You are on page 1of 15

5

Edukasyong Pantahan
at Pangkabuhayan 5
Ikaapat na Markahan ICT / ENTREPRENEUR
ENTREPRENEUR /ICT – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Myna C. Claros
Editor: Dolores O. Antolin, Pepito B.Cagunot, Bernadette B. Enriquez
Tagasuri: Dolores O. Antolin, Pepito B.Cagunot, Bernadette B. Enriquez
Tagasuri Teknikal;
Tagaguhit: Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera,SESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña Ed D
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel Laguerta OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikaapat Na Markahan
Modyul 2 Para Sa Sariling Pagkatuto
Ang Pagkakaiba ng Produkto
at Serbisyo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 ICT/ENTREPRENEUR ng Modyul 2 para sa araling Ang
Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon Pantahanan at Pankabuhayan ICT


/Entrepreneur 5 Modyul 1 ukol sa Ang Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang natutukoy ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo .

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan sa ibaba . Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

https://images.app.goo.gl/9MUHmAA8wnFEociZA https://images.app.goo.gl/KFxJUhHPRMVmZMsX9 https://images.app.goo.gl/28pFtA1fWLpNS4AL6

1._________________ 2.___________________ 3._______________________

https://images.app.goo.gl/42EXXFWagDQrmPp86
https://images.app.goo.gl/ZqXRjwf4jvxuY2eC7 https://images.app.goo.gl/baSCy2rMh7WVFJPFA

4._________________ 5._________________ 6.______________________


BALIK-ARAL

Panuto: Kilalanin ang mga kilalang negosyante sa ating bansa. Isulat sa


patlang ang tamang sagot.

https://images.app.goo.gl/7bnWTg2Vj7KKkHzF9 https://images.app.goo.gl/VXZwkopLcMTFXe2XA https://images.app.goo.gl/kAq4mm96JQdY2jg98

1.___________________ 2.________________ 3._____________________

https://images.app.goo.gl/bA7SjRo345UHkcUH8 https://images.app.goo.gl/EPaDL8MPHoE7FR1m9 https://images.app.goo.gl/XfJYkfgYZZKBHVz88

4._____________________ 5.__________________ 6.____________________


ARALIN

Ang Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo

Sa kasalukuyang sistema ng kalakaran sa ating bansa, karamihan ng


mga namumuhunan ay nakadepende na sa makabagong teknolohiya na
magpapagaan at magpapabilis sa proseso ng pamumunuhan.

Dahil na rin sa matinding kompetisyon, kailangan ng ganitong uri ng


makabagong pamamaraan upang mapahusay ang iniaalok na produkto at
serbisyo at matukoy ang higit na pangangailangan ng mga mamamayan.
Kailangan din ang pakikisalamuha sa mga tao, sa mismong tumatangkilik ng
produkto o serbisyo para mas personal ang paraan ng pagbibigay puna,
negatibo man o positibo. Sa araling ito tatalakayin ang pagkakaiba ng
produkto at serbisyo.

Mga Produkto

Ang mga produkto ay karaniwang likha ng mga kamay o makina.


Mayroon din namang likha ng isipan. Narito ang halimbawa ng mga
produktong likha ng kamay tulad ng hinabi, bag, basket at iba pa.

Mga produtong likha ng makina tulad ng bolpen,kotse, computer at iba pa


Mga produktong likhang isipan tulad ng pagsusulat ng libro o nobela,
paggawa ng computer program at iba pa.

Mga Uri ng Produkto:

• Durable Goods – Ito ay mga kagamitang maaaring gamitin nang


matagalan.
Halimbawa: damit, sapatos, alahas, kasangkapan sa bahay,
computer, mga sasakyan at iba pa.
• Non-durable Goods – Ito ay mga produktong madaling maubos o
karaniwang ginagamit.
Halimbawa: mga pagkain, mga inumin, mga sabong pampaligo at
panlaba, lapis, papel, atbp.

Mga Serbisyo

Ang serbisyo naman ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng


mga gawain na may kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan. Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t
ibang sektor ayon sa uri ng kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba.
Ilan sa mga sektor na ito ay ang propesyonal, teknikal at may kasanayan.
Pag-aralan ang taalan sa ibaba at alamin ang mga halimbawa ng
hanapbuhay sa bawat sektor.
Propesyonal Teknikal May Kasanayan
(Professional) (Technikal) (skilled)
guro electrician mananahi
doktor computer programmer sastre
nars computer technician karpintero
abogado aircraft mechanic pintor
dentista tubero
electrical engineer manikurista
Ang propesyonal na sektor nabibilang ang mga hanapbuhay tulad ng
guro,doctor,nars at iba pa. Kailangang makatapos ng kurso sa kolehiyo at
makapasa sa board o bar examination upang makakuha ng lisensiya para
makapaglingkod sa professional service sector.
Kailangan naman ng sapat na kaalaman at kasanayan para
makapaglingkod sa sektor na teknikal at may kasanayan.

