You are on page 1of 15

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5
Home Economics
Ikalawang
Markahan
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagsusulsi ng Iba’t-Ibang Uri ng Punit!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Liezl C. Manuel
Editor: Dolores O. Antolin, Bernadette B. Enriquez, Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Dolores O. Antolin
Teknikal: Jeffrey D. Martinez
Tagaguhit: Edison P. Clet, Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul 3 Para sa Sariling Pagkatuto

Pagsusulsi ng Iba’t-Ibang Uri


ng Punit
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan Home Economics- 5 ng Modyul para sa araling Pagsusulsi
ng Iba’t-Ibang Uri ng Punit ng Damit !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Modyul ukol sa Pagsusulsi ng Iba’t-Ibang Uri ng Punit ng Damit!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga bata ay inaasahang naisasagawa


nang wasto at maingat ang pagsusulsi ng iba’t-ibang uri ng punit.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
.
Hanay A Hanay B

A. Tastas na Laylayan

_______1.

B. Tanggal na Butones

______ 2

C. Maluwag na Garter

_______3

D. Sirang Zipper

_______4
E. Butas na Kasuotan

_______5

F. Punit na Damit

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin at guhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong’

1. Ang tuwid, pahilis at may sulok ay 3 uri ng _____ (tastas, punit, tahi,)
2. Ang tahing pampatibay ay _____ (tutos, lilip, palipat-lipat)
3. Ang tahing _____ay pino, salit-salit at pantay-pantay ang liit. (tutos,
hilbana, lilip)
4. Ang pagtatapal ng kapirasong tela sa butas ng damit ay _____.
(pagsusulsi, pagtatagpi, paghihilbana)
5. Ang tahing ______ ay ginagamit sa mga kasuotang tastas. (tutos,
hilbana, lilip)
ARALIN

Pagsasaayos ng mga Sirang Damit

Mahalagang mapangalagaan ang ating mga kasuotan. Iwasang


masabit o masira ito. Kung sakaling may mga pagkakataon na di maiwasan
ang pagkasira, kailangang kumpunihin agad ito bago labhan.

Mga Paraan sa Pagkukumpuni ng Punit ng mga Damit

A. Pagsusulsi ng Punit

Uri ng Punit
1. Tuwid na Punit

a. Ang puwang na punit ay pagtatapatin


at tatahian ng pampatibay na tahi na
tinatawag na palipat-lipat.
b. Ilampas sa dulo ng tahi na palipat-
lipat at simulan ng tahing tutos. Ito
ay pinong tahi na salit-salit at
pantay-pantay, ngunit sa mga dulo
ng tahi ay hindi papantayin ang
hilera upang hindi pagsimulan ng sira

2. Pahilis na Punit

a. iakma ang mga gilid ng hilis na


punit at tahian ng pampatibay
na tahing palipat-lipat.
b. Ilampas ng bahagya ang tusok ng
karayom upang magsimula ng
tahing tutos sa pahilis na punit.
c. Iayon ang mga tahing tutos sa
hibla ng tela ng damit.
d. Tahiang muli ng pabalik.
3. May Sulok na Punit

a. Pagtapatin ang mga gilid ng


punit at ang sulok na bahagi.
b. Tahian ng pampatibay na tahing
palipat-lipat.
c. Gawing lapat at may sapat na
luwag o sikip ang tahi.
d. Ilampas ang tusok ng karayom
sa pagsisimula ng mga tahing
tutos..
e. Ang bahagi ng sulok ay dapat na magkapatong na mga
tutos mula sa pahalang at pahabang tahi.
f. Ang mga tutos ay dapat pasalit-salit at pantay-pantay ngunit
hindi tuwid ang mga dulo ng mga tutos upang hindi
pagsimulang muli ng punit.

B. Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pananahi


Gamit ang Kamay

1. Maghugas ng kamay bago manahi


2. Ihanda ang mga kagamitan sa pananahi
3. Manahi sa lugar na may sapat na liwanag
4. Ang haba ng sinulid ay dapat hanggang siko lamang
5. Ilagay ang didal sa kanang gitnang daliri. Gamitin itong pantulak
sa karayom upang di matusok ang daliri
6. Iwasan ang pag-ipit sa bibig ng karayom at aspili.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Lagyan ng / kung tama ang ipinahahayag ng bawat


pangungusap at X kung di tama ang ipinahahayag.

