You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 10, YUNIT 9


Suliraning Teritoryal at
Hangganan
Name: _______________________________
Date:_____________________

Aralin 1
Mga Dahilan ng Suliraning Teritoryal at Hangganan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang mga dahilan
ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) ng ilang bansa.

Ang suliraning teritoryal at hangganan ay tumutukoy sa sigalot o hindi


pagkakasundo sa pag-aari o sa pagkontrol ng teritoryo at hangganan (lupa man o tubig) sa
pagitan ng dalawa o higit pang bansa o estado.
Halimbawa:
• Inaangkin ng Tsina ang Tibet at Taiwan.
• Pinag-aagawan ng India at Pakistan ang Kashmir.
• May sigalot ang Pilipinas at Tsina sa South China Sea/West Philippine Sea.
• Kapwa ipinaglalaban ng Israel at Palestina ang kanilang mga lupain.
• Dahil sa Rehiyong Abyei, may away sa pagitan ng Sudan at Timog Sudan.
• May tensyon pa rin sa pagitan ng Rusya at Ukranya ukol sa Crimea.
Nagpatayo ng malaking pader ang mga Israeli sa pagitan
o
hangganan ng Israel at Palestina.
(kuha ni Justin McIntosh [CC BY 2.0])

Nagpatayo ng malaking pader ang mga Israeli sa pagitan


o
hangganan ng Israel at Palestina.
(kuha ni Justin McIntosh [CC BY 2.0])
Mga Dahilan ng Suliraning Teritoryal at Hangganan
Narito ang ilan sa mga dahilan:
 Pagkakaiba ng mga kultura (lalo na sa relihiyon), pangkat-etniko, at
sistemang pulitikal
Halimbawa: India at Pakistan
 Kakulangan ng malinaw na batayan o dokumento sa mga
hangganan Halimbawa: China at Pilipinas; Malaysia at
Pilipinas
 Pagtatanggol sa kanilang matagal nang
inaangking lupain Halimbawa: Palestina at Israel
 Paghahangad ng mga likas na yaman, masaganang tubig para sa mga lupain,
estratehikong lugar para sa kani-kanilang pakinabang
Halimbawa: China at Japan; China at Pilipinas
 Pagiging mapagsamantala at ganid ng ilang makapangyarihang bansa na
walang paggalang sa pandaigdigang batas
 Mabagal na pag-aksyon at tila walang ngiping pandaigdigang batas para
sa mga bansang umaangkin sa teritoryo ng iba
 Kani-kaniya at hindi malinaw sa lahat ang wikang ginamit sa mga
dokumento o kasunduan ukol sa tunay na hangganan at teritoryo
Ang Suliraning Teritoryal ng Pilipinas at Malaysia

 ang alitan ng Pilipinas at Malaysia sa hurisdiksiyon


sa Sabah simula pa noong panahon ng liderato ni
Diosdado Macapagal.
 Tumutol ang Pilipinas sa pag-aangkin ng Malaysia sa
Sabah. Ang alitang ito ay pinaigting sa panahon ni
Ferdinand Marcos, kung saan nagsanay ng Moro
fighters ang pamahalaan upang labanan at maangkin
ang Sabah.
 Ngunit sa dahilang tutol ang mga mandirigmang ito na
labanan ang kanilang kapwa Muslim, hindi
nagtagumpay ang plano ng muling pag-angkin sa
Sabah.
 Sa kasalukuyan, tila malabo nang maangkin ng
Pilipinas ang Sabah. Kahit ang mga residente ng
Ang bahagi ng Sabah na inaangkin
rehiyong ito ay nagpapakita ng pagsuporta sa ng Malaysia at Pilipinas
Malaysia.

Ang Suliraning Teritoryal at Hangganan ng Pilipinas at China


 Inaangkin ng Tsina ang halos buong South China Sea kasama na ang 200
nautical miles Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas.
 Bagaman ito (EEZ) ay hindi sakop ng teritoryo ng Pilipinas (na hanggang 12
nautical miles lamang), mayroon naman tayong karapatang pansoberanya at
limitadong hurisdiksiyon dito
 Kabilang sa mga pinag-aagawan dito ay ang Spratly Islands na siyang
kinabibilangan ng mga lugar na mapangingisdaan, mapagkukunan ng krudong
langis, likas na gas sa ilalim ng tubig, at ang estratehikong kapangyarihan sa
mga isla.
 Upang mapalakas ang pagtatanggol dito, tinatawag itong West Philippine Sea
(subalit hindi ito kinikilala ng Tsina, maging ng United Nations).
 Noong July 12, 2016, ayon sa desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal
(UNAT), napatunayang lumabag ang Tsina sa ginawang paggambala sa mga
Pilipinong mangingisda.
 Subalit, hindi ito nangangahulugang pag-aari na o may soberanya na ang
Pilipinas sa tinatawag nating West Philippines Sea, o sa Spratly, o sa
Scarborough Shoal. Hindi naman nagpapakita ng pagkabahala ang Tsina sa
naging desisyon ng UNAT, bagkus, nagpapatuloy ito sa paggalugad sa South
China Sea.

Pag-isipan Natin

Paano maipagtatanggol ng isang mahinang bansa kagaya ng Pilipinas ang kaniyang


mga mamamayan at teritoryo laban sa makapangyarihang kalaban? Sapat na ba ang
pakikipagdiyalogo? (at least 10 sentences) 10 points.

You might also like