You are on page 1of 3

ESP 7 – Summative Test

Week 1-4

Pangalan:_______________________________ Petsa:_______________
Taon at Pangkat:_______________________ Guro:________________

I. Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong o pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_________1. Alin sa mga sumusunod ang tunguhin ng isip ng tao?

a. mangatwiran b. katotohanan c. paggawa d. magsuri


_________2. Alin ang gamit ng kilos-loob?
a. pag-unawa b. paggawa c. magsuri d. kabutihan
_________3. Alin sa sumusunid ang gamit ng isip?
a. panagutang-kios b. mangatwiran/magsuri c. katotohanan d. pag-unawa/pagpapasya
_________4. Ito ay may kakayahan upang makapagbuo ng pasya.
a. kilos-loob b. isip c. Tunguhan d. puso
_________5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng kilos-loob?
a. mapanagutang-loob b. mangatwiran c. kabutihan d. paggawa

II. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.


________________ 1. Ang __________ ay pagtungo sa layunin na mapabuti hindi lamang ang sarili kundi pati ang ibang tao.
________________ 2. Ayon kay __________, ang kilos-loob ay ang makatwirang pagkagusto
________________ 3. Ito ang tunguhin ng isip.
________________ 4. Ito ay isang imahe ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na may kakayahan upang makapagbuo ng
pagpapasya.
________________5. Ito ang tunguhin ng kilos-loob.

III. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat angletra ng tamang sagot sa patlang.

_________1. Kaarawan ng iyong matalik na kaibigan at nais mong pumunta sa kanyang party dahil naroon din ang iba mo
pang kaibigan. Nagpaalam ka sa iyong ina ngunit hindi ka pinayagan. Ano ang gagawin mo?
a. Pupunta ka pa rin kahit hindi ka pinayagan ng iyong ina
b. Magtatampo at magagalit ka sa iyong ina
c. Susundin ang sinabi ng ina dahil alam mong ito rin ay makabubuti sa iyo.
d. Magsisinungaling ka na sa susunod na ikaw ay magpaalam
_________2. Nalaman mong bawal lumabas ang nga kabataan na katulad mo ngayong Pandemya ngunit inaya ka ng iyong
kaibigan na maglakad-lakad sa labas. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama ka sa iyong kaibigan upang mamasyal
b. Susunod sa batas na “bawal lumabas at manatili sa inyong tahanan”
c. Mag-aaya pa ng iba pang kaibigan na sumama sa inyo
d. Wala sa nabanggit
_________3. Nabasa mo sa inyong group chat na ang isa sa iyong kaklaseng may kapansanan ay pinagtutulungan awayin ng iba
mong mga kaklase. Ano ang pinakanararapat mong gawin?
A. Mananahimik at magpapanggap na walang alam
B. Hahayaan na lamang dahil hindi naman ako ang kanilang inaaway
C. Isasangguni sa inyong guro para mabigyan ng nararapat na aksyon
D. Makikisali rin sa kanilang away para di masabing di marunong makisama
_________4. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob MALIBAN sa:
A. Ipinagtanggol ni Ronnie ang kanyang kaklase na may kapansanan
B. Inako ni Casey ang kasalanan ni Marga upang hindi na sila mag-away
C. Ibinalik ni Prince ang napulot niyang pitaka na may lamang pera sa may-ari nito.
D. Sinabi ni Britney sa kanyang guro ang nasaksihan niyang pambubulas ng kanyang kaklase
_________5. Ano ang maaaring mangyari kung mabigo ang tao na sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob?
A. Mararanasan niya ang hirap ng kalooban.
B. Mahihirapan siyang magkaroon ng kaibigan.
C. Mabibigo siyang maranasan ang ganap na kalayaan.
D. Masisira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkakaloob ito sa tao.
I Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggamit Likas na Batas Moral sa pagpapasya. Lagyan ng (✓) kung Oo at (X) naman kung
Hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______1. Pinigilan ni Roy ang sarili na kunin ang pagkain sa mesa kahit gutom na gutom na siya. Alam niyang pagmamay-ari ito ng iba kaya tiniis na lamang
niya ang kagustuhang makakain.

_______2. Naisip ni Angie na maaaring masaktan niya ang mga magulang kung sasagot siya. Punong-puno na siya kaya ibinuhos niya ang galit at
pinagsalitaan ang mga ito.

_______3. Dahil sa panganib na dala ng COVID-19, minabuti ni Alex na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa social distancing.

_______4. Mas pinili ni Jerome na ipamahagi ang ayudang natanggap kahit na nga hindi ito sapat para sa kaniya.

_______5. Nag-aral na lamang si Echo sa halip na lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga barkada.

II Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang Mabuti kung ito ay nagpapakita ng pagpili sa tama at isulat naman ang
salitang Masama kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

__________1. Binigyan mo at ng Nanay Lorena mo ng bigas ang kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa Enhanced Community
Quarantine.

__________2. Nilagpasan ni Lino ang maruming matanda na humihingi sa kaniya ng tulong.

__________3. Ibinalik ni Oscar ang pitaka at cellphone na naiwan ng kaniyang pasahero.

__________4. Dinadaya ni Mang Tony ang timbangan na ginagamit niya sa pagtitinda ng isda sa palengke.

__________5. Binabawasan ni Gary ang mga de-lata na ipamimigay sa kanilang kabaranggay.


 

III. Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang patlang sa unahan ng numero.

________1. Saan nakaangkla ang konsiyensiya ng tao?


A. isip C. katawan
B. kamay D. puso

________2. Sinisikap ni Jenny na maitaguyod mag-isa ang pag-aaral ng kaniyang anak dahil maaga siyang nawalan ng asawa.
Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral nakaayon ang kilos ni Jenny?
A. Gagawin ang mabuti at iiwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay.

________3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Likas na Batas Moral?
A. obhektibo C. pangkalahatan
B. walang hanggan D. subhektibo

________4. Kapag may nararamdamang hindi maganda sa katawan, agad na kumukonsulta sa doktor si Leo. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral
nakaayon ang kilos niya?
A. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay.
B. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
C. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
D. Gagawin ang mabuti at iiwasan ang masama.

________5. Ang Likas na Batas Moral ay kasama sa mga aralin sa paaralan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang pangungusap na ito ay:
A. Mali, sapagkat ito ay nakaukit sa puso ng tao.
B. Mali, sapagkat ito ay nasa paggamit ng tao.
C. Tama, sapagkat kasama ito sa pag-aralan.
D. Tama, sapagkat layon nito na mapabuti ang tao.

Good Luck and God Bless!

You might also like