_____ 1. Ang tutos na tahi ay ginagamit sa pag-aayos ng punit ng mga


kasuotan.
_____ 2. Ang punit ng damit ay sanhi ng matagal na pagkakatago sa loob ng
kabinet.
_____ 3. Ang unang hakbang sa pagsusulsi ng tuwid na punit ay pagtatapatin
at tatahian ng pampatibay na tahi ang naputol na bahagi ng tela.
_____ 4. Ang pagsusulsi ng may sulok na punit ay salit-salit, pantay-pantay
at dapat di pantay-pantay ang mga dulo ng tutos.
_____ 5. Ang pagsusulsi sa pahilis na punit ay kailangang pasalungat sa punit
upang higit na maging matibay ito.

Pagsasanay 2

Panuto: Hanapin at bilugan ang tatlong uri ng punit at ang


iba’t-bang uri ng tahi na ginamit sa pagsusulsi.

1. Tuwid
2. Pahilis
3. May sulok
4. Palipat-lipat
5. Tutos
C Y A J B D S A Q M D G S
H W N H L I P N O W S Y L
T F L T L V M L G M U Z A
Y M R I T U A Q G P M U N
M X H E H A B F W B P E M
P A L I P A T L I P A T C
P U Y I P G A I T L U M U
U N I S T J P E A F N W U
R K C T U W I D M D U B F
U O W B U L S Q Y L S B N
O G V K H T O J U B K N B
N I Y H N E O K L W P K Z
Q K K C C A L S D E A G A

Pagsasanay 3

Panuto: Bawat bata ay magsasagawa ng pagsusulsi ng tuwid,


pahilis at may sulok na punit ayon sa wastong hakbang sa
pagkukumpuni.
Lagyan ng / kung lubusang naisagawa ang pamantayan
at X kung di-lubusang naisagawa.

Pamantayan Lubusan Di-


Lubusan
1. Paggamit ng angkop na kasangkapan at
kagamitan sa pagkukumpuni.
2. Pagsunod sa wastong hakbang sa pagsusulsi.
3. Pagbuhol ng sinulid sa kabaliktaran ng
bahagi ng damit.
4. Pagtahi ng salit-salitang upang maging
matibay ang tahi ng punit.
5. Sinimulan ang tahi sa karayagan ng damit
na may sukat ½ sentimetro ang layo mula sa
dulo ng punit.
PAGLALAHAT

1. Paano natin kukumpunihin ang iba’t-ibang uri ng sira ng ating mga


kasuotan tulad ng tuwid, pahilis at may sulok na punit ng
kasuotan?
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan
sa pagsusulsi ng sira ng mga kasuotan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Bilang isang mag-aaral na nasa ika-5 Baitang, bakit


mahalagang magkaroon ka ng kaalaman sa pananahi ng
mga payak na sira ng kasuotan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng marka ang gawa mo.

Pamantayan Puntos Puntos Puntos


ng ng
Bata Guro
1. Gumamit ng angkop na kasangkapan 5
at maayos ang paggamit nito
2. Maayos, di kulubot, di maluwang at 10
di-mahigpit ang pagkakatahi.
3. Pino ang pagkakatahi at walang 5
buhol-buhol o sabit.
4. Kakulay ng tela ang sinulid na 5
ginamit sa pananahi.
5. Nakasunod sa mga pangkalusugan at 5
pangkaligtasang gawi sa pananahi.
TOTAL 30
Pagpapakahulugan:

30-25 = Napakahusay

24-20 = Mahusay

19-15 = Mahusay-husay

14-10 = Kailangan pang magsanay


SUSI SA PAGWAWASTO

5. X
4. /
3. /
2. X
1. /
B. PAGSASANAY no. 1

5. Lilip 5. F
4.Pagtatagpi 4. D
3.Tutos 3. B
2.Palipat-lipat 2. A
1.Punit 1. E
BALIK-ARAL A. PAUNANG PAGSUBOK

A G A E D S L A C C K K Q
Z K P W L K O E N H Y I N
B N K B U J O T H K V G O
N B S L Y Q S L U B W O U
F B U D M D I W U T C K R
U W N F A E P J T S I N U
U M U L T I A G P I Y U P
C T A P I L T A P I L A P
M E P B W F B A H E H X M
N U M P G Q A U T I R M Y
A Z U M G L M V L T L F T
L Y S W O N P I L H N W H
S G D M Q A S D B J A Y C
PAGSASANAY 2

SANGGUNIAN
Gloria A. Peralta, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L. Quiambao, and
Jeffrey D. de Guzman.2016 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran. Quezon City, Philippines: Vibal Group INC.

Evelyn D. Deliarte, Ana B. Ventura, and Randy R. Emen.2015.Makabuluhang


Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan. Manila, PhilippinesAdriana
Publishing Co. INC.

Bitmoji Application

You might also like