You are on page 1of 5

Ron Miguel L.

Capulong NR-33

Yunit 2
Pagpoproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon

Layunin:
1. Natutukoy ang mahahalagang sangkap na kailangan para sa isang
epektibong komunikasyon o pakikipagtalastasan.
2. Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao ang bawat pagproseso ng
impormasyon para sa epektibong komunikasyon;
3. Nakapipili ng batis (sources) ng impormasyon na mahalaga para sa
iskolarling pag aaral;
4. Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na nanggaling sa mahahalagang
batis ng impormasyon,
5. Nakapagbubo at nakpag uugnay-ugnay ng mahalagang impormasyon.

Mga Dapat Gawin:


Sitwasyon 1 (p.51)
Sitwasyon 2 (p.53)

- Bumuo ng sariling tula na may pinaghahandugan (halimbawa;


magulang, kapatid, iniibig, kaibigan etc) gawan ng buod at
synthesis. 6 na saknong
Sitwasyon 1:

Sagot:
Sa aking opinyon si Mario ay nasa daan at tricycle kaya
maingay ang kanyang paligid, maaaring hindi niya ito naintindihan
ng maayos o iba ang kaniyang pagkakaintindi. Ang pasalubong
naman niya sa kanyang dalawang anak ay hatid ng
pagmamalasakit niya bilang magulang dahil mas masustansya ang
yakult kaysa sa chocolate milk. Kung mababago ko ang
interaksyon nilang mag-asawa ay ang babaguhin ko ay nais kong
ipaulit kay Jovid ang kanyang sinabi at lilinawin ko sa kanila kung
tama ba ang pagkakaintindi ko sa kanilang kahilingan.
Sitwasyon 2:

Sagot :
Sa aking palagay ay hindi sana ako nag isip ng masama sa
aking kaibigan, marahil ibang tao ang kaniyang pinariringgan at
hindi ako o kung ako man ang tinutukoy ay kakausapin ko siya ng
pribado at hindi yung ipapakita namin sa iba yung away namin. Sa
aking palagay iyon ay pagiging isip bata at mas mabuti oang
resolbahin namin ang problema namin ng
Magulang
Mga taong nagpakilala sa'kin
Sa mundong aking ginagalawan
Nakakita at nakasaksi
Sa akin habang ako'y lumalaki.

Magmula nang maimulat ang aking mga mata


Hanggang sa unang hakbang ng aking mga paa
At sa pag-iyak gabi gabi
Kayo ay nanatili sa aking tabi.

Importanteng mga tao na kailanman hindi ako pababayaan,


Sa kahit anong oras handa akong damayan,
Handang makinig sa iyong mga problema
At hindi aalis hanggang sa kahuli-hulihan.

Walang pagod na trabaho at sakripisyo araw–araw


Para maibigay ang aking pangangailangan
Dahil ayaw nila akong makitang nahihirapan.

Ang akin lamang hiling sa aking mga magulang


Ay maging malusog at walang karamdaman darating
Sapagkat nais kong makita nila ang aking mararating
At naway masuklian ko ang kanilang pagmamahal na naiparating

Ako ay lubos na nagpapasalamat at nangangakong aalagaan,


Mamahalin, pahahalagahan at hindi kayo kalilimutan.
Sila ay nais kong sabihan ng mahiwagang salita
Na “Maraming salamat at mahal na mahal kita”.
Buod
Ito ay tulang aking ginawa para sa aking mga magulang ito ay aking pasasalamat sa kanilang pagmamahal at
sakripisyong ginawa para sa akin
Synthesis
Naisip kong gawing paksa ang aking mga magulang sa tulang ito sapagkat, marami silang sakripisyo at
paghihirap .Wala ako ngayon sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila at nagpapasalamat ako dahil maayos
ang pagpapalaki nila sa akin. Mayron akong pangarap at isang mabuting mamamayan ng bansa. Ngayong may
pagsubok na pinagdadaanan ang mundo, mas lalo kong “naappreciate” ang kanilang pagmamahal sa akin at sa
aming magkakapatid. Ako ay masaya ngayon dahil ligtas kaming lahat lalo na ang aming mga magulang na mas
mataas ang chansa na magkaron ng Covid-19.

You might also like