You are on page 1of 7

Lecture 2

Module 2: Kapuluan ng Pilipinas


Heolohiya batay sa Mito
- ang ating mga ninunong nabibilang sa iba’t ibang grupong etniko ay nakapagpanday at nagpamana
ng mayamang mitolohiya tungkol sa pagkabuo ng ating arkipelago

- ang mito ay itinuturing ng ating mga ninuno bilang sagradong salaysay na pinagmumulan ng kaalaman
tungkol sa paglikha ng daigdig at ng tao

- sa mga lipunang isinasalaysay at ipinapasa ito sa mga salinlahi, kinikilala ang pagiging totoo nito
may kinalaman sa malayong nakaraan

- pinupunan ng mga mito ang malaking puwang o kakulangan sa kabatiran ng ating mga ninuno tungkol
sa kanilang sariling nakaraan

Maigugrupo ang mga mito sa iba’t ibang klase:

• Ang mga Diyos at ang Paglalang ng Daigdig


• Unang mga Pagdadalumat ng Sandaigdigan
• Topograpikal na mga Katangian ng Mundo
• Pandaigdigang mga Kalamidad
• Pagtatatag ng Natural na Kaayusan
• Paglalang o Pinagmulan ng Tao
• Paglikha o Pinagmulan ng Hayop
• Paglikha o Pinagmulan ng Halaman

- pinanghawakan nila ang katotohanang nakapaloob sa mga mito na nagtangkang ipaliwanag


ang mga pisikal na katangian ng pook na kanilang pinananahanan, at ng kapuluan sa pangkalahatan

- pangunahin sa makatotohanang impormasyon na napananatili sa ipinapasang mito ay ang pangalan ng


mga lugar at ilang personal na pangalan ng mga karakter na pangalan ng mga taong nabuhay dati

- may kahirapang mapatunayan ito, lalo na kung ang isang lipunan ay walang naiwang inskripsyon o
nakasulat na batis

Heolohiya batay sa Agham

- masalimuot ang prosesong pinagdaanan ng Pilipinas bago narating ang hugis at anyo nito bilang
isang arkipelago sa kasalukuyan

- ang heolohiya bilang agham ang magpapaliwanag ng nasabing proseso na inabot ng milyun-milyong
taon

Teoryang platong tektoniko (plate tectonics)

- ang pangunahing teoryang nagbibigay liwanag sa pagiging arkipelago ng Pilipinas

- ang susing kaisipan sa teorya ay patuloy na nagbabago at di napipirmi ang ibabaw ng mundo bunsod
ng relatibong paggalaw ng mga plato
- ang buong kapuluan ay nakahimlay sa sugpungan (junction) ng tatlong naglalakihang mga plato: ang
Philippine Sea Plate at Pacific Plate sa silangan; Eurasian Plate sa kanluran; at Australian Plate sa
timog na binubunggo ng Indonesian Plate, pinag-isa sa katawagang Indian-Australian Plate

- ang nangyaring pagbubungguan ay sinundan ng mga pagtulak sa direksyong pahalang o paitaas na


nagresulta sa mataas at mababang pook, mga isla at dagat sa Pilipinas sa kasalukuyan

Ang Pambansang Teritoryo sa Daloy ng Kasaysayan

- dumaan sa iba’t ibang kasunduan bago naisapinal ang kasalukuyang teritoryo at hangganan
ng Pilipinas

- mula noong kolonya hanggang sa naging nagsasariling bansa, kinailangan ang pagdelimita
ng saklaw na kalupaan, pati katubigan, ng arkipelago

- litaw ang imposisyong Kanluranin sa mga kaganapan at ginamit na mga batayan sa naging
opisyal at lehitimong pambansang teritoryo na lubusang mauunawaan sa kinapaloobang kontekstong
historikal

Tatlong Kasunduang Nagtakda ng Hangganan ng Pilipinas

- kasabay ng pagpasa ng Espanya sa pamumunong kolonyal sa kamay ng Estados Unidos (EU) ay ang
dalawang kasunduan patungkol sa teritoryo ng Pilipinas: noong 10 Disyembre 1898 at 7 Nobyembre
1900, ginawang basehan ng hangganan ng arkipelago ang ang serye ng mga linyang tuwid na
nagkokonekta sa mga kilalang geographic co-ordinate

