You are on page 1of 22

NG PAMBANASANG

A
TERITORYO NG
PILIPINAS
MS. JANINE JAMANDRON
KAHON NG TALASALITAAN

12 NAUTICAL ARCHIPELAGO
DOCTRINE
MILES

EXCLUSIVE
ARKIPELAGO ECONOMIC ZONE
KAHON NG TALASALITAAN

PANLOOB NA
UNCLOS
KATUBIGAN
LIPINAS BATAY S
G PI A K
N ASA
YO

YSA
TOR

YAN
ERI
ANG T
KASUNDUAN SA
PARIS
Ang pagkapanalo ng ng USA sa Spain sa
Spanish-American War noong 1898 ay
nauwi sa kasunduan sa Paris.
Nilagdaan ito ng dalawang partido noong
Disyembre 10, 1898.
Isinasaad ng kasunduang ito ang
paglilipat ng Spain sa lahat ng
pamamahala nila sa kapuluan ng Pilipinas
sa USA sa halagang 20 milyong dolyar.
ANG KASUNDUAN SA
WASHINGTON
Noong Nobyembre 7,1900 isa sa kasunduan
ng Spain at USA ang Pinagtibay at tinawag na
kasunduan sa Washington.
Ito ay higit na nagpapalawak sa teritoryo ng
kapuluan ng Pilipinas. Isinasaad nito na lahat
ng maliliit na pulo sa isal ng Sulu at lahat ng
nasasaklaw nitong malapit sa isla ng Borneo
ay bahagi ng teritoryo ng Kapuluan ng
Pilipinas.
ANG KONTRATANG PANGKASUNDUAN NG USA
AT GREAT BRITAIN
Matapos malagdaan ang kasunduan sa pagitan ng USA
at Great Britain noong 1930, higit pang lumawak ang
kapuluan ng Pilipinas dahil naibalik sa bansa ang Turtle
Island at Mangsee Island.
Sinimulang pamahalaan ng Pilipinas ang mga islang ito
noong 1947, isang taon matapos nitong makamit ang
kasarinlan mula sa USA.
ARKIPELAGO
ay nangangahulugang bahagi ng
dagat na kinalalatagan ng kalat-
kalat na mga pulo na katumbas ng
katawagang kapuluan opangkat ng
mga pulo sa isang malawak na
anyong tubig.
UNITED NATIONS CONFERENCE
ON THE LAW OF THE SEA
Ang Pilipinas at iba pang bansang
arkipelago ay nagpanukala na ang
isang estadong arkipelago ay
binubuo ng pangkat ng mga pulo na
siya namang bubuo sa isang estado
upang matawag ito na yunit.
DOKTRINANG
PANGKAPULUAN
Ang mga pulo at mga katubigang
nasa loob ng teritoryo nito ay
ituturing na panloob na katubigan.
PUBLIC INTERNATIONAL
LAW
Nangangahulugan ito na inatakda ang legal na
batayan ng pagsasamalama ng kalupaan,
katubigan at mamamayan bilang isang yunit
lamang.
Pagtatakda ng UNCLOS ng 12
Noutical Miles

