You are on page 1of 16

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5
Ikalawang Home Economics
Markahan
EPP-HOME ECONOMICS - Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 16: Mga Paraan sa Paghahanda ng Pagkain !
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Dolores O. Antolin
Editors: Bernadette B. Enriquez , Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Bernadette B. Enriquez , Pepito B. Cagunot
Tagaguhit: Edison P. Clet, Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul 16 Para sa Sariling Pagkatuto

Mga Paraan sa Paghahanda ng


Pagkain
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan – Home Economics 5 ng Modyul para sa araling Mga Paraan
sa Paghahanda ng Pagkain !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Home


Economics 5 Modyul ukol sa Mga Paraan sa Paghahanda ng Pagkain !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay


inaasahang naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kilalanin ang mga larawan na nasa ibaba. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

1. 2. 3.

4. 5. 6.
BALIK-ARAL

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra nang tamang
sagot at isulat sa patlang.

_____1.Sa tuwing bibili ng karne ng baboy si Aling Maria tinitiyak niyang


sariwa ang kanyang bibilhin. Ano ang palatandaan ng sariwang karne
ng baboy?
A. Siksik ang laman at manila-nilaw ang taba sa balat.
B. Malinaw at naaninag ang pula kapag itinatapat sa araw.
C. Matatag ang laman di humihiwalay sa tinik at bumabalik sa
dating anyo.
D. Marosas-rosas ang kulay ng laman hindi mapulang mapula o
nangingitim at maputi ang balat.
_____2. Nais bumili ng sariwang itlog ni Shiela sa tindahan ni Mang Simon.
Paano niya malalaman na ang itlog ay sariwa pa?
A. Magaan para sa taglay na laki.
B. Malinaw at naaninag ang pula kapag itinatapat sa ilaw.
C. May tatak na nagpapatunay na nasuri ng pamahalaan,
D.Lumulutang sa tubig kapag inilalagay sa palanggana.
_____3. Mahalaga ang pag iingat sa pagbili ng isda sa pamilihan. Paano mo
malalaman na ang isda ay sariwa pa.?
A. Malinaw at nakaumbok ang mga mata.
B. Siksik ang laman at may mga pasa ang balat.
C. May tatak na nagpapatunay na nasuri ng pamahalaan.
D.Humihiwalay sa tinik ang laman at bumabalik sa dating anyo
kapag pinipisil.
_____4. Inutusan kang mamili ng prutas ng inyong nanay, Paano mo pipiliin
ang sariwang prutas upang matiyak na sariwa ito?
A. Matingkad ang kulay.
B. Maraming pasa o bahaging malambot.
C. Lanta at nangungulubot ang dulo ng dahon.
D. Di pantay ang pagkakahinog ng prutas.
_____5. Sa pagbili ng bigas may mga palatandaan na dapat sundin upang
mapakinabangan ito. Paano mo malalaman na ang binili mong bigas
ay malinis?
A. Durog ang mga butil nito.
B. May kanais- nais na amoy
C. May mga gumagapang na kulisap.
D. Tuyo, mabigat at malinis kung hawakan.

ARALIN

Iba’t Ibang Paraan sa Paghahanda ng Pagkain

Sa paghahanda ng pagkain sa kusina mahalagang matutuhan ang


wastong paraan ng paggawa upang maging mabilis ang paghahanda at huwag
mawala ang sustansiya ng pagkain.
May mga gawaing kamay na dapat malaman at pagsanayan ng isang
tumutulong sa kusina. Kabilang sa mga gawaing kamay na karaniwang
ginagawa sa pagkain ay ang mga sumusunod:

1. Pagtalop- Pag-aalis ng balat ng gulay o


prutas tulad ng patatas, sayote, patola
at iba pa. Ginagamit ang isang maliit na
kutsilyo o paring knife .

2. Pagbalat - Pag-aalis ng balat ng gulay at


prutas tulad ng saging, dalandan, nilagang
kamote at iba pa gamit ang mga daliri ng
kamay.

3. Paghiwa- Iba-iba ang paraan ng paghiwa


batay sa pagkaing hihiwain at ang lutong
gagawin. Maaring gawin itong
pakuwadrado tulad sa patatas, kerot at
kalabasa: manipis na pahaba o strips
tulad ng bitsuwelas, repolyo, at singkamas
at pahilis tulad ng pag-gigilit sa isda.
Gumagamit ng mahabang kutsilyo o
kitchen knife para rito.
4. Paghimay- Paghihiwalay upang maging
maliit o pino ang laman ng pagkain tulad
ng nilagang manok, tinapa, alimango,
hipon at iba pa gamit ang mga daliri.

5. Pagtadtad- Paghihiwa ng pagkain tulad


ngsibuyas, kintsay, kerot, at bawang
upang maging pino sa tulong ng matalas
na kutsilyo.

