You are on page 1of 2

BERNALES, Lawrence Gabrielle G. Aug.

28, 2023
3rd Year - AB Political Science GCAS12-Prelim_G1

GAWAIN #1 (Retorika)

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

1. Paggamit ng Sipi
- Ayon kay William Shakespeare, “Ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw, kahit na
ang mga labi ay tumutugtog.” Sa pagsisimula ng aking sulatin tungkol sa pag-ibig,
nais kong talakayin ang iba’t ibang aspekto nito at kung paano ito nakakaapekto sa
ating buhay.

2. Paggamit ng Tanong
- Ano nga ba ang saysay ng aking buhay? Ito nga ba’y isang ilusyon lamang?

3. Paggamit ng Makatawag-pansing Pangungusap


- Ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin, bagamat ito ay isang
desisyon. Desisyon na piliin ang iisang tao sa araw-araw at pagtanggap sa mga
pagkakamali at pagkukulang nila na inyong dapat na pagtulungang maisaayos.

4. Maaring Gumamit ng Pambungad na Pagsasalaysay


- Bilang isang photographer, marami na akong nakuhaang larawan mula sa
iba’t-ibang tao na mula sa lahat ng katayuan at kalagayan sa buhay.

5. Tahasang Paglalahad ng Suliraning Papaksain


- Napapanahon sa ating lipunan ngayon ay ang kawalan ng trabaho ng ating
mga kababayan. Nakikita nating ginagawan naman ito ng pamahalaan natin ng
paraan ngunit hindi ito sumasapat sa pangangailangan ng libo-libong mga Pilipino.

6. Maaring Gumamit ng Salitaan


- “Mukhang maganda ang bungad ng iyong umaga Carmen?” tanong ni Takt.
“Oo Takt, natanggap na ako bilang guro sa pinasukan kong institusyon”
tugon ni Carmen
“Magandang balita nga iyan! Kaya naman pala abot-tenga ang iyong ngiti”
pabirong binanggit ni Takt.

7. Paggamit ng Salawikain o Kawikaan


- “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” Maraming tao ang nakakalimot
nang magpasalamat kapag may natatanggap silang mga biyaya. Mayroon ring mga
tao na hiling lang nang hiling ngunit hindi naman pinagsusumikapan na makamit ang
kanilang minimiti.

8. Paggamit ng Isa o Ilang Linya ng Awitin


- “Oh, kay tagal ko nang naghihintay na sa akin ay mag-aalay ng pag-ibig na
tunay at 'di magwawakas” Hindi makailag ang mga taong sawi sa pag-ibig sa linyang
ito na tumatak na mula pa noon.
PANGWAKAS NG KOMPOSISYON

1. Pagbibigay ng Buod ng Paksa


- Sa kabuoan, mahirap maging photographer sa panahon ngayon. Ang daming
pagbabago sa kagamitan, teknolohiya, at pabawas na ng pabawas ang bisa ng
paggamit ng mga DSLR dahil magaganda na ang kuha ng mga smartphones sa
panahon ngayon.

2. Pag-iiwan ng Isang Tanong / Mga Tanong


- Handa ka na bang muling buksan ang iyong puso upang umibig muli? O
tuluyan nag isara ang pinto para ingatan ang inyong mga sarili? Nasa inyo ang
desisyon.

3. Mag-iwan ng Hamon
- Sa pagwawakas ng aking katha, ay nais ko kayong bigyan ng pagsubok.
Pagsubok na siyang makakapagbago ng isip ninyo bilang mga Pilipino. Inyong buksan
ang inyong mga kaisipan, lawakan ang talas ng pag-iisip, upang makakita rin kayo ng
solusyon mula sa ibang anggulo. Magandang maging bukas tayo sa opinyon ng iba
dahil may mga bagay na nakikita nila na hindi natin nakikita, ganun rin pabaliktad.

4. Magwakas sa Angkop na Sipi


- Gaya nga ng sabi ni Antonio Luna, “Mga kapatid, mayroon tayong mas
malaking kaaway kaysa sa mga Amerikano(banyaga)… Ang ating sarili.” Mahalagang
bigyan natin ng importansya ang pagpapabuti sa ating mga sarili kaysa
makipagkompetensya sa iba.

5. Maaring Sariwain ang Suliraning Binanggit sa Simula


- Muli, ang pag-ibig ay hindi lamang isang damdamin. Maraming tao ang
nadadala ng mahalimuyak na salita na siyang wala namang laman kung hindi ere.
Matuto tayong kumilala ng pagkukulang ng ating sinisinta na siya nating buohin at
punan upang mabalanse natin ang pag-iibigan na mayroon tayo.

6. Paggamit ng Isang Linyang Awitin


- Sabi nga sa isang kanta, “Nasa'n ka man nawa ay masaya ka na.” Ikaw ay
akin nang pinaparaya mula sa higpit ng aking pagkayakap marahil hindi na kailan
man matutuloy ang ating pag-iibigan.

You might also like