet at ng
social media. Diba ang gulo? Pero kailangan nating maunawaan na hindi lahat ng
nilalang dito sa mundong ating kinalalagyan ay bukas ang isip sa mga ganitong klaseng
usapin.

Oo, nasa henerasyon tayo ng mga “Millenials” pero hindi ibigsabihin nito ay lahat tayo
ay millenials. Magising sa katotohanan na mas matanda ka kaysa sa iba o di kaya
nama’y mas bata ka kaysa sa kanila. Sabi nga nila ”lahat tayo pare−parehong tao
ngunit hindi tayo sabay −sabay isinilang at hindi rin tayo sabay−sabay mamamatay.”

Kung ikaw naman ay sadyang ayaw lang talaga mapabilang sa mga taong pasok sa
uso o sa madaling salita ay ayaw makiuso, marahil ikaw ay napagiiwanan na ng mundo
dahil ultimo madre at pari e may Facebook at Twitter na.

Isang umaga paggising ko, agad kong nabasa ang message sa akin ng aking guro sa
messenger. Habang humuhikab at naguunat kasabay ng pagpunas ng panis na laway
sa gilid ng aking labi, binabasa ko ang mensahe. Laking gulat ko ng malaman kong may
surprise quiz sa araw na iyon, at tagumpay siya dahil lubha ko nga itong ikinagulat.
Asignatura sa matimatika, asignaturang simula’t sapul ay inaayawan ko na. Wala pa
akong review kaya naman agad kong binuklat ang aking notebook. Laking gulat ko ng
wala ni isa na nakasulat doon kaya naman agad akong nag message sa kaklase ko sa
messenger. At laking pasasalamat ko dahil naisend sa akin ang mga notes na
kailangan kong aralin. Sa pagsusulit ay nakapasa ako at dahil yun sa koneksyon sa
internet.
Diba napakalaking pakinabang ng internet sa ating mga buhay. Kahit pa ikaw ay guro,
estudyante, magulang o anak. Lahat tayo ay tumatanggap ng pakinabang sa paggamit
ng internet.

Simula ng matutunan kong gamitin ang internet bilang tulay sa paglalabas ng sama ng
loob, bihira na akong mapahiya, mahusgahan, at mapasama dahil nagagawa kong
maipaliwanag ang lahat ng sa tingin nila ay mali kong ginawa. Nasasabi ko ang nais
kong sabihin at nais iparating sa kanila.

Minsan ko nang napatunayan na ang kabataang tulad ko ay hindi lamang basta


kabaataang tutok sa social media kundi isang kabataan na ginagawang makabuluhan
ang bawat ginagawa niya sa kanyang buhay kasama na ang pagggamit ng internet. At
nais kong panindigan ang kasabihang nilikha ni Jose Rizal na “Ang kabataan ang
pag−asa ng bayan.”
Utang−Utangan Malayo Pa ang Buwan

Maiitim at matatangkad na kalalakihan ang kadalasang bumubungad sa labas ng


tindahan ng iyong kapit−bahay. May mga matatangos na ilong at ang ilan naman ay
nangangamoy sibuyas na ang katawan dahil sa maghapong paguuli sa bayan. Sila ay
kung katawagin nating mga Pilino bilang mga Bombay.

Mayroon din namang mga kapwa nakamotorsiklo rin na takip ang mga mukha upang
pangsilag sa araw. Maghapon ding naguuli sa bayan at pumupunta sa iba’t ibang
kabahayan sa inyong mga barangay. Sa una’y nakangiti at maaliwalas ang kanilang
mga itsura at tila puspusang nagaalok ng pera ngunit sa bandang huli ay nakamungot
at di maitsurahan ang mukha sa labis na pagkainis sapagkat ni isa ay wala silang
mapala sa bawat pagod na dinadanas nila. Ang ilan sa kanilang mga pinupuntahan ay
nagkukunwaring may pinuntahan ang iba naman ay nagdadahilang may sakit ang isang
myembro ng pamilya.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga taong sangkot sa utangan― ang mga Bombay at
mga kolektor ng ng kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan. Sila ang madalas na
nagtitiwala sa mga mangungutang at sila rin ang madalas na nabibigo sa paniningil sa
mga ito.

