You are on page 1of 7

FILIPINO 9

GAWAING PAGKATUTO 6
(LEARNING ACTIVITY SHEET 6)
Kwarter 4
Filipino – Baitang 9
Kwarter 4 – Gawaing Pagkatuto 6:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat:

Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto

Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales at Ivy Jean A. Panotes

1
PANGALAN:_________________________________ ANTAS:_______________
ASIGNATURA:______________________________ PETSA:_______________

Aralin 3

Panimulang Konsepto
Magandang Buhay!

Ikaw ba ay nagmahal na? Nakaramdam ng pag-ibig? Hindi ba’t


nakakakilig?! Marami tayong klase ng pag-ibig hindi lamang sa katapat na
kasarian, nariyan ang pag-ibig para sa magulang, sa ating kapwa maging sa
ating bayan. Ngayon ay mabibigyan tayo ng pagkakataon upang ilahad ang
ating sariling pananaw hinggil dito.

Halina at sabay tayong matuto!

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


Sa gawaing ito, inaasahan na nailalahad ang sariling pananaw sa
kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa
bayan.

Panimulang Gawain
Panuto: Tukuyin ang mukha ng pag-ibig na tinutukoy sa bawat bilang.
Isulat ang PM kung ito ay pag-ibig para sa magulang, PS kung pag-ibig
para sa kasintahan, PK kung pag-ibig para sa kapwa at PB kung pag-ibig
para sa bayan.

__________1. Isang matanda ang hindi makatawid sa kalsada, Nakita siya ng


isang pulis at tinulungan.

__________2. Matapos mag-aral ni Ymir sa kolehiyo naghanap agad siya ng


trabaho upang makatulong sa kaniyang Ina.

__________3. Sa wakas sa mahabang panahon na paghihintay hindi nabigo


si Genaro ng ibigay ng kaniyang kasitahan na si Jenniffer ang matamis
niyang oo sa alok nitong kasal.

2
__________4. Tunay na dakila ang ating mga “nurses” sa pananatili sa ating
bayan upang mkatulong sa mga mamamayan kahit na mas maraming
oportunidad sa ibang bansa.

__________5. Ang mga mag-aaral sa ika-siyam na baitang seksyon ruby ay


maayos na nakapila, nakatayo ng tuwid, kamay ay nasa dibdib habang
inaawit ang Lupang Hinirang.

Pagsusuri at Abstraksiyon

Isaisip Natin!

Sa akdang Noli Me Tangere lutang na


lutang ang iba’t-ibang mukha ng pag-ibig o
pagmamahal. Binigyang-diin sa akda ang
nararapat na pagmamahal na dapat iukol ng
isang tao sa kanyang magulang, anak,
kasintahan at maging ang pagmamahal sa
bayan.

Panuto: Tunghayan ang ilang mga pahayag na


ginamit ni Rizal upang malinaw niyang maipakita
ang mga ito. Gamit ang estratehiyang Read and
React ay suriin mo ang isinasaad ng mga ito at
pagkatapos ay ibigay ang iyong sariling puna o reaksiyon ukol dito.

Pagmamahal sa Magulang Pagmamahal sa Anak


Read: “ Namuno ng luha ang mga mata Read: “ Kailan lamang namatay ang iyong ina.
ng aking ama. Napaluhod ako at Tumatanda na ako at nangangailangan ng iyong
niyakap ko siya. Humingi ako ng tawad tulong at pagtingin. Ngunit minamabuti ko ang
mag-isa. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo.
at sinabing handa na akong maglakbay.”
Subalit may mas importanteng bagay kang dapat
isipin. Nakabukas pa sa iyo ang kinabukasan. Sa
React: akin ay pinid na.”

React:

3
Pagmamahal sa Kasintahan Pagmamahal sa Bayan
Read: “ Maari ba kitang malimot? Paano ko Read: “ang mga pag-ibig mo ay isa-isa pa
tatalikuran ang isang sumpa? Isang banal na lamang sumisilang samantalang ang sa akin
sumpa. Natatandaan mo pa ba nang isang
ay isa-isa nang naghihingalo. Sumusulak pa
gabing bumabagyo ay lapitan moa ko sa tabi ng
bangkay ng aking ina? Ipinatong mo sa aking ang dugo sa iyong mga ugat samantalang
balikat ang iyong palad .. ang palad mong ni ang sa akin ay unti-unti nnag nanlalamig.
hindi ko man lang mahawakan… Sabi mo: Ngunit umiyak ka at hindi makapagtiis
“Nawalan ka ng ina. Ako’y hindi nagkaroon ngayon alang-alang sa ikabubuti ng iyong
kailanman” At nakisalo ka sa aking pagluha.” bayan-“
React:
React:

Paglalapat
Panuto: Balikan ang apat na mukha ng pag-ibig na ipinakita ni Rizal sa
akdang tinalakay. Ilahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-
ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan.

Pagmamahal sa Bayan

Pagmamahal sa Magulang

Pagmamahal sa Pamilya

Pagmamahal sa Kaibigan/Kasintahan

4
Sanggunian :
Aklat:

Ailene G. Baisa-Julian.et.al., Pinagyamang Pluma 9 (Aklat 2), Quezon City


2014

5
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

You might also like