You are on page 1of 5

ABHS Radyo-Sikat Subject: ESP Grade Level: 8 Quarter 4 Week 3

104.4 FM
Lesson Title:“ Tamang Pananaw sa Sekswalidad ng Tao” Date: May 24, 2022
Teacher Broadcaster: IAN EDUARD C. ADRIANO

Lesson Objectives:
1. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay
mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kaniyang bokasyon na
magmahal (EsP8IPIVb-13.3).
GREETINGS
SNEAK IN “ RBI JINGLE” THEN SEQUEL TO
MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER FOR
1. TEACHER BROADCASTER: Magandang magandang Umaga
2. Ito ang inyong school on Air ABHS RADYO SIKAT sa 104.4 FM.
3. Ako ang inyong guro si sir Ian Eduard Adriano
4. para sa programang ESP 9 pa-HALAGA-han!
SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER FOR

CHECKING OF ATTENDANCE
7. TEACHER BROADCASTER: Komusta na kayo mga giliw naming mag-aaral?
8. Sana ang bawat isa ay malusog at nasa maayos na kinalalagyan.
9. Ako ay natutuwa na marinig na ang bawat isa ay mabuti.
10. Samahan nyo ako ngayon para sa ating aralin sa ESP 8.
11. Bago tayo magsimula, hayaan nyo muna akong batiin ang lahat ng mag-aaral sa Grade 8 (SFX
:CLAP/CHEER)
12.Ngayon ay humanap nang pwesto kung saan kayo ay makakapakinig ng kumportable para sap ag-aaral
natin sa inyong module (PAUSE) (SFX PAY ATTENTION)
13. handa na ba kayong making at matuto? (PAUSE)
14. Sigurado ako na handa at excited na kayong matuto.
15. Kunin na ang mga modules, lapis o ballpen at ang sagutang papel. (CHEERS)
16. Simulan na natin ang ating talakayan sa ESP 8 – Pa-Halaga-han. (SFX SONG 1)
REVIEW OF PREVIOUS LESSON
17. TEACHER BROADCASTER:
18. Magaling! Natapos mo na ang unang linggo at naunawaan mo na ang tunay
na kahulugan ng sekswalidad. Ang sekswalidad ay hindi tumutukoy sa katawan
lamang kundi sa katauhan. Sa linggong ito, matutuklasan mo ang mga katangian na
dapat taglayin ng isang ganap na nagdadalaga at nagbibinata na may paggalang sa
kaniyang sekswalidad. (PAUSE)
20. Ngayon umaga tatalakayin natin ang “Tamang Pananaw sa Sekswalidad ng Tao.” Magsimula na tayo
MSC UP AND UNDER HAPPY SONG BACKGROUND
OVERVIEW OF LESSON / SPRINGBOARD
21. Sa araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad;
2. nahihinuha ang tamang pananaw sa sekswalidad; at
3. naisasagawa ang tamang kilos sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay

Page 1 of 5
bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa bokasyong
magmamahal. (PAY ATTENTION)

LESSON PROPER
1. TEACHER BROADCASTER: Tamang Pananaw sa Sekswalidad

Ang tamang pananaw sa sekswalidad ay nagsisilbing gabay sa tamang


pagkilos at pakikisama sa ibang tao. Mapababae man o mapalalaki, dapat ay batid
ng isang tao kung ano ang wastong pagkilos at pagpapasya sa buhay. Sa tulong ng
mga nakatatanda, nabibigyang-gabay ang bawat isa at naihahanda ang sarili sa mas
mahalaga at mabigat na responsibilidad sa buhay tulad ng bokasyon na magmahal
ng iba bukod sa magulang o pamilya.

2. Ang Tamang Pananaw sa Sekswalidad at Pagmamahal

Isa sa mga normal na pagdadaanan mo bilang kabataan ay ang pagnanais na


mapalapit sa isang tao at magkaroon din siya ng katulad na damdamin para sa iyo, ngunit dapat isaalang-
alang ang iyong kahandaan at kakayahang managot sa isang romantikong ugnayang ito. Ito ang tamang
pagtingin sa sekswalidad at sa pagpapahayag nito.

3. Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasyang magmahal. Ang mga


paghangang nararamdaman mo ay maaari ngang mauwi sa pagmamahal kung kapuwa kayo malayang
magpapasya na pagsikapang mahalin ang isa’t isa. May mga mahahalagang elementong isinasaalang-alang
ang tunay na pagmamahal. Una, tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay. Ikalawa,
iginagalang ninyo kapwa ang dignidad at kalayaan ng bawat isa.

