You are on page 1of 43

ACTIVITY

 Tukuyin ang mga anyong tubig at mga


bansang malapit sa HILAGA, TIMOG,
KANLURAN, at SILANGAN ng Pilipinas.
 Ipaskil ang mga sagot sa pisara pagkatapos
ng Limang minuto.
ARALIN 1

Ang Kinalalagyan at Teritoryo ng


Pilipinas

Unang Markahan sa Araling Panlipunan 6


Ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa o binubuo ng mga
kapuluan
Katanungan
Anoang pinagkaiba ng
Globo at Mapa?
Ipinapakita sa Mapa at Globo ang mga sumusnod:
 Lawak ng isang lugar
 Direksyon mula sa guhit na itinakda sa iba’t-ibang
lugar.
 Eskalang ginamit sa pagtukoy sa sukat at layo.
 Hugis o anyo ng mga kalupaan at katubigan sa
mundo.
 Ang mapa at globo ay may pahalang at
patayong guhit.
 Likhang-isip ang mga ito ngunit may mga kahulugan
ang mga linya, simbolo, o pananda sa pagtukoy na
tiyak na kinalalagyan ng bawat lugar.
 Nakatutulong ito sa paghahambing sa iba pang
lugar ayon sa laki, hugis, at sukat.
PAHALANG NA GUHIT
PATAYONG GUHIT
Hilagang Hatingglobo
(Northern Hemisphere)

Ekwador

Timog Hatingglobo
(Southern Hemisphere)
MGA ESPESYAL NA
GUHIT LATITUD
Polong Hilaga

Kanluran Silangan

Polong Timog
Grid
Ang Kinalalagyan at
Sukat ng
Pilipinas
Lokasyon ng Pilipinas

Sa pagitan ng 4 23
o ’
at 21 25
o ’

Hilagang Latitud at sa pagitan ng


116 at 127 Silangang Longhitud.
o o
Sukat ng Pilipinas

Tinatayang 300, 780 kilometro


kwadrado (sq. km.) ang laki o
sukat ng Pilipinas na kasinlaki ng
mga bansang Espanya, Italya at Gran
Britanya pero mas maliit na bahagya
kaysa sa bansang Hapon.
Daanan ng bagyo at lugar na
madalas lumindol ang Pilipinas dahil
malapit/ napabilang sa mga bansa sa
may Karagatang Pasipiko na
Typhoon at Earthquake Belt.
Ano ang pinagkaiba ng Lokasyong Insular at
Lokasyong Peninsular?

Lokasyong Peninsular – Hindi


kapuluang bansa na napaliligiran ng
anyong tubig
Lokasyong Insular –Kapuluang bansa na
napaliligiran ng anyong tubig
Lokasyong Insular ng Pilipinas

Matatagpuan ang ating bansa sa


Hilagang Hatingglobo.
Nasa pagitan ito ng Tropiko ng
Kanser at ng Ekwador.
Relatibong Lokasyon/ Lokasyong Bisinal
ng Pilipinas
 Hilaga: Taiwan, Japan, at Tsina
 Silangan: Micronesia, Marianas, at
Guam
 Timog-Silangan: Borneo, Brunei, at
Indonesia
 Kanluran: Vietnam, Laos, Cambodia, at
Thailand
5 Kahalagahan ng Lokasyon ng
Pilipinas