May iba’t ibang kadahilanan kung bakit marami sa ating mga Pilipino ay napipilitang
mangutang. Ngunit napipilitan nga ba? Una, doon tayo sa mga mangungutang na
sadyang kailangang mangutang dahil sa pangangailangan. Sila yung mga tipong hindi
kailanman man ginustong mangutang ngunit dahil sa kahirapan ng buhay ay walang
ibang magawa kundi gawin ito. Karamihan sa mga gantong uri ng mangungutang ay
nakararanas ng kagipitan kaya naman sa mga oras na nawalan sila ng badget sa
gastusin sa bahay o di kaya naman ay pangbaon ngkanilang mga anak. Biglaan lamang
ang mga pangyayaring ito sa kanilang buhay kaya naman kahit ayaw nila mangutang
ay nagagawa parin nila. Minsan naman kapag dumating sa puntong nadala sa ospital
ang alin man sa myembro ng pamilya ay nagkakaroon din sila ng pangangailangang
mangutang ng malaki, kung hindi sa kamag−anak ay sa mga kooperatiba. Hindi likas sa
kanila ang ganitong Gawain ngunit sa oras na dumating ang malaking dagok ng
kanilang buhay wala silang ibang magagawa kundi mangutang.

Pangalawa naman ay ang uri ng mangungutang na abusado ngunit dala ng


pangangailangan. Sila yung mga tipong kauutang lang kahapon, e babalik naman sa
tindahan upang mngutang ng bigas at sardinas. At makalipas ang ilang oras ay
magpapahabol sa lista ng dalawang balot ng tuyong haot at kapeng 3 in 1. Dahil sa
pangangailangan at kawalan talaga ng panggastos ay napipilitan silang mangutang ng
paulit−ulit at tila wala ng pakialam kung sabihan silang abusado sapagkat wala silang
magagawa kundi mangutang dahil tanggap nila ang katotohanang wala silang pera.
Mismo ako ay nakaranas na ng ganitong uri ng suliranin. Wala kami noong kahit na
singkong butas. Ni wala kaming pangbili ng kahit na candy o tsitsirya. Nakikita ko noon
ang aking lola (kung saan ako lumaki) na nilibot na ang buong bayan naming
makahanap lang ng pangkain naming at pangbaon ko sa eskwelahan. Noon ay nasa
elementarya palang ako. Ngunit umuwi padin siya ng walang dalang pera sa
kadahilanang ayaw na magtiwala sa kanya ng kanyang mga nautangan. Dahil doon ay
lakas−loob na lumapit ang lola ko sa katabing tindahan na aming bahay upang muling
mangutang. kahiya−hiya man ay kinapalan niya ang kanyang mukha upang may
makain kami sa hapunan.

Ang pangatlong uri ng mangungutang ay yung mga mangungutang na abusado dahil


abusado. Oo tama ang iyong iniisip, abusado ang ganitong uri ng tao dahil literal na
inaabuso nila ang pangungutang. Sila yung tipo ng mga tao walang pakialam sa araw,
ng pinangako kung kalian babayadan ang inutang. Dahil batid na nilang mabait ang
kanilang nauutangan at napakabihira niyang makita sa araw−araw niyang pamamalagi
sa kanilang barangay. Isa pa, ang ganitong uri ng mga mangungutang hindi lamang iisa
o dalawang inuutangan kundi sampu lang naman at hindi na masama para sa ganitong
mga tao. Kung merong big time na negosyante syempre meron ding big ime na
mangungutang at sila yun. Lahat na ng kumpanya ay nasalihan at ang
pinakamababang pautang na kanilang nasasalihan ay di baba ng limang−libo.

May kakilala din akong ganito, si aling Ellen, malapit na kamag−anak ng aming pamilya.
Sa tuwing nakadungaw ako sa aming balkon habang ngumangata ng meryendang
aking kinakain, alas tres ng hapon, nakikita ko ang sunod−sunod na motor na
dumadating sa tapat ng kanilang tindahan. Marahil ay mula sa iba’t ibang kumpanya na
pinagkakautangan niya. Pili lamang kanyang binabayaran―siguro sa sampung
motorsiklo tatlo lamang ang kanyang nilalabasan. Samantala kapag iba ang
dumadating, siya ay nagtatago na at agad na isinasara ang tindahan sabay magiiwan
ng sulat na “walang tao”. Diba’t nakakatuwang panuodin kung ganan inyong
kapit−bahay. Nakikita mong nakikipagtaguan na parang batang nagtatago sa taya
upang hindi maabutan. Ngunit para sa mga pinagkakautangan nito, syempre mapupuno
ka na sa galit at inis.