6. Pagdikdik- Pagdudurog ng mga pagkain


tulad ng paminta, mani, balat ng hipon,
at tinustang bigas upang maging pino.
Gumagamit ng almires para rito.

7. Pagbati- Paghalo nang mabilis sa itlog


hanggang ito ay bumula. Gumagamit ng
tinidor o pambating umiikot o rotary egg
beater.

8. Pagsala- Paghihiwalay ng likido, katas,o


sabaw sa pira-piraso o laman ng
pagkain sa pamamagitan ng salaan o
kolander.

9. Pagbabad- Paglubog ng pagkain tulad ng


isda,at karne sa tinimplang sarsa upang
mapasarap ang lasa.

10.Paggadgad- Pagkayod ng pagkain tulad


keso at papayang hilaw gamit
ang gadgaran upang ito ay maging pino.
11.Pagsukat- Paggamit ng mga kutsara at
tasang panukat upang matiyak ang dami ng
pagkain tulad ng asukal, arina, suka,at iba pa
ayon sa hinhingi ng resipi.

12.Pagtuhog- Pagtusok ng pagkain tulad ng


karne, mais, lamang loob , at iba pa sa patpat
na karaniwang gawa sa kawayan bago ito
ihawin.

Mga Paalaala sa Paghahanda ng Pagkain


Sa paghahanda ng pagkain mahalagang malinis at maayos ang taong
naghahanda nito upang maiwasan ang mikrobyo sa pagkain.
May mga tuntunin na dapat sundin sa paghahanda ng pagkain na
dapat isaisip ng taong gumagawa nito.
1. Magsuot ng apron upang mapangalagaan ang iyong damit.
2. Magsuot ng headband o takip sa ulo upang hindi mahulog ang buhok sa
inihahandang pagkain.
3. Hugasan ang kamay at alisin ang mga singsing, relo at iba pang alahas
bago hawakan ang pagkain.
4. Habang gumagawa, iwasang magsalita o makipagkuwentuhan upang hindi
matalsikan ng laway ang pagkain at upang maiwasan ang sakuna.
5. Alamin ang wastong paggamit ng mga kagamitang pangkusina.
6. Ingatan ang paghawak sa mga kagamitang may talim upang huwag
masaktan.
7. Sikaping panatilihin din ang kalinisan ng mesang gawaan. Maglagay ng
supot na paglalagyan ng pinagtalupan at iba pang kalat sa isang tabi
upang madaling tipunin at linisin ang mesang pinaggawaan.
8.Punasan kaagad ang anumang basa sa mesa at sahig na maaring sanhi ng
pagkadulas.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Ang mga nakatala sa ibaba ay mga pagkaing maaring ihanda sa iba’t
ibang paraan.

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na paraan sa paghahanda


ng mga pagkaing nakatala sa ibaba. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

Pagbalat Paghiwa Paggadgad Pagtuhog Pagsala

Pagsukat Pagbati Paghimay Pagdikdik Pagbabad

______________1.Itlog ____________6.Kalabasa
______________2.Mais ____________7.Katas ng niyog
______________3.Bawang ____________8.Papayang Hilaw
______________4. Tinapa ____________9.Nilagang kamote
______________5. Asukal ____________10. Tinimplang sarsa

Pagsasanay 2

Panuto: Anong paraan ng paghahanda ng pagkain ang tinutukoy. Isulat ang


sagot sa patlang.

____________1.Paghihiwalay ng laman at katas ng pagkain.


____________2. Paghiwa ng pagkain upang maging maliit at pinong-pino tulad
ng sibuyas sa pamamagitan ng malaking kutsilyo.
____________3.Paggamit ng kutsarang panukat o tasang sukatan upang
matiyak ang dami ng sangkap na kakailanagnin sa pagluluto.
____________4. Pagtusok ng pagkain sa kawayan o patpat bago ihawin.
____________5. Paglubog ng pagkain tulad ng karne sa tinimplang sarsa upang
mapasarap ang lasa.
____________6. Pag-alais ng balat ng gulay, prutas tulad ng nilagang itlog,
nilagang kamote at dalandan.
____________7. Paghihiwalay upang maging pino o maliliit ang laman ng
pagkain tulad ng nilagang manok, hipon at iba pa gamit ang
daliri.
____________8. Pagkuskos ng pagkain upang maging pino gamit ang
gadgaran.
____________9. Paghalo nang mabilis sa itlog gamit ang tinidor o rotary egg
beater.
___________10. Pag-alis ng balat ng pagkain tulad ng prutas at gulay gamit
ang kutsilyo o paring knife.

Pagsasanay 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Piliin at bilugan


ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.

