You are on page 1of 2

MGA ISYU SA PAMBANSANG TERITORYO AT HANGGANGAN

Ang suliraning teritoryal at hangganan ay tumutukoy sa sigalot o hindi pagkakasundo sa pag-aari o sa pagkontrol ng teritoryo at hangganan (lupa man o
tubig) sa pagitan ng dalawa o higit pang bansa o estado.

HALIMBAWA:
- Inaangkin ng China ang Tibet at Taiwan.
- Pinag-aagawan ng India at Pakistan ang Kashmir.
- May sigalot ang Pilipinas at China sa South China Sea / West Philippine Sea.
- Kapwa ipinaglalaban ng Israel at Palestine ang kanilang mga lupain.
- Dahil sa Abyei Region, may away sa pagitan ng Sudan and South Sudan.

Mga Dahilan ng Suliraning Teritoryal at Hangganan


- Pagkakaiba ng mga kultura (lalo na sa relihiyon), pangkat-etniko, at sistemang politikal (India at Pakistan).
- Kakulangan sa malinaw na batayan o dokumento sa mga hangganan (China at Pilipinas; Malaysia at Pilipinas).
- Pagtatanggol sa kanilang matagal nang inaangking lupain (Palestine at Israel).
- Paghahangad sa mga likas na yaman, masaganang tubig para sa mga lupain, estratehikong lugar para sa kani-kanilang pakinabang (China at Japan; China
at Pilipinas).

- Pagiging mapagsamantala at ganid ng ilang makapangyarihang bansa na walang paggalang sa pandaigdigang batas.
- Mabagal na pag-aksiyon at tila walang ngiping pandaigdigang batas para samga bansang umaangkin sa teritoryo ng iba.
- Kani-kaniya at hindi malinaw sa lahat ang wikang ginamit sa mga dokumentoo kasunduan ukol sa tunay na hangganan at teritoryo.

ANG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS


Itinatakda ng Artikulo 1 ng 1987 Saligang Batas at Republic Act 9522 o angPhilippine Baseline Act na pinagtibay noong Marso 10, 2009 ang
sakop at hangganan ng pambansang teritoryo ng Pilipinas.
Batay sa Saligang Batas, ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng sumusunod:
1. kapuluang Pilipinas.
2. lahat ng iba pang teritoryo kung saan ang Pilipinas ay may soberanyaat hurisdiksiyon.

Bilang regime of islands, may hiwalay na baseline ang KIG at Bajo de Masinloc kung saan ang Pilipinas ay may ekslusibong soberanya at hurisdiksiyon
sa lugar katulad ng mga teritoryong nakapaloob sa archipelagic baseline ito. Ayon sa Artikulo 121 ng UNCLOS, bilang regime of islands, ang bawat
pangkat ng mga pulo ay may karapatang umangkin ng sarili nitong maritime zones, at hindi ito napapaloob o kasama sa archipelagic baseline.

DOKTRINANG PANGKAPULUAN
karapatan ng isang bansang archipelagic o kapuluaan na nakapaloob sa batayang guhit na nagdurugtong sa mga pinakalabas o pinakadulong pulo sa
sakop ng isang bansa.Lahat ng bahaging tubig na nakapaloob sa batayang guhit ay pagmamay-ari at nasa kapangyarihan ng pamahalaan ng bansa.

Nakasaadsa batas ang mga likhang isip na guhit (imaginary line) na nagtatakda sa layo at lawak ng karagatan sakop ng isang bansa. Sa kasalukuyan,
umiiral ang lapad na 200 milyang patakaran batay sa doktrinang pangkapuluan ng Pilipinas na teritoryong pangkaragatan.

Layunin ng Doktrinang Pangkapuluan


Panatilihin ang pagkakabuklod-buklod ng kalupaan, tubigan, at mga mamamayan sa kabuuan.

Naglalayong protektahan ang pamumuhay at seguridad ng mga mamamayan na nakatira sa mga lugar.

Isyu ng Agawan
Nagsimula ang isyu sa pinagtatalunang teritoryo ng Pilipinas at China nang mahuli ng mga awtoridad ng Pilipinas ang walong Chinese fishing
boats na nangingisda sa lugar na sakop ng bansa.