Ilan lamang ang mga ito sa iba’t ibang uri ng mangungutang sa mundo. Kung ilalahad
ko lahat marahil ay mauumay ka sa sobrang dami. Hindi naman masama ang
mangutang kung sapat na pangangailangan na kailangan ng agad na tugon. Ngunit
nagiging masama lamang ito kung magiging panghabang−buhay ang pangangailangan
na hindi matugon−tugonan.

Sa usaping pangungutang, hindi maaaring mawala ang mga expert o legends. Sila
yung mga mangungutang na kabilang sa pangatlong uri ng mangungutang. Mga
nangunguna sa usapang utangan at sila din ang madalas na nanghihimok sa mga
kaibigang nais ng agadang tugon sa kanilang pangangailangan (unang uri ng
mangungutang. Sila ang magrerekomenda ng maaaring utangan sapagkat halos lahat
na ng pwedeng utangan ay nasubukan na. Ngunit ang mga legends na ito ay ang mga
tameme kapag usapang singilan na dahil hindi na nila mabilang ang total ng halaga na
kanilang nautang.

Hindi naman natin pwedeng husgahan ang isang tao base sa bilang ng kanyang
pinagkakautangan. Hindi natin kayang tukuyin kung anong kadahilanan ang meron sila
ngunit ang maaari lamang nating gawin ay respetuhin padin sila at iwasang pag−isipan
sila ng masama dahil sila lamang ang nakakaalam ng tunay na pangyayari. Isa pa,
lahat naman tayo ay may pagkakautang na simula pa ng tayo ay isilang. Yun ang utang
na loob natin sa Diyos na luminis ng ating kasalanan at sa ating ina na nagdala sa atin
sa loob ng siyam na buwan. Utang ina ang pinakamahalagang bayaran maliban sa
utang natin sa Diyos.
Ama, Ama Naasan ka?

Ang pagmamahahal ng isang ama sa kanyang anak ay hindi matutumbasan ng kahit na


sinuman. Hindi matatawaran ang sakripisyo at pagod na kanilang ginugugol para sa
kapakanan ng kanilang mga anak. Minsan maiisip natin na sa bawat magulang ng isang
indibidwal ay ina ang mas may kakayahang magparamdam ng tunay na pagmamahal
sapagkat sa suporta at pagkalinga ay mas aktibo sila. Ngunit paano naman ang ating
mga ama. Sila na nagsisilbing haligi ng tahanan; pundasyon ng pamilya; at proteksyon
laban sa kaninuman. Sila ang dakilang ama ng ating mga buhay.

Lumaki ako sa kalinga lamang ng aking lola. Walang suportang pinansyal mula sa aking
mga magulang. Naghahanap ng aruga at pagmamahal mula sa ina at naghihintay sa
maramot kong ama na balang araw ay kilalanin ako bilang kanyang anak. At ang
nag−iisang pag−asa ng aking buhay, ang aking lola ay di kalauna’y napawalay din sa
akin. Diba’t kay lungkot ng aking buhay. Walang sinuman ang gugustuhin na
mapalagay sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.

Gigising sa sariling alarm clock habang ang ibang bata ay syang ginigising ng yakap ng
kanilang ina. Magluluto ng sariling almusal at mag−gagayak ng sariling uniporme sa
eskwelahan na syang dapat tungkulin ng kanyang ina. Sa halip na puyuran ang buhok
at lagyan ng baby oil upang dumulas ay nauwi na lamang sa paghagod ng suklay sa
sariling buhok na tila napabayaan nang lagyan ng mabangong shampoo at conditioner.
Tungkulin pa lamang yan ng aking ina ngunit paano pa kung isasama ang obligasyon
ng isang ama sa kanyang anak?

Hindi ko maiwasang pumatak ang luha sa tuwing sinasabi ko sa sarili na sana may
tatay na lang ako para may masumbungan ako kapag may nang−aaway sa akin. O di
kaya nama’y syang lalapitan ko sa mga oras na bigo ang puso ko na syang
magsasabing “sino ba yun? Sira ata ang ulo nun para paiyakin ang anak ko.” Ngunit
ang mga ito ay pawang mga “sana” lang, “sana” na hindi na maaaring maranasan pa sa
piling ng sarili kong ama na kalian man ay hindi ko nakasama ni nakita sa buong buhay
ko.