- halos katumbas ng hangganang ito ang hangganang itinatakda ng kasunduan sa kasalukuyang panahon,
iyon nga lamang kasama sa mapa ng 1898 ang timog-kanlurang porsyon malapit sa Borneo

- noong 1900 naman ay inilipat ng Espanya ang soberanya sa Cagayan, Sibutu, Sulu, at sa iba pang mas
maliliit na mga isla sa Estados Unidos

- ang huling kasunduan ay sa pagitan ng EU at Britanya na kanilang nilagdaan noong Hulyo 1907:
nilalaman nito na ang huli ay maaring patuloy na pamahalaan ang “lahat ng mga islang nakapaloob sa
tatlong legwang marino mula sa baybayin”

- nasundan noong 2 Enero 1930 ng An Exchange of Notes sa pagitan ng dalawang bansa: minarkahan
nito ang hangganan sa gitna ng Kipot ng Balabac at mga katubigan sa silangan ng Darvel Bay

- bagaman nabuo ang kasunduang ito sa panahon ng kolonyalismo, tinanggap na rin ito ng Pilipinas at
Malaysia bilang kani-kanilang hangganang teritoryal sa panahong sila ay kapwa nagsasariling mga
bansa na

1987 Saligang-Batas ng Pilipinas

Ang nakasiping seksyon sa ibaba ang nilalaman ng 1987 Konstitusyon patungkol sa teritoryong saklaw ng
Pilipinas
The national territory comprises the Philippine archipelago, with all the islands
and waters embraced therein, and all other territories over which the
Philippines has sovereignty or jurisdiction, consisting of its terrestrial, fluvial,
and aerial domains, including its territorial sea, the seabed, the subsoil, the
insular shelves, and other submarine areas. The waters around, between, and
connecting the islands of the archipelago, regardless of their breadth and dimensions,
form part of the internal waters of the Philippines.

- malinaw na walang tinukoy na eksaktong hangganan ang ating Konstitusyon

- udyok ba ito ng di pa malinaw na teritoryo ng bansa nang sulatin ang Saligang-Batas kaugnay ng mga
isyung teritoryal sa ilang kapitbahay na bansa?

- dito pumapasok ang pangunahing kahalagahan ng mga mapa

- upang mabakas ang mga pagbabago at pagtatakda sa ating pambansang teritoryo, kinakailangang
balikan ang kasaysayan at ang mga mapang historikal, na sa paraang biswal ay maliwanag na
ipinakikita ang delimitasyon ng hangganan ng Pilipinas

UNCLOS at Baseline ng Pilipinas

- United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang itinuturing na
pinakakomprehensibong kasunduan para sa mga karagatan at dagat na nagkabisa noong 1982, upang
maging instrumento sa paglutas ng mga alitan sa hangganan ng mga bansa

- dito nakilala ang bagong mga konsepto, tulad ng Exclusive Economic Zone (EEZ), isang konseptong
legal na tumutukoy sa sukat na 200 nautical miles mula sa baselines ng baybayin

- lahat ng mga estadong sangkot sa isyu ng Timog Dagat Tsina ay lumagda sa UNCLOS

- pinakatampok na doktrina nito ay nagsasabing ang pagsukat ng lahat ng zona o karapatang marítimo
ay nakabatay sa baybayin ng kontinental na lupain, isla, o bato sa ibabaw ng tubig kapag mataas ang
alon (Artikulo 3, 57, at 76 ng UNCLOS)

- kung hindi nagsagawa ang coastal state ng eskplorasyon ng kanyang continental shelf o ine-exploit
ang yamang likas nito, walang kahit sino man ang may karapatang gawin ito, maliban na lamang kung
may pahintulot nito (Artikulo 77(2), UNCLOS)