1. Ang pagkaing ugat tulad ng kamote ay iniiskoba bago ito


( balatan, talupan).
2. Ang pipino ay ( hinihiwa, tinatadtad ) bago ito kainin.
3. Upang maging pino ang paminta kailangan ito ay (dikdikin, tadtarin).
4. Ang karne ng baboy ay (tinutuhog, ibinababad) bago ito ihawin.
5. Ang karne ng manok ay (tinatadtad, hinihimay) bago ito gamiting
pansahog sa pansit.
PAGLALAHAT

May natutuhan ka ba sa aralin natin ngayon? Ano ang


natutuhan mo? Sagutin mo ang mga tanong ayon sa iyong natutuhan

1. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman


at kasanayan sa iba’t ibang paraan ng
paghahanda ng pagkain bago ito lutuin?

2. Ibigay ang mga paraan sa paghahanda ng


pagkain.

Sagot:

1. __________________________________
__________________________________
__________________________________
2. __________________________________
__________________________________

PAGPAPAHALAGA

Nalaman mo na ang mga paraan sa paghahanda ng pagkain, nais


kong malaman kung paano mo ito pinahahalagahan?
Ang nanay ni Gina ay mahilig magluto
ng iba’t ibang pagkain kaya naisipan niyang
magtayo ng karinderya malapit sa paaralan.
Bago pumasok si Gina sa paaralan
tinutulungan niya ang kanyang nanay sa
paghahanda ng pagkaing lulutuin. Anong uri
ng bata si Gina? Ano- anong mabuting asal
ang ipinakikita ni Gina?

Sagot:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat


bilang. Piliin at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

______1. Nais magluto ng menudo ni Aling Susana. Isa sa mga sangkap sa


pagluluto ng menudo ay patatas. Inalisan niya ng balat ang patatas
gamit ang kutsilyo upang maluto ito. Anong paraan ng paghahanda
ng pagkain ang ginawa ni Aling Susana?
A. Pagbalat C. Pagtadtad
B. Paghiwa D. Pagtalop
_____2. Ang mga bata sa ikalimang baitang ay magluluto ng pansit dahil
kaarawan ng kanilang guro. Hiniwa nila ang kerot at repolyo ng
manipis at pahaba. Anong paraan ng paghahanda ng pagkain ang
ipinakita ng mga bata?
A.. Pagtadtad C. Pagdikdik
B. Paghihimay D. Paghiwa
_____3. Magluluto ng almusal si Malyn kailangan niyang batihin ang itlog
upang lutuin at gawing ulam. Anong paraan ng paghahanda ang
ginawa ni Malyn bago lutuin ang itlog?
A. Pagbalat C.. Pagbati
B. Paghimay D. Paghiwa
______4. Kinuha ni Mang Efren ang almires at dinurog niya ang paminta
upang maging pino. Anong paraan ng paghahanda ng pagkain ang
ginawa ni Mang Efren upang pinuhin ang paminta?
A.Pagtadtad C.. Pagkudkod
B. Paghiwa D.. Pagdikdik
_____5. Bumili ng karne ng baboy si Troy upang ihawin. Tinuhog niya sa stik
paisa- isa ang karne ng baboy. Anong paraan ng paghahanda ng
pagkain ang ipinakita ni Troy?
A.Pagtuhog C.. Pagsala.
B.Pagdikdik D. Pagsukat
SUSI SA PAGWAWASTO

5. A 4. D 3. C 2. D 1. D
D
5.
Panapos na Pagsusulit A
4.
A
3.
B
2.
10.Pagtalop 10.Pagbabad 1. D

9.Pagbati 9. Pagbalat Balik-aral


8.Paggadgad 8.Paggadgad
7.Paghimay 7.Pagsala
6.Pagbalat 6.Paghiwa 6.Egg beater
5.Hinihimay 5.Pagbabad 5.Pagsukat 5. Almires
4.Tinutuhog 4.Pagtuhog 4.Paghimay 4.Peeler
3.Dikdikin 3.Pagsukat 3.Pagdikdik 3.Kutsilyo
2.Hinihiwa 2.Pagtadtad 2. Pagtuhog 2. Salaan
1.Talupan 1.Pagsala 1. Pagbati 1.Gadgaran
Pagsasanay 3 Pagsasanay 2 Pagsasanay – 1 Paunang Pagsubok

SANGGUNIAN
Department of Education K-12 Curriculum Most Essential Competencies

Lydia C. Abeja , Joven Anselmo B. Tayo’y Gumawa Tungo Sa Kaunlaran 5 St.


Augustine Publication, Inc. Sampaloc Manila 1993
Cleofe, Ventura Del Castillo, Ana B., Deliarte, Evelyn D. et.al Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan Batayan/Sanayang Aklat sa
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Adriana Publishing Co.
Inc. 2003
Caridad A. Miranda Umunlad sa Paggawa Batayang Aklat sa Edukasyong
Pantahanan atPangkabuhayan sa Ikalimang Baitang
Gloria A. Peralta, Ruth, Ipolan, Catalina R.et.al Kaalaman at Kasanayan
Tungo sa Kaunlaran. Vibal Group, Inc. 2016
Bitmoji application

You might also like