Naranasan ko man ang ganitong kalungkutan at labis na paghahangad sa pagmamahal


ng aking ama, nanatili padin sa aking puso ang pagmamahal sa kanya. Hindi man ako
kilalanin at tanggapin ngunit naniniwala parin ako sa sarili kong prinsipyo na ang ama
ay ama, mahalin ka man o hindi. Saludo ako sa mga amang nagsasakripisyo para sa
kanilang anak. Yung tipong gagawin nila ang lahat wag lang masktan ang kanilang mga
anak. Ni minsan ay hindi ako nagtanim ng galit sa aking ama ngunit hindi ko maikakaila
ang pagkainggit sa tuwing nakikita kong hinahalikan ang aking mga kaklase ng kanilang
mga ama.
Minsan may nakilala akong tricycle driver. Natataon na sa kanya lagi ako nakakasakay
tuwing umaga sa pag−pasok ko sa paaralan. Sa tuwing sumasakay ako hinihingi nya
palagi ang aking bayad upang ibili ng dalawang orange (prutas) sa palengke aming
nadadaanan. Araw−araw naming gawi yun, sasakay ako, tapos ibibigay ko na agad ang
bayad ko tapos hihinto siya sa palengke para bumili. Hanggang minsan naisip kong
itanong kung bakit nya laging ginagawa yun. Ang una kong naisip ay baka naman
healthy person lang talaga sya at maalaga sa kanyang kalusugan. Ngunit ng tanungin
ko na si manong driver, naantig ang puso ko sa kanyang sagot, “para ito sa anak ko,
hindi kasi yun kumakain ng gulay kaya ang ginagawa ko pinapabaunan ko sya ng
dalawang orange at isang saging para naman magkaroon ng sustansya ang katawan at
para hindi magkasakit.” Hindi ko alam kung ano mararamdaman nung mga oras na yun.
Maiinis ba ako dahil sa inggit o iiyak dahil kitang−kita ko ang pagmamahal niya sa
kanyang anak.

Hindi naman natin kayang piliin kung sino ang magiging magulang natin. Wala tayong
karapatan na magreklamo sa buhay na ibinigay sa atin sapagkat pinahiram lamang tayo
ng Diyos at kahit anong oras ay kaya nyang bawiin ito. Kung ikaw naman ay masuwerte
sa buhay na kinalalagyan mo ngayon, aba ay magpasalamat ka dahil ilan lamang
kayong may mga amang tunay na nagmamahal. Kaya kung sakripisyo at pagod ang
paguusapan walang duda, ama ang bida diyan.

Sa totoo lang, ama ang ginagawang dahilan ng mga kabataan ngayon lalo na ang mga
kababaihan, sapagkat sinasabi nilang kaya sila nakikipagrelasyon ng maaga ay dahil
nais nila ng pagmamahal ng isang ama na sa tingin nila ay mararamdaman sa kanilang
mga boyfriend. Ngunit ang katotohanan na hindi nila makita ay nagtatago lamang sa
hindi ganap na kaisipan ng mga kabataan. Ayaw nilang tanggapin ang sitwasyon na
wala silang ama kaya gagawa ng paraan para maranasan. Hindi man lamang
sinubukang unawain ang hamon na ibinigay sa kanila at yuon ay sukatin ang katatagan
sa kabila ng pangungulila.

Wala akong galit sa mundo. Hindi ko kinasusuklaman ang magulang ko lalo’t higit ang
tatay ko. Bakit? Simpleng paliwanag lamang―nauunawaan ko ang sitwasyon ng buhay
ko. Batid ko na hindi lahat tayo pare−pareho ng pinagkaloob na buhay. Ang iba binigyan
ng kumpletong pamilya− may ama’t ina. Ang iba naman may ama pero walang ina.
Karamihan walang ama pero may inang nagmamahal. Ngunit meron paring mga taong
pinagkaitan talaga, wala na ngang ama, hindi pa nararamdaman ang pagmamahal ng
kanilang ina. At kasama ako doon. Ngunit bukas ang aking isipan sa ganitong bagay.
Dahil naniniwala ako na inalagay tayo sa sitwasyong meron tayo ngayon sapagkat alam
ng Diyos na kaya natin. Hindi naman niya tayo ilalagay sa sitwasyong alam nyang
matatalo tayo. Laging may layunin ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa ating buhay.
Kaya nga heto ako ngayon nanatiling nakatayo sa sarili kong mga tuhod na kahit
minsan ay nanginginig sa sobrang pagod sa kaasahang mabuo ang pamilya, ay patuloy
na lumalaban sa hamon na ibinigay sa akin. Kaya kung ako sayo huwag ka ng
mag−alala sapagkat ang tunay na ama ay yung lumikha sa atin. At katulad ng sarili
kong ama, hindi ko siya nakikita at nakakasama subalit alam kong naandyan lamang
siya at nanatiling ama ng lahat ng tao dito sa mundo.
Hinaharap na Harap