- tumalima ang Pilipinas sa isinasaad ng UNCLOS nang isaayos nito ang baselines(dahil dito, hindi na
tinatanggap ang itinakdang baselines ng bansa ayon sa Kasunduan ng Paris noong 1898. Ang
archipelagic baselines ngayon ng kapuluan ay masusukat sa:

outermost points of the outermost islands and drying reefs, provided that —(a) within such baselines
are included the main islands; and (b) the ratio of the area of the wáter to the area of the
land,including atolls, is between 1 to 1 and 9 to 1. (Carpio, 23)

Heograpiya at Kasaysayan

- ang mahigpit na ugnayan ng heograpiya at kasaysayan ay naging mapagpasyang salik sa


naging uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno sa sinaunang lipunan

- ang pangunahing mga katangiang pisiyograpiko ng bansa ay: mga bundok at kapatagan,
mga lawa at ilog ; mga tangway at mga dagat sa pagitan ng mga pulo

- pinagigitnaan ang Pilipinas ng Taiwan at Borneo, at 800 km. ang layo mula sa kalupaang
Asya sa pamamagitan ng Bashi Channel mula sa Taiwan
- kung ang Indonesia at Japan ay nakahiwalay at malayo sa Asian landmass, higit na nakahiwalay at
malayo ang Pilipinas

- makikita sa bandang silangan ang malawak na Karagatang Pasipiko, pati ang Dagat ng Pilipinas

- katubigan din ang nasa gawing kanluran, ang pinag-aagawang Dagat Timog Tsina (o Dagat ng
Kanlurang Pilipinas) na siyang naghihiwalay sa Pilipinas mula sa Vietnam at Tsina. Dagat Celebes
naman ang nasa timog. Sa timog-kanluran matatagpuan ang pinakamalapit na karatig-lupain, ang
probinsya ng Sabah sa Malaysia

- kinikilalang isa sa pinakamalalaking arkipelago sa buong mundo ang Pilipinas: bumibilang ng 7,107
ang mga isla nito at may lupaing sumusukat nang 300,000 kilometro kuwadrado (o mahigit 115,000
milya kuwadrado)

- mahalagang katangian ng Pilipinas ang mas malaking sukat ng saklaw na katubigan kaysa sa sukat ng
saklaw na kalupaan

- 11 lamang sa 7,107 mga isla nito ang bumubuo sa 94% na kalupaan, ang Luzon at Mindanao

- puro pulo ang bumubuo sa Visayas

- matatawag na “terraqueous country” ang Pilipinas na ang pangunahing katangian ay ang sentralidad
ng maritimong mga gawain, isyu, at iba pang bagay sa buhay ng mga naninirahan ditto

- tatlo ang pangunahing rehiyon: Luzon, Visayas at Mindanao

- Maynila ang pambansang capital na nasa Luzon, habang ang iba pang pangunahing lungsod ay ang:
Cebu sa Visayas; Davao, Cotabato at Zamboanga sa Mindanao; at Jolo sa Sulu

- mahaba ang baybayin ng Pilipinas kaugnay ng sukat ng lupain nito dahil sa masalimuot na
hugis ng mga pulo nito na epekto naman ng mga plate

- natatangi ang mga baybayin, dahil koneksyon ng lupa at dagat, sa mga aspekto ng populasyon,
urbanisasyon, at ekonomikong mga gawain

- ang pahaba at hiwa-hiwalay na kompigurasyon ng bansa ay nagbunga ng mahinang ugnayan

- disbentahe rin ang hatid ng hugis na ito mula sa pangkabuhayan, panlipunan, at pulitikal na
Pananaw: malaking halaga ng pera at oras ang kinakailangan upang mapag-ugnay-ugnay ang
iba’t ibang mga element

- nagdulot din ng rehiyonal (parokyal) na pag-iisip sa mga Pilipinoang watak-watak na kalikasan ng


Pilipinas tulad ng pagkakaroon ng maraming grupong tribal, etniko, at linggwistiko

- malaking hamon din sa usapin ng seguridad ang pagtataglay nang libu-libong mga pulo at mahabang
baybayin dahil mahirap itong ipagtanggol mula sa dayuhang pagsalakay, kontrabando, at ilegal na
pagpasok ng mga banyaga