Itinakda ng UNCLOS ang tuntuning 12 nautical


miles bilang bahagi ng karagatang teritoryal ng
lahat ng mga bansang napalilibutan ng katubigan
sa alinmang bahagi nito. Ang karagatang
teritoryal ay tumutukoy sa katubigang sakop ng
teritoryo ng isang bansang napalilibutan ng
katubigan sa alinmang panlabas na bahagi nito
mula sa aplaya o pinakamababaw na bahagi ng
dagat (mula sa baybayin) hanggang 12 nautical
miles. Itinuturing na isang panghihimasok sa
teritoryo ng isang bansa ang pagpasok ng ibang
bansa sa karagatang teritoryal nang walang
pahintulot ng bansang nakasasakop dito.
Gayon pa man, may ilang mga
bansang hindi saklaw ng tuntuning ito
katulad ng Pilipinas sapagkat ito ay
binubuo ng maraming pulo. Ipinaiiral
ang Doktrinang Pangkapuluan sa
Pilipinas sapagkat kung susundin nito
ang 12 nautical miles na tuntunin, may
mga panloob na katubigan ang
Pilipinas na maaaring pasukin ng mga
banyaga dahil may mga pulo sa bansa
na nasa pagitan ng distansiyang higit
pa sa 12 nautical miles.
"Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng arkipelago ng Pilipinas, kabilang
ang lahat ng pulo at katubigang nasasakupan nito gayon din ang iba pang
teritoryo na kung saan ang Pilipinas ay may soberanya at hurisdiksiyon na
kinapalolooban ng ari-ariang lupa, katubigan, at himpapawid kabilang ang
karagatang teritoryal, kalaliman ng dagat, kalaliman ng lupa, at iba pang
pook-tubigan. Ang mga anyong tubig na nakapalibot, nasa pagitan at nag-
uugnay sa mga pulo ng arkipelago gaano man ang
Sa bisa ng deklarasyong ito, itinuturing ang arkipelago ng Pilipinas bilang
iisang yunit sa halip na nahahati sa mahigit 7000 mga pulo. Tumutukoy ang
kalaliman ng dagat (Continental shelf) sa mga lupaing nasasakupan na nasa
ilalim ng dagat kasama ang mga yamang likas na naririto. Samantala, ang
kalaliman ng lupa ay tumutukoy sa lahat ng mga nasa ilalim ng
nasasakupang lupain gayon din ang ano mang yamang likas na naririto.
Ang panlabas na bahagi ng arkipelago ay pinagdurugtong ng isang
imahinaryong linyang hangganan (baseline) at lahat ng katubigang
nakapaloob sa baseline ay itinuturing na panloob na katubigan. Dahil dito,
ang malalawak na anyong tubig na nag-uugnay sa mga pulo ng arkipelago
tulad ng Mindanao Sea, Sulu Sea, at Sibuyan Sea ay kinikilala bilang bahagi
ng panloob na katubigan ng Pilipinas na kahalintulad ng mga ilog at lawa na
matatagpuan sa loob ng mga pulo. Itinatakda rin ng Artikulo I ng Saligang
Batas ang lahat ng mga teritoryong nasasakupan ng Pilipinas batay sa
karapatang pangkasaysayan at legal na titulo.
Itinakda ng UNCLOS ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ang isang bahagi
ng dagat o karagatan na may sukat na 200 nautical miles mula sa aplaya o
baybayin bilang teritoryong pandagat (territorial sea) ng isang bansa.
Kabilang sa tuntuning 200 nautical miles ang kalaliman ng dagat o
continental shelf. Itinatakda sa tuntuning ito ang eksklusibong karapatan ng
isang estado sa anumang kapakinabangan katulad ng mga yamang likas na
matatagpuan sa 200 nautical miles (EEZ). Sa mga pagkakataong nasapawan
ng isang bansa ang kalapit-bansa nito sa pagtatakda ng hangganan ng
kaniyang Exclusive Economic Zone, nararapat lamang na magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng dalawang partido batay sa mga probisyong
isinasaad ng International Law.
Itinakda ng UNCLOS ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ang isang bahagi
ng dagat o karagatan na may sukat na 200 nautical miles mula sa aplaya o
baybayin bilang teritoryong pandagat (territorial sea) ng isang bansa.
Kabilang sa tuntuning 200 nautical miles ang kalaliman ng dagat o
continental shelf. Itinatakda sa tuntuning ito ang eksklusibong karapatan ng
isang estado sa anumang kapakinabangan katulad ng mga yamang likas na
matatagpuan sa 200 nautical miles (EEZ). Sa mga pagkakataong nasapawan
ng isang bansa ang kalapit-bansa nito sa pagtatakda ng hangganan ng
kaniyang Exclusive Economic Zone, nararapat lamang na magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng dalawang partido batay sa mga probisyong
isinasaad ng International Law.
Noong 1978, nagpalabas si Pangulong Ferdinand
Marcos ng isang batas na kilala bilang Presidential
Decree 1599 na nagtatakda ng Exclusive Economic
Zone (EZZ) ng Pilipinas na may sukat na 200 nautical
miles mula sa aplaya o baybayin na itinuturing na
teritoryong pandagat ng bansa. Nangangahulugan ang
kautusang ito ng pagpapalawak ng Pilipinas ng 200
nautical miles at pagkakaroon ng karapatang
pamahalaan, protektahan, galugarin, at gamitin ang
nasasakupang karagatan.
Noon pa mang una, karaniwan na ang pag-aagawan ng teritoryo sa pagitan
ng mga makapangyarihang lupain na kadalasan ay nauuwi sa marahas at
madugong digmaan. Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang isyu ng
agawan ng teritoryo sa pagitan ng mga bansa dahil sa potensiyal na yamang
maaaring makuha sa pinag-aagawang teritoryo. Ang bawat panig ay
naghahain ng kanilang mga batayan sa pag-aangkin ng teritoryo na maaaring
historikal o politikal. Sa kabila ng mga sigalot na ito, sinisikap ng nakararami
na maresolba ito sa maayos at diplomatikong pamamaraan kahit may mga
pagkakataong nagbubunga ito ng matinding tensiyon dahil sa pagiging
agresibo ng ilang partido.
Hindi maiiwasan ang pagkasangkot ng Pilipinas sa mga usapin na tulad nito
sapagkat ito ay isang estadong arkipelago na karaniwang binubuo ng
magkakalayong mga pulo. Ilan sa mga sigalot panteritoryo na kinahaharap ng
bansa sa loob ng mahabang panahon ay ang pag-aangkin ng ilang mga
kalapit-bansa ng Pilipinas s Sabah, mga Isla ng Spratly, kasama ang Kalayaan
Group of Islands, at Scarboroug Shoal.
Hindi maiiwasan ang pagkasangkot ng Pilipinas sa mga usapin na tulad nito
sapagkat ito ay isang estadong arkipelago na karaniwang binubuo ng
magkakalayong mga pulo. Ilan sa mga sigalot panteritoryo na kinahaharap ng
bansa sa loob ng mahabang panahon ay ang pag-aangkin ng ilang mga
kalapit-bansa ng Pilipinas sa Sabah, mga Isla ng Spratly, kasama ang
Kalayaan Group of Islands, at Scarborough Shoal.
Nangunguna ang China sa bansang nakikipag-agawan sa ilang teritoryo ng
Pilipinas lalong-lalo na ang mga islang nasa West Philippine Sea (South China
Sea) tulad ng Spratly Islands. Kabilang din ang bansang Vietnam, Malaysia, at
Brunei sa mga bansang nakasigalot ang China dahil sa pagnanais nitong
angkinin ang halos kabuoan ng South China Sea na kanilang ipinakita sa
tinatawag nilang 10-dash line. Sa kabila ng pagiging agresibo ng China,
naniniwala pa rin ang Pilipinas na mareresolba ang usaping ito sa paraang
diplomatiko at hindi kinakailangang humantong sa tunggaliang militar. Upang
mailahad ang batayang legal ng Pilipinas tungkol sa pinag-aagawang
teritoryo sa West Philippine Sea, idinulog na nito ang usapin sa International
Tribunal sa The Hague, Netherlands. Batay sa desisyong inilabas ng tribunal
noong Hulyo 12, 2016, kinatigan nito ang Pilipinas laban sa China.
THANK YOU
FOR
LISTENING!

You might also like