Nanliliit ka ba sa tuwing sinasabihan ka ng “flat”? Naiisip mo bang baka totoo sila na


himbing ka sa iyong kama habang nagpapaulan ng kalakihan ng dyoga? Kung minsan
nang sumagi ang mga ito sa iyong isipan marahil ay hindi pa nga ganap ang iyong
pagkatao. Marahil ay hindi ka pa nakakapasok sa realidad ng buhay. May kanya−kanya
tayong pamamaraan ng paghubog ng ating pagkatao at kung paano tayo magiging
ganap sa buhay na malayo sa kasinungalingan bagkus ay nakadikit sa katotohanan
bilang tao.

Maraming pwedeng humadlang sa kaganapang iyon at lahat ng yun ay maaaring


panghuhusga, panglalait at pang−aabuso sa ating pagkatao. Nababawasan ang ating
dignidad at nawawala ang tunay na kahulugan nito. Ngunit nananatiling sa atin ang
desisyon kung paano natin hahawakan ang sarili nating mga buhay kung paano ito
tatanggapin bilang kaloob at pagpapala mula sa itaas.

May mga tao kasing sila na nga itong mga pinagpala ay sila pa itong nagiisip kung
paano magiging katulad ng iba. Katulad na lamang ng aking dating kaklase sa junior
high. Ang ina nya ay Pilipina samantala ang kanyang ama ay isang German.kaya
naman taglay niya pagkalaki−laking hinaharap. Diba’t karamihan sa mga may dugong
foreigner ay malalaki ang suso? Kaya naman hindi nakapagtataka na taglay niya ito,
madalas napapansin sa kanya ang kanyang suso lalo na kung may mga pagkakataong
masikip na ang kanyang pang−itaas. Hindi siya naglalakad ng hindi nakasakbit ang
kulay asul na hawk bag sa kanyang unahan. Sa kabila ng kalakihan ng kanyang suso
ay sya namang kakulangan ng kanyang tangkad. Tuloy, madalas syang lokohing gasul.
Minsan nga ng kami’y nagkakwentuhan bilang siya’y pinagpala at ako naman ay flat,
nagkausap kami ng kauntian at sinabi niyang ilang aon na syang nagtatago sa kulay
asul niyang bag. Di nya raw maaaring alisin ito sapagkat napapahamak sya at madalas
bastusin sa kanto. Inamin niya sa sarili na hindi nya hinangad ang magkaroon ng
malaking hinaharap ngunit walang ibang magagawa kundi tanggapin. Nang marinig ko
ang pahayag niyang ito, ipinaliwanag ko na siya ay maswerte sapagkat taglay nya ang
pinapangarap ng maraming kababaihang pinagkaitan tulad ko. Flat chested kasi talaga
ako at madalas akong tuksuhing dalawa ang likod. Minsan nakakapikon ngunit yun
naman ang katotohanan, kaya bakit ko itatanggi?

Nagkaroon tulay ng pagbubulay−bulay sa isip ko na sadyang magulo ang mundong


meron tayo. Yung mga flat chested na kababaihan tinutuksong flat habang yung mga
may malalaking suso ay tinutukso namang mga babaeng nagpagamit na sa kanilang
mga boyfriend. Hay buhay sadyang kay gugulo ng mga utak ng mga tao. Masabi lang
na makapang−asar ng ibang tao, iisipin lahat na maaaring isipin.
Sa totoo lang, magkakaiba tayo, yung mga kababaihang may malulusog na suso sila
yung mga tipong nakakulong sa panghuhusga at pangaabuso ng ibang tao lalo na ng
mga kalalakihan. Sila yung mga babaeng mababa ang tingin sa sarili sapagkat, ang
tingin ng iba ay marumi sila. Bawat tumitingin ay nakikita sila bilang nakahubad na tila
walang barong nakasuklot sa kanilang katawan. Sa mga patimplak, kapag sila ang
nagwawagi ay napag−iisipang dinaya at dinaan lamang sa katakot−takot na laki ng
suso. Sa mga ganitong uri ng kababaihan, pakiramdam nila ay ninanakaw ang kanilang
karapatang mabuhay ng normal.