(Tignan sa pahina 7)
Ang Teritoryo ng Pilipinas

Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas


Artikulo 1 (Saligang Batas 1987)
“ Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas
kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob
dito, at lahat ng iba pang teritoryo na nasa ganap na
kapangyarihan o hurisdikasyon na binubuo ng kalupaan,
katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat
teritoryal, ang ilalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga
kapatagang insular, at iba pang mga pook submarina nito. Ang
mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan, maging anuman ang lawak at mga
dimensyon ay bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.”
Iba pang Bahagi ng Teritoryo ng Pilipinas
1. Dagat Teritoryal – Bahagi ito ng dagat na umaabot
hanggang sa 12 milya kilometro ang layo mula sa
inakamababaw na bahagi ng baybaying dagat.
2. Ilalim na dagat – ito ang lupain sa ilalim ng dagat kabilang
na ang mga mineral at likas na yaman dito.
3. Kailaliman ng Lupa – kabilang dito ang lahat ng bagay sa
ilalim ng lupa kasama na ang mga mineral at likas na yaman.
4. Mga kalagatang insular – ang mga ito ang nakalubog na
bahagi ng kontinente o pulo na umaabot hanggang sa
malalim na bahagi ng karagatan.
Iba pang Bahagi ng Teritoryo ng Pilipinas
5. Iba pang pook submarino – ang mga ito ay mga
bahaging nasa dagat- teritoryal tula ng trintsera, kalaliman,
apalaya, buhanginan, at batuhan.
6. Panloob na Karagatan– ito ang mga bahagi ng dagat na
nasa loob ng pagitan ng teritoryo ng lupain. Kabilang dito
ang mga ilog, kanal o lawa na nasa lupain ng estado.
7. Ang himpapawirin – ito ang nasa itaas ng mga teritoryal
na lupain at dagat.
Mga Kasunduan/ Batas
patungkol sa Teritoryo ng
Pilipinas
Kasunduan sa Paris
 Ito ang unang dokumento na nagtakda at
naglarawan ng hangganan at lawak ng
teritoryo ng Pilipinas.
 Ang pamamahala sa teritoryo ng Pilipinas ay
inilipat ng Espanya sa Estados Unidos.
 Nilagdaan ito noong Disyembre 10, 1898.
Kasunduan ng Espanya at Estados
Unidos
 Ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, Sibutu, at
ibang maliliit na pulo na kabilang sa
Kapuluan ng Sulu na nakaligtaan sa
Kasunduan sa Paris ay isinama sa teritoryo
ng Pilipinas.
 Ang kasunduan ay nilagdaan sa Washington
noong 1900.
Kasunduan ng Estados Unidos at
Britanya
 Kinilala sa kasunduan na bahagi ng kapuluan
ng Pilipinas ang Turtle Islands at Mangsee
Islands na nasa pagitan ng Borneo at Sulu.
 Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930.
Ang Konstitusyon ng 1935
 Naging bahagi ng Pilipinas ang mga pulo ng
Batanes dahil sa paninirahan at pagmamay-
ari ng mga mamamayang Pilipino sa mga
pulong ito.
Ang Konstitusyon ng 1973 at 1987
 Nakalahad dito na ang pambansang
teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng
kapuluan ng Pilipinas kasama ang lahat ng
mga pulo at tubig na saklaw nito, ang mga
tubig na nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay
sa mga pulo ng kauluan maging anuman ang
lapad at laki ang mga ito.
Ayon sa United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS)
Napagasunduan sa pagpulong ng mga
Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa
(United Nations) sa UNCLOS na pinirmahan
ng 130 bansa sa Jamaica noong Disyembre
10, 1982 ang mga sumusunod:
Ayon sa United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS)
1. Pagkilala sa Doktrinang Pangkapuluan o
Archipelagic Doctrine.
2. Ang teritoryo ng tubig ay hanggang 23 milya
sa palibot ng kapuluan.
3. Ang Ekslusibong Sonang Pang-
Ekonomiya o Exclusive Economic Zone
(EEZ) ay may 200 milyang lawak ng
karagatan sa palibot ng kapuluan.
Ang Doktrinang Pangkapuluan o
Archipelagic Doctrine
◦ Ito ang karapatang ng isang bansang
archipelagic (kapuluan) ay nakapaloob sa mga
batayang guhit na nagdurugtong sa mga
pinakalabas o pinakadulong bahagi ng mga pulo
na sakop ng kapuluang iyon.
◦ Lahat ng bahaging tubig sa loob ng batayang
guhit ay nasasakupan at nasa kapangyarihang
ng pamahalaan ng bansa o kapuluang iyon.
Ang Doktrinang Pangkapuluan o
Archipelagic Doctrine
◦ Ang kasunduang ito ay isinagawang mga
mambabatas na Pilipino na pinangunahan ni
dating Senador Arturo M. Tolentino noong
1956.
Exclusive Economic Zone (EEZ)
◦ Ang teritoryo ng tubig ng Pilipinas ay may
lawak na 12 milya sa palibot ng bansa. Ang
Ekslusibong Sonang Pang-Ekonomiya ay
nagbigay ng 200 milyang lawak ng karagatan sa
palibot ng kapuluan.
◦ Sa loob ng sonang ito, ang bansa ay may
karapatang magsaliksik, magpaunlad, mangalaga,
at makinabang sa likas na yamang narito.
Sukat ng Pilipinas
1. Lawak ng Lupain: 300, 780 sq. km.
2. Lawak ng lupa at lawak ng sumasakop sa
milyang teritoryal na karagatan: 538, 652 sq.
km.
3. Lawak ng lupain, 12 milyang teritoryal ng
karagatan at isla ng kalayaan: 688, 294 sq. km.
4. Kabuuang lawak ng lupa at EEZ: 1, 208, 986 sq.
km.

You might also like