Nagpadala ang China ng dalawang sibilyang Maritime Surveillance ship para pigilan ang BRP Gregorio del Pilar ng Philippine Navy na
arestuhin ang mga mangingisdang Tsino. Inabot ng ilang buwan ang stand-off. Inabangan ang balita ukol sa pagpapadala ng bawat panig ng
mga barko at sasakyang panghimpapawid.

Dinaan din ng Pilipinas sa diplomatic protest at mga note verbale sa China ang usapin sa paggigiit ng labag sa batas ang mga
hakbang ng China. Nanindigan ang Pilipinas na sakop nito ang Scarborough Shoal at hindi sa China.

Tinugon ng Pilipinas ang China kaya tuloy na naman ang stand-off at harassment. Sa mga pangyayari, naapektuhan ang mga
mangingisda ng Zambales at Pangasinan na umaasa ng ikabubuhay sa bahaging iyon ng karagatan.

Nagsimulang ilapit ng Pilipinas ang isyu sa international forum tulad; ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), International Tribunal on
the Law of the Sea (ITLOS) at mga bansa tulad ng US at Britanya ang usapin sa ilalim ng international laws tulad ng United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS). Bahagyang nagkaroon ng usapan sa gusot na ito sa pamamagitan ng "bilateral talk”
Ang Heograpiya ng Spratly Islands
Ang Spratly Islands ay binubuo ng humigit-kumulang sa 750 mga pulo. Ito ay matatagpuan sa West Philippine Sea, sa kanluran ng Pilipinas, timog ng
China, silangan ng Vietnam, at hilaga ng Brunei at Sabah sa Malaysia. Ang mga tangrib ng koral ang nangingibabaw na istruktura sa mga isla.
Tinatayang humigit-kumulang sa 600 na tangrib ng koral ang bumubuo sa Spratly. Ito rin ay binubuo ng maliliit na pulo at karang na may kaunting
pananim na nakadepende sa sistema ng ihip ng hangin.

Makikita rin sa lupain ang mga pananim na gaya ng pinya, papaya, saging, niyog, at mangrove. Ang mga islang ito ay nagsisilbing tahanan ng maraming
ibon at pawikan. ay mayaman din sa mga isda, langis, at natural gas.

Mga Bansang Umaangkin sa Spratly Islands


Ang lahat ng isla ng Spratly ay inaangkin ng China, Taiwan, at Vietnam. Ang ibang isla naman ay inaangkin ng Pilipinas, Brunei, at Malaysia. Nagsimula
ang pagtatalo sa tunay na nagmamay-ari ng kapuluan nang madiskubre ang likas na yamang makukuha sa mga isla, kahit na ang Spratly ay hindi
maaaring sakahin at hindi nakakabuhay ng ano mang produkto at mga hayop. Pinagtibay ng mga umaangking bansa ang kagandahan ng lokasyon nito
para sa gawaing militar.

Maliban pa rito, mayaman sa reserba ng langis ang Spratly. Tinatayang 25 bilyon toneladang reserba ng langis ang taglay ng Spratly, katumbas ng
pinagsamang reserba ng langis sa Kuwait at Nigeria. Sa kasalukuyan, wala pang nagagawang teknolohiyang may kapangyarihang hatakin ang mga
reserbang langis sa Oceanic Crust.

Vietnam - ang Vietnam ay isa sa mga bansang mahilig maglayag. Dahil dito, nararating nila ang Spratly Islands. Iginigiit ng Vietnam na nagkaroon sila ng
epektibong okupasyon sa islang iyon simula pa noong ika-17 siglo.

Pilipinas - inaangkin ng Pilipinas ang tinatayang 60 sa mga pulo ng Spratly. Ang Royal Dutch/Shell Group at Alacan International ay nagsanib puwersa
para sa isang eksplorasyon malapit sa pulo ng Palawan at inaasahang iaangkat ang taunang produksiyon ng langis sa Pilipinas mula sa 3,000 b/d noong
1991.

Brunei - inaangkin ng Brunei ang Louisa Reef ng Spratly Islands na makikita sa baybayin ng Brunei.

Malaysia - ang Malaysia ang kauuna-unahang oil operator sa dagat at inaangkin nito ang tatlong pulo at apat na pangkat ng bato sa rehiyong Spratly
simula noong 1992, 90 balong langis nagtataglay ng ng langis ang pinapaandar ng Malaysia sa mga islang ito.

You might also like