You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapapakatao 10

Pangalan:_________________________ Baitang at Pangkat:___________Iskor:__________

Paaralan:____________________________________Guro:_______________________________

UNANG MARAKAHAN
Gawaing Pagsasanay Blg. 12

Modyul 12 : Kalayaan tawag ng pagmamahal at paglilingkod

Mga Pagsasanay

Gawain 1
Panuto. Unawain ang pangungusap lagyan ng tsek ( ) sa kolum ng emoticon
ang hanay kung ang kilos ng kabataang tulad mo sa pangungusap ay nagpapakita
ng paggamit ng kalayaan kaugnay sa paksang ating tinalakay.

Pangungusap
1.Bilang kabataan tungkulin kong matuto sa kabila ng
kahirapan ng buhay.
2.Sinusunod ni Ken ang magulang ng may paggalang.
3.Makabuluhan ang araw ni Jose dahil natulungan niya sa
pag-aaral ang nakababatang kapatid
4.Naibahagi ni Ellias ang kaniyang kaalaman sa pagpipinta
ng walang hinihintay na kapalit.
5.Nakabatay ang kilos ni Marie sa kung ano sasabihin sa
kaniya ng nasa paligid niya.

Gawain 2

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasaad ng pangungusap ayon
sa ating paksang tinalakay ay malungkot naman mali ang isinasaad ng
pangungusap.

______1.Isinaalang-alang ang kaniyang kilos tungo sa kung ano ang tama.

______2.Si Ben ay nagtatrabaho habang nag-aaral upang makatulong sa kaniyang


mga magulang.

______3.Nabagsak ni Nina ang mamahalin cellphone ng kaniyang ate,kaya naman


sinabi niya dito na pag-iipunan niya upang mapalitan ito.

______4. Inamin ni Krytel ang kasalanan sa kaibigan,ngunit hindi niya nasabi ang
dahilan kung bakit niya ito nagawa.

______5.Mahalagang unahin ang sarili bago ang iba,sa konsepto ng buhay ni Lara.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Ave., San Nicolas, Pasog
City
Edukasyon sa Pagpapapakatao 10
Gawain 3
Panuto :Ipaliwanag sa tapat ng larawan kung paano mo ginamit ng mapanagutan
ang iyong kalayaan noong panahon ng pandemic sa mga sumusunod na larawan?

(Manacob 2020)

(Manacob, www.google.com 2020)

(R. Manacob 2020)

(R. Manacob, https://pagedesignshop.com 2020)

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Ave., San Nicolas, Pasog
City
Edukasyon sa Pagpapapakatao 10

Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang itinuturing na mabuti?


A. Ang pagkakaroon ng pananagutan
B. Ang pagmamahal at ang paglilingkod sa kapuwa
C. Ang kakayahan ng taong pumili sa panig ng tama at mali
D. Ang magamit ang kalayaan ng sa tama na ayon sa inaasahan

2. Ang salitang “mananagot ako” ay nangangahulugang ?


A. Maipagliliban na harapin ang resulta ng kilos
B. Maiiwasan ang resulta ng kilos kung kinakailangan .
C. Kailangang harapin ang kahihinatnan ng kaniyang kilos.
D. Nasa tao mismo ang pinagmumulan ng kaniyang kilos na ginawa.

3. Sa anong paraan naipapamalas ang paggamit ng mapanagutang kalayaan?


A. Tumutugon ayon sa pagpapahalaga.
B. Inilalagay ang sarili una bago ang iba.
C. Kumikilos ayon sa sariling katuwiran.
D. May kakayahang kumilos ng rasyonal

4. Bakit sinasabing ang kalayaan ay kakambal ang pananagutan?


A. Sapagkat kumikilos ito ayon sa sariling kagustuhan.
B. Sapagkat ang tao ay may kakayahang kumilos ng rasyonal.
C. Sapagkat ang tao ay tumutugon ayon sa tawag ng sitwasiyon
D. Sapagkat ang tao ay tao,siya ang pinagmumulan ng kaniyang sariling kilos.

5. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kalayaan ng tao?


A. Mahalaga ito upang mahubog ang kaniyang pananagutan.
B. Mahalaga ito upang maging masaya ang tao sa kaniyang buhay dahil
magagawa niya anoman ang nais niya.
C. Mahalaga ito upang maging malaya sa sa pansariling kahinaan at maging
malaya sa pagtugon sa tawag ng sitwasiyon.
D. Mahalaga ito upang malinang ang kaniyang pagkatao at matamo ang
kaniyang layunin sa buhay na maglingkod sa kapuwa.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Ave., San Nicolas, Pasog
City

You might also like