Klimang Maritimong Tropikal

- ang dahilan ng pagkakaroon ng mataas na temperatura at masaganang ulan; buong taon ay


mainit ang temperatura
- maulan at mabagyo sa bansa dahil sa lokasyon nitong kapitbahay ang mga karagatan, lalo na
sa pagkakapuwesto sa kanluran ng Karagatang Pasipiko, na siyang pinanggagalingan ng mga
ulan at bagyo

- amihan at habagat ang dalawang nagpapalitang hanging ang hatid ay ulan; Amihan, o
hanging mula sa direksyong hilagang silangan (Nobyembre hanggang maagang bahagi ng
buwan ng Mayo), tuyo at malamig ang hanging ito, Habagat (gitnang-Mayo hanggang buwan
ng Oktubre) hangin na galing sa timog-kanluran, nagdadala ito ng malalakas na pag-ulan na
nagpapabaha

- malaking salik ang klima sa kung anong uri ng kabuhayan mayroon ang mga mamamayan sa
iba’t ibang panig ng kapuluan

- ang pagkakaiba sa mga salik pangkultura ng mga pamayanan ay bunsod ng mayamang


pagkakaiba sa kaligirang pisikal

Pisiyograpikong Katangian

• mga bundok at kapatagan


• mga lawa at ilog
• mga tangway at mga dagat sa pagitan ng mga pulo

Mga Bundok at Kapatagan

- mga 200 bulkan meron sa Pilipinas, 23 rito ang aktibo

- pinakamaraming naitalang pagsabog ang Bulkang Mayon, 48 (mula noong 1616);


Bulkang Taal, 33 (isa sa marahas at mapinsalang kaganapan noong 1754); at ang Bulkang
Kanlaon, 27

- pinakamalakas na pagsabog ng ika-20 na dantaon ang sa Bulkang Pinatubo noong 1991;


binago nito ang pangglobong klima dahil sa epekto sa atmospera ng mga abo at hanging
ibinuga; lumamig ang temperatura sa buong mundo nang 0.5 digring Sentigrado dahil
nagsilbi itong harang sa papasok na sikat ng araw; naudlot ang pag-init ng mundo nang
dalawang taon dahil sa pangyayaring ito

- bulubundukin: tatlo ang sa Luzon- Bulubunduking Sierra Madre Range, Bulubunduking


Cordillera at Bulubunduking Caraballo; dalawa sa Visayas- Bulubunduking Halcon-Baco at
Bulubunduking Madjaas-Nangtud at apat sa Mindanao- Bulubundking Diwata,
Bulubunduking Tago-Apo, Bulubunduking Kalatungan-Kitanglad at Bulubunduking Daguma

- may ginagampanang papel sa buhay espiritwal ng mga Pilipino ang ilan sa mga bundok na
ito: itinuturing ng marami na lugar ang mga ito kung saan kanilang nararamdaman na higit
silang napapalapit sa Diyos (halimbawa ay ang Bundok Makiling sa Laguna at Bundok
Banahaw sa hangganan ng Laguna at Quezon)
Mga Lawa at Ilog

- lahat-lahat ay 421 ang mga ilog, 58 look, 130 000 ektarya ang mga artipisyal na reservoir, at
100 000 ektarya ang latian o fresh water swamp

- dalawang libo’t apat na raang (2 400) uri ng mga isda ang nabubuhay sa karagatan at ilog ng
kapuluan

- sa Luzon at Mindanao dumadaloy ang apat na pinakamalaking ilog sa buong bansa: ang Ilog
ng Cagayan sa Hilagang Luzon ang pinakamalaki sa habang 505 km; Rio Grande ng
Mindanao, 373 km; Ilog ng Agusan sa Mindanao rin na may sukat na 350 km; at ang Ilog ng
Pampanga sa gitnang kapatagan ng Luzon na may habang 260 km

- isa sa mga pinakamalalaking lawa sa Asya at pumapangalawa naman sa Timog-Silangang


Asya (pinakamalaki ang Tonle Sap ng Cambodia, 2,700 km2) ay ang Laguna de Bay, may
sukat itong 930 km2 at siyang pinakamalaki sa buong bansa; sunod ang Lawa ng Lanao na
may 340 km2 ang laki, at ang Lawa ng Taal na ang erya ay 234 km2

