You are on page 1of 2

PAG IBIG

Magandang araw sa ating lahat. Tuwing buwan ng Pebrero unang pumapasok sa isip ng karamihan ay ang
salitang PAG IBIG dahil nga sa “Araw ng mga Puso” na tila pag narinig ng karamihan, ang unang maiisip ay PAG
IBIG sa kabiyak o yung tinatawag nating “romantic love”. Mali ang isipin na ganito sapagkat ang salitang PAG IBIG
ay sumasaklaw ng napakaraming uri at hindi lamang ito umiikot sa depinisyong panromantiko.
Kung ating iisipin, mayroon itong ibat ibang uri. Subukan nating isa isahin:
1. Pag ibig ng magulang sa mga anak at anak sa magulang o minsan tinatawag na Familial love. Ito ay ang
pagmamahal nating mga anak at pagmamahal ng ating magulang sa atin na kadalang naipapakita sa
pagbibigay galang natin sa kanila at sa pamamagitan naman ng pagsuporta sa mga nais natin nila ito
naipapakita. Kung kayo ay suwail o palasagot sa mga magulang niyo, kinakapos kayo pagdating sa uring
iyan;
2. Pag ibig sa kaibigan o sa kapwa. Isang uri ng pag ibig na minsan kung tawagin ay “brotherly love” o
“kapatiran” na itinataguyod ng ating paaralan. Isang napakagandang uri ng pag ibig na kinatatangian ng
pagiging handa sa tulong o pagalalay sa oras ng pangangailangan na kahit hindi natin kamag anak,
tutulong sila;
3. Erotic love o Eros na kinatatangian ng madamdaming pagmamahal sa kapwa. Ito rin ay kinatatangian ng
malaromantikong kilos na kadalasang nagaganap sa mga magkabiyak. Ito yung uri ng pag ibig na
nagaganap sa mga magkasintahan na kadalasang hamon sa ating paaralan;
4. Agape o selfless love na siyang kinatatangian ng pagmamahal sa kapwa na walang hinihiling na kapalit.
Ito ay kadalasang nilalarawan ng pag ibig ng Diyos sa atin na kahit gaano tayo kasasama, nariyan siya
upang tayo ay patawarin; at ang huli, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang
5. Pag ibig sa sarili na siyang madalas kalimutan ng mga tao o ilang mga indibidwal na masyadong
nahuhumaling sa eros o erotic love.

Kung mapapansin ninyo hindi lamang iisang uri ng pag ibig ang dapat nating pag tuunan ng pansin. Kayo,
mga bata, siyasatin ninyo ang inyong mga sarili at tanungin, “Mayroon ba ko nitong mga uri ng pag ibig na ito?
Nababalanse ko ba ang sarili ko pagdating sa pag ibig? Kayo ang makakasagot niyan sa inyong mga sarili.

Anong pag ibig nga ba muna ang dapat na isinasaisip at isinasapuso natin bilang indibidwal? Sa inyo mga
bata, anong uri ng pag ibig ba dapat? Ang sagot, dapat kayo ay nagfofocus munang mahalin ang inyong mga sarili.

Kung nakikilala ninyo yung content creator ng TIKTOK na si CHICHESTERX, sinabi niya sa vlog niya
YOU SHOULD BUILD YOURSELF FIRST BEFORE BUILDING OTHERS BECAUSE YOU CAN NEVER
GIVE SOMETHING THAT YOU DO NOT HAVE. Kailangan munang mahalin ang sarili bago ang iba ngunit paano
ito maipapakita? Sa inyo mga mag aaral, paano? Una, dapat alam ninyo kung ano ang priorities niyo sa buhay bilang
mag aaral at ito ay ang MAG ARAL. Tanungin niyo uli ang sarili niyo, nagagawa niyo ba ito? Kung kayo ay
nahuhuli sa pagpapasa ng requirements, bumabagsak sa mga pagsusulit at nahuhuli sa klase, nagpapakita ba ito ng
pagmamahal sa sarili? Hindi! Sapagkat kung mahal mo ang sarili mo, hindi mo hahayaang mangyari sa iyo ang mga
bagay na ito. Sisikapin mong mapasaayos ang buhay mo dahil mahal mo nga ang sarili mo. Kaya kayo, mga bata,
anong antas ng pag ibig sa sarili ang mayroon kayo? Kung ang simpleng pagmamahal sa sarili ay hindi magawa,
paano pa kaya sa iba kaya isiping mabuti at siyasatin ang sarili, “Mahal ko ba ang sarili ko?”.

Kung nagawa nating mahalin ang ating sarili, sunod sunod nating magagawa ang iba pang uri ng pag ibig.
Halimbawa, ang pagkakaisa ay magaganap kung tayo ay may pagmamahal sa kapwa. Ulit, kung mahal natin ang
ating kapwa, dapat magsimula ito sa pagmamahal sa sarili. Kaya ang mga tao ay hindi nagkakaisa sapagkat iyan ang
kulang.

Tandaan nating palagi na araw ng mga puso ay hindi lamang ginagawa sa isang araw, isang buwan o sa
okasyon lang bagkos ito ay dapat ginagawa araw araw. Sa simpleng pagsunod sa tama at pag gawa ng mabuti sa
kapwa, maipapakita natin na araw araw ay Valentine’s Day kasi sa ito naman talaga ang gustong ipabatid ni St.
Valentine sa lahat – ang pagiging mabuti sa lahat.

Kung iniisip niyo ay walang nagmamahal sa inyo, tandaan niyo, nariyan ang mga magulang niyo, tagapag
alaga, mga kaibigan na handang umalalay sa inyo, ulitin ko, dapat kayo, at kayo mismo ang mangungunang
magmahal sa sarili niyo.

Sa kabilang banda, nariyan ang ating poong maykapal na nakaalalay sa atin na siyang unang pag ibig natin at
unang umibig sa atin. Sabi nga diba, ayon sa bibliya, gayon na lamang ang pag ibig ng Diyos sa sanlibutan na
binigay niya ang kanyang bugtong na anak. Kung feeling mo wala nang nagmamahal sayo, mayroon, Nariyan ang
Diyos at binigay pa nga ang kanyang bugtong na anak para maipakita na mahal niya tayo. Muli, Magandang hapon
sa lahat.

You might also like