Hindi ka niya dapat piliting gumawa ng mga bagay na labag sa iyong


kalooban at gayon din naman hindi mo siya dapat pagawain ng bagay na alam mong hindi niya gustong
gawin. Dapat na mahalaga sa iyo ang kanyang ikabubuti at gayon din naman ang ikabubuti mo ay mahalaga
sa kaniya. Kaya nga, hindi dapat na mapabayaan ang iyong pag-aaral. Pagdating ng tamang panahon at
nagpasya ka nang bumuo ng sarili mong pamilya katuwang ang minamahal, dapat din na handa kayo para sa
mga magiging responsibilidad dito.

(PAUSE)

4. Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal

Naalala ko nang unang nakipag–date ang isa kong pamangkin na nasa tulad mo ring
yugto. Bago siya umalis kinausap ng kaniyang ama ang kaniyang kaibigan upang ibigay ang kaniyang mga
kundisyon. Isa itong mahabang listahan ng mga HINDI maaaring gawin ng lalaki sa aking pamangkin.
Bagama’t alam niyang pinangangalagaan lamang siya ng kaniyang ama, hindi nito maiwasan ang
magdamdam dahil tila nalimot ng kaniyang ama na siya ay may sarili ring pag-iisip. Isa pa, higit itong mataas
at may malaking pangangatawan kaysa kaniyang kaibigang lalaki!

5. Ito rin marahil ang pananaw ng marami sa kalinisang puri. Isang mahabang listahan
ng mga HINDI dapat gawin! Ngunit ang totoo, ang kalinisang puri ay isang pagkilos. Ito ang pag-oo sa
pagkatao ng tao. Kung tinitingnan natin ang tao bilang tao, hindi na kailangan ang mahabang listahan ng
HINDI na ito.

Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang minamahal bilang isang bagay. Hindi nga ba,
Sa panliligaw, ang madalas sabihin ng mga lalaki sa kanilang nililigawan at sa pamilya nito, “Malinis po ang
hangarin ko sa kanya.” Ibig sabihin, hindi katawan lamang niya ang habol kundi ang buong pagkatao niya.
Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may kalinisang puri lamang ang may kakayahang
magmahal nang tunay. (PAY ATTENTION)

Page 2 of 5
6. Ang pagmamahal, dahil malaya ay dapat kapwa nasa mga taong nagmamahalan.
Hindi maaaring isa lamang sa kanila ang nagmamahal. Hindi magkaiba o hiwalay ang
pagmamahal ng bawa’t isa sa isa’t isa. Ang pagmamahal ay nagbubuklod sa dalawang
taong nagmamahalan. Samakatuwid, iisang pagmamahal lang ito na pinagsasaluhan ng
mga nagmamahalan. Hindi ito basta pagsusukli lamang sa pagmamahal sa atin kundi
pakikibahagi sa iisang karanasan. Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na
paghahandog ng buong pagkatao sa minamahal. Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito
ay ang pagpapakasal.

7. Ipagkakaloob mo ang iyong kalayaan at itatali


mo ang iyong sarili sa minamahal habambuhay. Mangangako kayong magmamahalan sa hirap at ginhawa, sa
sakit at sa kalusugan hanggang kamatayan. Magagawa mo lamang ito kung ganap na ang iyong pagkatao –
ang pagkalalaki o pagkababae. Kung sa wakas ikaw ay handa na at nakatagpo ng kabiyak, magiging
responsibilidad ninyo kapwa ang isa’t isa, at ito’y malugod ninyong tatanggapin dahil sa pagmamahal na
inyong pinagsasaluhan. (SFX CHEER)

Ngunit, sa yugtong ito ng buhay mo, hilaw pa at hindi pa ganap ang iyong pagkalalaki at
pagkababae. Sa katunayan, sa ngayon, kulang ka pa sa kakayahan na pangalagaan ang iyong sarili. Sa
ngayon, responsibilidad ka pa ng iyong mga magulang. Karapatan mo ang makinabang ng pagkatuto sa mga
naging karanasan nila sa pagmamahal kaya’t hindi dapat mahiya o matakot na sumangguni sa kanila. Kaya
nga kapag pam-PG13 ka sa panonood ng sine at telebisyon, kailangan mo pa ang gabay at patnubay ng iyong
mga magulang!

Ang Pagmamahal ay Isang Birtud


13. “Maraming nagsasabi na ang pagmamahal ay maaaring sukatin sa pamamagitan
lamang ng pagiging tunay ng damdamin,” ngunit ang pagmamahal ay isang birtud at hindi
isang emosyon; at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga pandama.”

