You are on page 1of 4

EPP-HOME ECONOMICS 5

Pangalan:______________ Baitang/Pangkat : ___ Iskor: ____


Paaralan: _______________ Guro: ______________________

IKALAWANG MARKAHAN
Gawaing Pagsasanay Bilang. 2

Pagsasaayos ng Payak na Sira ng Damit

Pagsasanay 1

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga puwang. Piliin ang


tamang sagot sa loob ng kahon

puwang pampatibay lapad


punit butas malalaki

1. Ang pagsusulsi ay ang pagsasaayos ng __________ ng damit.

2. Ang tahing tutos ay dapat na maliliit, pino, pareho ang haba at __________.

3. Ang hilbana ay pansamantalang tahi na mahahaba at __________ ang puwang.

4. Ang tahing palipat-lipat ay tahing __________ sa pananahi.

5. Ang pagtatagpi ay pagpapatong ng kasingkulay na tela sa __________ ng damit.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
EPP-HOME ECONOMICS 5

Pagsasanay 2

Panuto: Isaayos ang mga hakbang sa pagtatagpi ayon sa


wastong pagkakasunud-sunod. Lagyan ng titik A-G.
ang puwang sa unahan ng bilang.

_____ 1. Plantsahin ang bahaging may butas


_____ 2. Baliktarin ang damit at ililip din ang tagpi
_____ 3. Gumupit ng telang kasingkulay ng tatagpian
_____ 4. Ihilbana ang pantagpi sa butas
_____ 5. Plantsahin muli ang damit na tinagpian.
_____ 6. Lilipin ang tagpi nang pinong-pino.

Pagsasanay 3

Panuto: Tukuyin ang payak na sira ng damit na inilalarawan ng


bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Dadalo ka sa kaarawan ng kaibigan mo.Pinipilit mong
pagkasyahin ang damit na hiniram mo sa ng ate mo.
Dahil sa pagpipilit mo nasira ito at di mo na nagamit pa.
_____ 2. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan ng suka at toyo. Nilagay
mo ang pera sa bulsa ng short mo. Pagdating ng tindahan kulang na ang
hawak mong pera.
_____ 3. Napaupo ka sa upuang kahoy. Pagtayo mo sumabit ang laylayan ng
palda mo sa nakausling pako.
_____ 4. Naglalaro kayong magkakaibigan ng Agawang Panyo. Sa pag-agawan
nyo ng panyo biglang nahablot ang polo moSa pag-uwi mo napansin
mong kulang ang butones ng polo mo.
_____ 5. Tag-ulan na naman. Araw-araw ay pinagdadala ka ng payong at
pinagsusuot ka ng jacket ng Nanay mo. Di mo maisuot ang paborito
mong jacket kasi di mo maisara nang maayos.ang gitnang bahagi
nito.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
EPP-HOME ECONOMICS 5

Panapos na Gawain

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik


nang tamang sagot

1. Anong uri ng tahi ang ginagamit sa pagsusulsi?


A.Lilip B. Hilbana C. Tutos D. Palipat-lipat
2. Ano ang dapat gawin sa butas ng mga kasuotan?
A. Nilililip B. Sinusulsihan C. Tinatagpian D. Pinapardeblihan
3. Anong uri ng tahi ang dapat gamitin sa kasuotang may tastas?
A. Lilip B. Hilbana C. Tutos D. Palipat-lipat
4. Kailan dapat isagawa ang pagsasaayos ng mga sirang kasuotan?
A. Bago labhan
B. Pagkatapos labhan
C. Habang nilalabhan
D. Sa makalawa

5. Bakit kailangang kasingkulay ng tela ang sinulid na gagamitin sa


pagsasaayos ng payak na sira ng kasuotan?
A. Upang makatipid
B. Upang di halata
C. Upang maayos tingnan
D. Upang maging mas matibay

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
4 SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. Punit 1. A 1. Punit na Damit
2. Puwang 2. E 2. Butas na Damit
3. Malalaki 3. B 3. Tastas na Laylayan
4. Pampatibay 4. C 4. Tanggal na Butones
5. Butas 5. F 5. Sirang Zipper
6. D
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A
2. C
3. A
4. A
5. B
EPP-HOME ECONOMICS 5

You might also like