You are on page 1of 5

EPP Home Economics 5

Pangalan : _____________________ Baitang at Pangkat: __________ Iskor: _____


School: __________________________________ Guro: __________________________

Ikalawang Markahan
Pagsasanay Bilang 17

Mga Tuntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa


Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain

Pagsasanay 1

Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag ng


pangungusap at Mali kung hindi wasto.

_______1. Iwanan ang ginamit na kaserola sa lababo pagkatapos gamitin.


_______2. Maglaan ng hiwalay na basurahan para basa at tuyong basura
upang hindi magkalat sa lugar na paglulutuan.
_______3. Gamitin nang buong ingat ang matatalas at matutulis na kutsilyo.
_______4. Magsuot ng apron upang maiwasang madumihan ang damit at
maglagay ng hairnet o bandana sa ulo.
_______5. Pakuluan ang mga sangkap upang maging malinis at mapanatili
ang sustansiyang taglay nito.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Pagsasanay 2

Panuto: Basahin at unawain ang dalawang pangugusap sa bawat


bilang.Piliin sa ibaba ang titik ng tamang sagot.

A. Ang dalawang pangungusap ay tama


B. Ang dalawang pangungusap ay mali
C. Ang unang pangungusap ay tama,ang ikalawa ay mali
D. Ang unang pangungusap ay mali,ang ikalawa ay tama

_______1. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at takpan ito.


Maghugas ng kamay bago hawakan ang pagkain.
_______2. Ibabad ang mga sangkap sa tubig upang maging malutong.
Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
_______3. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalim na
kagamitan
Ang pagsuot ng apron ay sagabal sa pagluluto.
_______4. Gumamit ng papel sa paghawak ng mainit na kaldero o kawali.
Ihanda ang mga sangkap bago mag-umpisa ng pagluluto.
_______5. Hindi kailangang hugasan ang mga sangkap upang mapanatili ang
sustansiya nito.
Makipagkwentuhan habang naghihiwa ng mga sangkap.

Pagsasanay 3

Panuto: Isulat ang M kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


tuntuning pagkalusugan at L kung tuntuning pangkaligtasan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain.

_______1. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang


pag-apaw,pagkatuyo,o pagkasunog nito.
_______2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay
ng hairnet o bandana sa ulo.
______ 3. Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
_______ 4. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na kutsilyo.
_______ 5. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basura
upang hindi magkalat sa lugar na paglulutuan.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Panapos na Pagsusulit

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Gumuhit ng masayang mukha


kung ang tauhan ay nagpapakita ng tuntunin pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto ng
pagkain at malungkot na mukha kung hindi.

_______1. Naglalaro ng Mobile Legend si Linda habang nagluluto ng kanin.


_______2. Inihanda ni Mario lahat ng sangkap at kagamitan bago nag -
umpisa sa pagluluto.
_______3. Gumamit si Ate ng potholder upang hawakan ang takip ng kaldero.
_______4. Ngkukuwentuhan si Annie at Amy habang naghihiwa ng mga
sangkap ng lulutuing ulam.
_______5. Naglaan si Tatay ng basurahan para sa nabubulok at hindi
nabubulok na basura.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
4 SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1.Mali 1.A 1.L
2.Tama 2.D 2.M
3.Tama 3.C 3.L
4.Tama 4.D 4.L
5.Mali 5.B 5.M
Panapos na Pagsusulit
1.
2.
3.
4.
5.
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 5
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like