You are on page 1of 5

King of Zion School

SY: 2022-2023
ESP X
Quiz 3.1
Name:
Score:

Section:

I. TAMA o MALI. Basahin ng mabuti ang bawat bilang. Ilagay ang T kung tama at M kung mali
naman. Isulat ang inyong sagot sa patlang.

________1. Ang Act of Man ay isang kilos na naayon sa kalikasan ng tao. Walang aspeto sa
pagiging mabuti at masama.

________2. Ang Human Act ay kilos na isinasagawa ng tao na maykaalaman, malaya at kusa.

________3. Ang isang kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay
may may masamang mangyayari.

________4. Ang kilos ay nagiging makatao lamang kung ang paggawa ng mabuti ng isang tao
ay may katumbas na benepisyo mula sa ibang tao.

________5. Ang pagdadala ng kagamitang panlinis dahil sa payo ng guro ay halimbawa ng


kilos na di-kusang loob.

II.Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng

pinaka angkop na sagot. (1 point)

1. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang

A. kawangis ng Diyos

B. kamukha ng Diyos

C. kamanlilikha ng Diyos

D. katuwang ng Diyos

2. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang

katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay:

A. higit na mabuti ang magpakatotoo ka.

B. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para

sa kanya.

C. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto.
D. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba.

3. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang

a. A. kasipagan.

B. katalinuhan.

C. kabutihan.

D. kagandahan.

4. Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia?

“Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay

ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”

A. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.

B. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo

sa Kanya.

C. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.

D. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.

5. Ano ang kahulugan ng pahayag? Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang

paraan ng pasasalamat sa Kanya.

A. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.

B. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.

C. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay.

D. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-

unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.

6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kilos ng tao (Acts of Man)?

A. Pagbibigay ng tulong sa mga ngangailangan


B. Pagbibigay limos sa mga batang kalye
C. Pagkaramdam ng gutom
D. Pagbalik ng nahulog sa mga wallet ng isang ale

7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makataong kilos (Human Act)?

A. Pagtibok ng puso
B. Pagkurap ng mga mata
C. Pagkaramdam ng sakit kapag nasusugatan
D. Pagtulong sa batang nawawala sa pamilihan

8. Bilang natatanging nilikha, mayroon tayong isip at kilos-loob na susi upang maging
mapanagutan tayo sa ating mga kilos.

A. Tama
B. Mali

9. Anumang kilos na ating isasagawa ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsusuri.

A. Tama
B. Mali

10. May pagkukusa ang isang makataong kilos kung ito ay...

A. Pinag-isipang mabuti ngunit hindi malayang isinagawa


B. Malayang isinagawa pero hindi napag-isipan ng mabuti
C. Pinag-isipang mabuti at malayang isinagawa
D. Pinag-isipang mabuti at hindi isinagawa

11. Ang lahat ng pagkilos na isinasagawa ng tao ay pinag-iisipang mabuti at hindi tayo
umaayon sa bugso ng damdamin.

A. Tama
B. Mali

12. Ang makataong kilos ay ang kusang paggawa ng bagay na alam mong tama.

A. Tama
B. Mali

13. Tukuyin kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang halimbawa sa ibaba.

Si Roel ay nag-aaral ng mabuti at may kusa sa paggawa ng kanyang mga asignatura sapagkat
alam niya na makatutulong ang pag-aaral upang mabigyan niya ng magandang buhay ang
kanyang mga magulang.

A. Walang kusang loob


B. Kusang loob
C. Di-kusang loob

14. Tukuyin kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang halimbawa sa ibaba.

Napilitan si Shiela na pakopyahin ng sagot ang kanyang kaibigan na si Ana dahil natatakot siya
na baka hindi na siya ituring na kaibigan nito.

A. Di-kusang loob
B. Kusang loob
C. Walang kusang loob

15. Tukuyin kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang halimbawa sa ibaba.

Nagulat si Ben sapagkat bigla siyang sinampal ng isang babae ngunit hindi niya alam ang
dahilan nito. Ayon sa babae, kanina pa niya nakikita si Ben na kinikindatan siya ngunit ayon
naman kay Ben, ang pagkurap-kurap ng kanyang mga mata ay matagal na niyang sakit at hindi
niya napipigilan ito.

A. Kusang loob
B. Di-kusang loob
C. Walang kusang loob

II. Subukin mong sukatin ang iyong kaalaman.Isulat ang TAMA kung wasto

ang pahayag at MALI kung hindi (1 point)

_______1. Walang dapat asahan ang tao kung hindi ang kanyang sarili upang

umunlad sa buhay.

_______2. Ang guhit ng tadhana ang dapat maging pamantayan ng tao sa pagharap

sa buhay.

_______3. Pananalig sa Diyos ang kalasag ng tao sa mga hamon ng pang-araw-

araw ng pamumuhay.

_______4. Katangi-tanging pagpapahalaga ng mga Pilipino ang pananalig sa Diyos.

_______5. Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong

kumilos at magtrabaho pa.

_______6. Nakikipag-usap ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa mga

nangangailangan.

_______7. Ang pagbabasa ng Banal na Aklat o Koran ng relihiyong

kinabibilangan ay nagsisilbing gabay sa buhay.

_______8. Puno ng pag-asa ang mga taong may mahinang pananampalataya.


_______9. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at

Nahahawakan.

_______10. Walang pinipiling kalagayan sa buhay ang pagkakaroon ng matatag ng

buhay ispiritwal.

III.

A. Isa-isahin ang hinihinging sagot. (2 points each)

A. Dawalang uring kilos ng tao


1. ______________________________
2. ______________________________
B. Uri ng kilos ayon sa kapanagutan
1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________

B.Ibigay ang iyong sariling pang-unawa base sa mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalaga na magkaroon ng sariling pananampalataya ang isang tao? (5

points)

2. Paano mo pinapakita ang iyong sariling paniniwala sa Diyos? (5 points)

You might also like