- bantog ang Lawa ng Taal sapagkat sa buong mundo, nag-iisa at tanging ito lamang ang may
islang ang kinaroroonan ay lawa na nasa isang isla sa isang lawa ng isang isla (ang Vulcan
point sa Crater Lake ng Volcano Island sa Lawa ng Taal sa Luzon)

Mga Tangway at mga Dagat sa Pagitan ng mga Pulo

- ang mga baybayin ng Pilipinas ay kumplikado at iregular ang anyo dahil sa dami ng mga
tangway, golpo, at look

- ang mga mumunting isla ay dumaragdag din sa pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga


anyong-tubig

- ang mga ito ang paliwanag sa mahabang baybayin ng arkipelago na halos kasinghaba ng sa
Rusya (36.289 km ang Pilipinas, 37.653 km ang sa Rusya)

- mayaman din sa mga sonang baybayin na kinabibilangan ng iba’t ibang mga sistemang
tropikal: mabuhanging mga playa (beach), mabatong imus (headlands), sand dunes, bangkuta
(coral reefs), bakawan, sea-grass beds, wetlands, estuwaryo, at mga lawa

- ang pagtataglay ng di-mabilang na mga pulo ay katumbas nang di-mabilang na bukas na


mga daanan papasok ng Pilipinas

Ugnayan ng Heograpiya at Kasaysayan

- malaki ang impluwensya ng katangiang pisikal ng bansa sa nangyaring pagkakahiwa-hiwalay


ng lokasyon ng mga umusbong na pamayanan: ito ang paliwanag sa pagiging multikultural at
pluralistikong lipunang siyang dinatnan ng mga Espanyol, sa presensya ng maraming
grupong etniko

- may relatibong kalayaan din ang mga ito sa isa’t isa na nagpapakita ng kawalan ng
sentralisadong pamumunong pulitikal, o mabagal at matagal na pagtatamasa nito

- ang pisikal na pagkakalayong ito ng mga Pilipino ay sanhi ng kahirapang pagbuklurin ang
bansa

- ang pisiyograpiya ng Pilipinas ay malaking salik sa mga tunguhing historiko nito: dalawang
uri ng maagang pamayanang batay sa ilog ang namukadkad- 1)sa-ilud- mga pamayanang
matatagpuan malapit sa baybayin ng dagat o pampang ng ilogat 2) sa-raya o ilaya naman ay
nasa looban o malayo sa mga ilog at dagat (nangangahulugang tagabundok ang ilaya)

- ang dalawang magkaibang oryentasyong pampamayanan ay esensyal sa isang elemento ng


etnisidad ng pamayanang Pilipino mula noon hanggang ngayon

- hindi lamang pagkakaiba ang lumitaw kundi higit pa rito ay ang matalik na ugnayan sa
pagitan ng mga ito na udyok ng pangangailangan sa palitan ng produkto: agrikultural na
produkto o yamang gubat ang galing sa patag at bundok, habang yamang dagat o kalakal
naman mula sa bayabayin, karagatan o pampang ng ilog

- mahalaga ang mga ilog dahil sa koneksyon nito sa mga agat: sa gawing kanluran kung nasaan
ang Dagat Timog Tsina ay nakaugnay ang marami sa pinakamalalaki at
pinakamahahalagang ilog sa ating kasaysayan

- sa mga pampang ng ilog nagkumpulan ang ating mga ninuno sa maagang kasaysayan at sa
kanlurang bahagi ng Pilipinas din umusbong ang pinakamatatag at makapangyarihang
sinaunang mga pamayanan, ito ay dahil sa komersyal na kalikasan ng koneksyong ilog-dagat
na nagpayaman sa mga pamayanan sa pampang (ilan sa mga ito ang Manila, Mindoro,
Batangas, Lingayen at Sulu)

- may sinaunang mga pamayanan din na naging sentro ng kalakalan sa silangang hati ng
kapuluan: ang Cebu, Butuan at Cotabato (bagaman nasa silangan, ang tinumbok na ruta ng
kanilang pakikipagkalakalan noon ay sa kanlurang direksyon din)

You might also like