You are on page 1of 4

LEARNER ACTIVITY SHEET / WORKSHEET

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Name of Learner Grade and Section
School Date

UNANG MARKAHAN
Gawaing Pagsasanay Blg. 1

ISIP at KILOS-LOOB

Mga Pagsasanay
Gawain 1
Panuto: Basahin at tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpakita ng
paggamit ng isip at kilos-loob. Lagyan ng tsek ang
kahon.

Nagpakita ng
Nagpakita ng
Sitwasyon Paggamit ng
Paggamit ng Isip
Kilos- loob
1. Hindi pagsunod sa
panuntunan
2. Nagbigay
2. ng paaralan
ng hindi
magandang komento sa
kamag-aral na nag-post
ng larawan sa Facebook
3. Nagluto ng meryenda
upang maipamahagi sa
mga baranggay frontliner
4. Masayang tinutulungan
ang mga magulang sa
gawaing-bahay
5. Nahilig sa paggawa ng
mga makabuluhang video
at ibinabahagi sa social
media
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang mag-aaral ano
ang iyong iisipin at gagawin sa mga nasabing sitwasyon. Isulat sa loob ng
“Thinking Cloud” ang iniisip mo at isulat naman sa “Speech Balloon” ang
gagawin mo sa mga sitwasyong nabanggitPagsusuri:

Sitwasyonn1

Dahil sa pandemya ng COVID 19 sa Pilipinas, ang mga mag-aaral


ay hinihikayat na manatili sa bahay. Sa pagbubukas ng klase ang
lahat ay susunod sa “online class” na tinatawag. Mas ninanais mo
ang pisikal na pumasok sa paaralan upang makaugnayan ang
iyong mga kaibigan at kaklase. Kahit ang iyong mga magulang
ay tutol sa online class na ito. Ano ang iisipin at gagawin mo sa
panahong ito?

Sitwasyon2

Sa New Normal, ang lahat ng miyembro ng pamilya ay nananatili


sa loob ng tahanan. Maraming mga pagkakataon na ikaw ay
palaging nauutusan ng iyong nanay na gumawa ng gawaing-
bahay. Kinaiinisan at madalas na nakikipagtalo ka pa sa iyong
mga magulang.
PAGSUSULIT

Tukuyin ang ipinahahayag ng sitwasyon. Isulat ang salitang ISIP


kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggamit ng
kaisipan. Isulat naman ang salitang KILOS-LOOB
kung ang pahayag ay kumakatawan sa paggamit ng
kilos- loob.

1. Nalalapit na ang pagsusulit sa EsP 10 kaya


nagdagdag ng oras si Matthew sa pag-aaral ng mga
natapos na aralin.
2. Pinagsabihan ni Katrina ang kaklase na pilit
umaagaw sa pagkain ni Maricar.
3. Kalat sa balita na maraming Pilipino ang
nahirapan sa panahon ng pandemya. Nagluto ng
kanin at ulam ang pamilya mo upang maibigay sa
mga kapus-palad sa inyong barangay.
4. Ginugol mo ang iyong oras sa
pagsisiyasat ng mga impormasyon patungkol sa
COVID-19.
5. Masusi mong sinubaybayan ang mga pangyayari
sa Pilipinas habang patuloy na tumataas ang bilang
ng mga naapektuhan ng COVID 19.
6. Pinili ni Albert ang manatili sa loob ng kaniyang
tahanan sa kabila ng pamimilit ng mga kabarkada na
tumambay.
7. Maraming naririnig na hindi magandang
kuwento si Allen patungkol sa kaniyang
kasintahan, sa kabila nito ay nagtitiwala pa rin
siya sa kasintahan.
8. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni
Mylene. Ngayon nasa ikasampung baitang na siya ay
inalam niya ang mga pangyayari mula sa kaniyang
mga magulang.
9. Pinahahalagahan ni Karina ang relasyon niya sa ibang tao
kaya’t iniingatan niya ang mga salitang binibitiwan.
10. Hinasa ni Michael ang kaniyang talento sa
pagguhit habang kailangang manatili sa loob ng
tahanan.

You might also like