Bukod sa ganitong uri ng kababaihan, naandyan naman yung mga tipong sabik na
sabik sa malaking hinaharap. Pangarap para sa kanila ang magkaroon ng malaking
suso upang magkaroon ng hubog ang katawan. Sila yung madalas gumawa ng kwento
sa mga malalaki ang suso dahil sa labis na pagkainggit. Ngunit lingid sa kaalaman ng
mga ganitong uri ng kababaihan, ang taong kanilang kinaiinggitan ay kinukulong ng
mapait nilang karanasan.

Ngunit hindi lahat ng may malalaking suso ay nagdurusa sa sitwasyon nila sapagkat
ang iba sa knila ay ginagawang adbentahe ang pagkakaroon ng malusog na hinaharap.
Na syang nagdudulot ng pang−aabuso sa kanilang pagkababae. Tunay ngang
nakapende sa tao kung paano sya itatrato ng iba. Kung ang ikaw ay walang pag−iingat
sa sarili mo at walang pakialam sa taong nakakasalamuha mo, tiyak masama ang
kahahantungan mo. Kung mananamit ka ng halos kita na ang kaluluwa at tila ba
pinagkakalandakan na ang iyong pagkababae, huwag kang umasang rerespetuhin ka
maliban na lamang kung ipinanganak silang mabuting tao na hindi tumitingin sa suso
lamang ng isang tao. Ngayon, kung ikaw naman ay may pag−galang sa dignidad mo
bilang isang babae, maswerte ka dahil pinili mong mahalin ang sarili mo.

Kung usapan namang pamilya, tayong mga babae ay may malaking responsibiladad sa
ating asawa at anak. Maraming nakapagsasabi na maaaring bumagsak ang
pagkakatayo ng ating mga suso kung ipapasuso ito sa kung kaninuman. Subalit paano
na ang ating mga magiging anak. Mahalaga sa isang sanggol ang lumaking busog sa
gatas ng ina at mangyayari lamang iyon kung tayo mismo ang magpapasuso sa ating
mga sanggol. At dito papasok ang kasabihang, “di bale nang malosyang basta para sa
anak.” Nakakatuwang isipin kung lahat ng ina sa mundo may ganitong prinsipyo. Yung
isasaalang−alang ang kapakanan ng kanilang mga anak kahit pa pumangit at lumipas
ang porma ng katawan.

Bukod sa pagiging ina syempre may tungkulin din tayo bilang asawa sa ating magiging
asawa. At upang hindi mapalitan ng iba, naghahangad tayo ng magandang porma ng
suso para lamang ‘wag iwanan. Mga desperadang asawa na dahil sa pangambang
mapalitan ay nakakaisip lumapit sa mga surgeon na nagpapaayos ng pagkakatayo ng
suso. Habang itong mga lalaking surgeon na manyak at mapang−abuso ay gagawing
adbentahe ang paghawak sa suso.

Kung may mga ganitong isyu sa pagiging asawa, aba syempre papahuli ba ang mga
single but ready to mingle na kababaihan ngayon? Ang mga ganitong tao ay
kadalasang mayayaman at nasa industriya ng showbiz (showbusiness). Upang maging
maganda sa paningin ng mga tao at para magustuhan ng maraming kapwa artista
maging politiko, ay pumapasok sa ganitong proseso ng pagreretoke. Dahil sa labis na
kamalian ng konsepto ng mga tao sa mundo, marami na sa atin ay nakikisabay na
lamang sa takbo at daloy ng buhay. Kapag hindi ka nakisali, marahil maaari kang
maiwanan sa dulo. Ngunit isa lang paniniwalaan ko, walng malaki o maliit na hinaharap
sa totoong taong nagmamahal. Hindi nakadepende sa kung paano manamit sapagkat
ito’y sa labas lamang at kailanman ay maaaring hubarin ngunit ang kabutihang loob ay
hindi kukupas, hindi maaring alisin at baguhin.

You might also like