Mga Uri ng Serbisyo:

1. Propesyonal – Kailangan nakapagtapos ng kurso at nakakuha ng


board o bar exam upang makakuha ng lisensiya.

Halimbawa: guro, engineer, doctor, abogado, nars, pulis,


accountant atbp.
2. Teknikal – Ito ay uri ng serbisyo na nangangailangan ng mga
kaalaman sa paggawa ng mga bagay o pagkukumpuni gamit ang
iyong kaalamang technical.

Halimbawa: auto mechanic, computer programmer, electrician,


Computer technician, aircraft ,mechanic atbp.
3. Kasanayan – Serbisyong nangangailangan ng mga kasanayan sa
paggawa.
Halimbawa: masahista, mananahi, karpintero, pintor, barbero
atbp.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Lagyan ng P kung ang nakasulat ay produkto at S kung ang
nakasulat ay serbisyo.

____ 1. security guard ____ 6. dentista


____ 2. hamburger ____ 7. street sweeper
____ 3. tubero ____ 8. drayber
____ 4. daing na isda ____ 9. shampoo
____ 5. guro ____10. manggagamot
PAGSASANAY 2

Panuto: Piliin sa kahon ang sagot sa bawat petal ng bulaklak.

Produkto Serbisyo

laundryman basurero prutas pulis


siopao pandesal panadero sapatero
sastre janitor karpintero arkitekto

PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang tanong:


Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Ang mga pangangailangan ng mga tao ay natutugunan dahil sa iba’t


ibang produkto at serbisyo sa ating pamayanan. Bilang bata na nasa ikalimang
baitang, pumili ng isang produkto at serbisyo na sa palagay mo ay kaya mo at ng
inyong pamilya na maaring pagkakitaan ngayong panahon ng pandemya. Bakit ito
ang napili mo?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ang tsek (/) kung ang tinutukoy ay serbisyo at ekis ( X)
kung produkto. Isulat ang tamang sagot sa patlang .

_________ 1. pagtuturo sa mga bata ng mga aralin.


_________ 2. cassave cake
_________ 3. pagmamaneho
_________ 4. silya gawa sa kahoy
_________ 5. pag- aayos ng mga sirang tubo.
PAUNANG PAGSUBOK PAGLALAHAT
1. doktor (answer may vary)
2. kasambahay
3. pulis PAGPAPAHALAGA
4. tsenilas (answer may vary)
5. cake
6. computer
BALIK-ARAL PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. Socorro Ramos 1. /
2. Manny Villar 2. X
3. John Gokongwei 3. /
4. Tony Tan Caktiong 4. X
5. Henry Sy 5. /
6. Lucio Tan
PAGSASANAY 1
1. S 6. S
2. P 7. S
3. S 8. S
4. P 9. P
5. S 10. S
PAGSASANAY 2
PRODUKTO SERBISYO
1. prutas laundryman
2. siopao basurero
3. pandesal pulis
panadero
sapatero
sastre
janitor
arkitekto
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

K-12 Curriculum Guide Grade 5 EPP


Gloria A Peralta, EdD et al, Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran,
Vibal Group, Inc., 2016, Quezon City
Cleofe del Castillo et al, Makabuluhang Gawaing Pantahanan at
Pangkabuhayan, Adriana Publishing Co., Inc., 2003, Quezon City
Ano Ang Kahulugan Ng Produkto At Serbisyo, Brainly.
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/produkto-at-
serbisyo.pdf Google.search.com

“Ano Ang Produkto At Serbisyo”, Scribd.


https://www.scribd.com/presentation/386774037/Ano-Ang-Rpodukto-at-
Serbisyo. Google.search.com

Pagkakaiba Ng Produkto At Serbisyo, Scribd.

https://www.scribd.com/document/412739217/Pagkakaiba-Ng-Produkto-
at-Serbisyo Google.search.com

DepEd Region 08, EPP-5 Patnubay ng Guro, First Edition 2016, ICT-

Electronic

Hinabi:https://images.app.goo.gl/LEqiq3ixGjuEs7fC9
Bags: https://images.app.goo.gl/JRrRB5zQyTUENtoD9
Basket: https://images.app.goo.gl/n2WqDX78TsLm7mBeA
Ballpen: https://images.app.goo.gl/NJR8DhifgtqE3KcTA
Car: https://images.app.goo.gl/Vqy7PEM26bGPBqBHA
Computer: https://images.app.goo.gl/pkGsSF1XHGdMcDMt9
Pagsusulat:https://images.app.goo.gl/3jNhh6yiyLRqA7VD6
Programming: https://images.app.goo.gl/fNS2iX17FLQbnLCf7

You might also like