14. Dahil nga ito’y birtud, ang pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at pagkilos
upang mapaunlad ito. Laging ang tuon dito ay ang ikabubuti ng minamahal at ng dalawang
taong ngayon ay pinag-isa. Higit na masusubok ang tunay na pagmamahal sa panahong
lumipas na ang paghanga na bunsod ng mga pandama at ng matinding emosyon. Sa
panahong ito masusukat kung ang minahal mo ay ang pagkatao ng minamahal at hindi ang
konsepto lamang ng inakala mong siya. Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal
kung sa paglipas ng panahon ay lalo pang napabubuti nito ang mga taong nagmamahalan.

15. Isa pang mahalagang katangian ng tunay na pagmamahal ang pagiging mapanlikha
nito. Katunayan kung itatanong ang tunay na katuturan ng buhay natin sa mundo,
masasabing narito tayo sa mundo upang magbigay-buhay at makibahagi sa pagigng
manlilikha ng Diyos. Dalawang uri ito, ang pagbibigay-buhay na ito ay maaaring sa paraang
pisikal o sekswal – ang pagsisilang ng sanggol, o sa paraang espiritwal – ang mabuhay
bilang biyaya na nagbibigay-buhay rin sa iba.

16. Kaya nga piliin man natin ang bokasyon sa pagmamahal bilang isang babae o lalaki
na walang kabiyak, kung ang pagmamahal natin sa kapuwa ay nagbibigay-buhay, magiging
mabunga at makabuluhan din ang ating buhay. Tinutupad din natin ang bokasyon sa
pagmamahal.

17. Ngayon, maaaring sabihin mo na napakasalimuot pala ng tunay na pagmamahal!


Kaya mahalagang makatiyak ka na ang taong minamahal mo ay kaya ring igalang,
pahalagahan ang iyong dignidad, at disiplinahin ang kaniyang sarili.

Naging maliwanag ba ang Tamang Pananaw sa Sekswalidad ng Tao??


Alam ko na madami tayong natutunan aral sa aralin natin patungkol sa Tamang Pananaw sa Sekswalidad ng
Tao.

Page 3 of 5
Palakpakan natin ang bawat isa sa matagumpay na aralin. (SFX CLAP/CHEER)
SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER
ASSESSMENT
13. TEACHER BROADCASTER: Para sa tayain ng ating aralin upang lubos na makita ang inyong
natutunan subukan natin ang gawaing ito.
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA o MALI. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.. (PAY ATTENTION)

1. Pagiging magalang sa kapuwa-mag-aaral, maging babae o lalaki man siya


2. Pakikipagbiruan tungkol sa kalaswaan sa harap ng mga kaibigang lalaki/babae
3. Pagbabasa ng malaswang babasahin
4. Pagsasalita nang may halong kabastusan
5. Pakikitulog sa bahay ng iyong nililigawan

1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. MALI
5. MALI

SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER


WRAP-UP
22. TEACHER BROADCASTER: Magaling mga giliw naming mag-aaral sa matagumpay na pagsagot sa
ating tayain. (CHEERS)
*REMEMBER: (VALUES INTEGRATION) (PAUSE)

SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER


ASSIGNMENT
23. TEACHER BROADCASTER: Para sa inyong Performance task: Gumawa ng sulat para sa iyong
kapwa kabataan tungkol sa kalinisang puri (chastity) at sekswalidad. Bigyan mo sila ng tips kung paano
mabuhay nang may paggalang at pagmamahal sa sarili at kapuwa. Ang teksto ay kailangang

Page 4 of 5
SNEAK TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER
CLOSING BOARD
10. TEACHER BROADCASTER: Sana ay may pagpapahalaga akong naibahagi sa inyong lahat mga
magiliw naming mag-aaral sa Grade 8! (SFX CLAP)
11. hangang sa muli nating talakayan sa ESP 8 Pahalagahan CLAP),
12. Ako ang inyong guro si Sir Ian Eduard Adriano (PAUSE)
13. Nag sasabing : “Gawin mo sa kapuwa mo, Ang nais mong gawin nila sa iyo.”
14. Kung may karagdagang katanungan ay maari nyo akong I-PM sa king messenger (PAUSE)
16. Muli ito ang ESP 8 Pahalagan para sa paghubog ng inyong pakaTAO.
17. Thank you and keep safe everyone! CLAP), (PAUSE)
“ RBI JINGLE”
MSC FADE UP … ESTABLISH … FADE TO BED
-END-

Prepared by:

IAN EDUARD C. ADRIANO


ESP – HT DESIGNATE

Checked by: Reviewed by:

RENELYN M. SAPON DULCE M. RIGOR


RBI Focal Person LRMDS Coordinator

Approved:

ISMAEL S. DELOS REYES


School Head

Page 5 of 5

You might also like