You are on page 1of 13

Maganda

ng
Hapon 
Aralin Panlipunan
Tagumpay ng Lahi

Teacher Joan
Aralin 2
Ang Teritoryo ng
Ating Bansa
Sagutin:

Bilang mag-aaral, ano ang maaalala mong maitutulong sa iyo ng


mga kaalaman tungkol sa lokasyon ng Pilipinas?
-ito ay binubuo ng 7,107 na mga
pulo. PILIPINAS

LUZON MINDANAO
-ito ang -ito ang
pinamalaking pumapangalawa sa laki
pulo. ng mga pulo.
VISAYAS

Y’AMI sa Batanes -ito ang pinakadulong pulo sa hilaga ng Pilipinas.


PULO NG SALUAG sa Tawi-tawi -ito ang pinakatimog.
LAWAK, SAKOP AT HANGGANAN NG PILIPINAS
Ano ang mga Pagbabago sa Teritoryo o nasasakupan ng Pilipinas at Ano
ang mga political at legal na batayan ng Teritoryo ng Pilipinas at ang mga
Kasulatan sa pagbabago nito?

1. KONSTITUSYON ng 1987
-ito ang nagbibigay linaw sa kabuoang teritoryo ng bansang Pilipinas.

-kasama rito ang mga katubigan at


himpapawid, mga lupain at ang
mga karagatan na nakapaloob sa
legal nitong teritoryo.

*Ang lawak at hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay bumubuo sa KAPULUAN NG PILIPINAS.


2. KASUNDUAN NG ESTADOS UNIDOS AT ESPANYA
-noong DISYEMBRE 10,1898
-sa kasunduang ito, isinama sa teritoryo ng Pilipinas ang ilang bahagi ng pulo ng Sulu,
Cagayan at Sibatu.

3. KASUNDUAN NG UNITED STATES AT GREAT BRITAIN


-sa kasunduang ito ipinahayag dito ang mga hanggangang sakop ng Pilipinas kaugnay ng
hilagang Borneo, kung saan nadagdag sa teritoryo ang pulo ng Maysee at Turtle Islands.

4. DOKTRINANG ARKIPELAGO o UNCLOS


UNCLOS – United Nations Convention on the Law of the Sea
-kinilala at inilapat ang batas na ito sa Pilipinas pagdating ng taong 1956.
-ito ay nagsasaad na ang lahat ng mga pulo at mga katawang tubig sa mga bansang kagaya ng
Pilipinas ay itinuturing na iisang heograpiya, ekonomik at political na yunit.
-ito ay pinirmahan ng 117 mga bansa noong DISYEMBRE 10,1982 at ito ay naging UNCLOS.
*Dahil dito, ang iba’t ibang bansang may maraming kapuluan, kagaya ng Indonesia, Sri Lanka
at iba pa ay nabigyan din ng karapatang gamitin ang Doktrinang Arkipelago.

-ang UNCLOS ng taong 1982 ay mayroong konseptong EEZ o EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE
kung saan itinalaga ang karapatan sa paggamit ng mga natural na yaman, lalong-lalo na ang
mga yamang-dagat sa loob ng 200 milyang teritoryo sa paligid ng bansang arkipelago.

-ang Doktrinang Arkipelago ay nagbibigay ng legal na soberenya sa mga tubig-dagat sa loob at


labas ng mga pulo ng isang bansa.
Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas sa
Ekonomiya at Politika

1. Isa sa kahalagahan nito ay ang pagiging pandaigdigang ruta o daanan ng mga


pangkargamentong barko.

-Sa usaping pang-ekonomiya, malaki ang


kahalagahan ng Pilipinas bilang daungan at
daanan ng mga barkong nagdadala ng mga
kargamentong mahalaga sa pandaigdigang
kalakalan.
2. Ang Pilipinas ay mahalaga sa Estados Unidos at Japan upang makontrol ang lumalawak na
impluwensiya ng bansang Tsina.

*Kapag napanghawakan ng Tsina ang mahahalagang lugar sa Pilipinas,


lalo na ang mga isla sa iba’t ibang panig ng karagatan, makokontrol nila
ang malaking bahagi ng Asya-Pasipiko at ito ang makaaapekto sa
BALANCE OF POWER sa mundo at sa magiging takbo ng pandaigdigang
ekonomiya.
Ang Lokasyon ng Pilipinas at ang
Pag-usbong ng Malayang Kaisipan
MANILA-ACAPULCO GALLEON – pandaigdigang kalakal sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

*Ang Pilipinas ang unang bansa, sa pamamagitan ng kaniyang mga


daungan (ships ports), na pinadadalhan ng mga kalakal mula sa Europa
at Amerika na nanggaling sa Acapulco, Mexico.
ILUSTRADO -o mga mag-aaral na progresibong mag-isip, upang mas naising matuto pa ng
mga mapagpalayang kaisipan.
1. Nagkaroon ng maigting na pagnanais na magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin at
pagkilala sa mga katutubong Pilipino ang kolonyal na pamamahala ng Espanya.
2. Nagkaroon din ng maraming kaalamang progresibo mula sa Europa na dala rin ng
pandaigdigang kalakalan.
Takdang Aralin:

• Gawin ang Gawin Natin mula Gawain 1 hanggang Gawain 3 sa


pp. 19-21 isulat sa batayang aklat.
THANK YOU 

You might also like