You are on page 1of 7

Jayme

ARALING PANLIPUNAN – FIRST QUARTER

I. Gamit ang mapa, punan ang tsart ng mga bansa pulo at anyong-tubig na pumapalibot sa
Pilipinas:

Hilaga Timog Kanluran Silangan

II. Piliin ang tamang sagot


1. It ay kilala rin sa tawag na Kalayaan Group of Island na matatagpuan sa gitna ng Dagat
Kanlurang Pililinas:
a. Babuyan Islands c. Borneo
b. Spratly Islands d. Suez Canal
2. Ito ang doktrinang pinagtibay noong 1982 kung saan ipinahahayag ang hurisdiksyong
teritoryal ng mga estado sa kanilang karagatan kabilang na ang mga katubigang nakapaligid
sa bansa., kalapagang insular, mga pook submarina na kinalalatagan ng archipelago.
a. Doktrinang Pangkapuluan c. SAligang Batas ng 1935
b. Atas ng Pangulo Bldg. 1596 d. Kasunduan sa Washington sa pagitan ng
Espanya at US
3. It ang tawag sa lugar na tinitirhan ng mga tao, sakop na lugar na nasa ilalim ng hurisdiksyon
ng estado.
a. Absolute location c. teritoryo
b. Longhitud d. geographical extent
4. Ito ay nagsasaad na ang kapuluang estado ay may hurisdiksyon hanggang sa 200 nautical
miles mula sa batayang guhit kung saan sinusukat ang territorial sea batay sa Doktrinang
PAngkapuluan.
a. Atas ng Pangulo Blg 1596 c. Saligang Batas ng 1935
b. Doktrinang PAngkapuluan d. Exclusive Economic Zone
5. Ito ang pagtatakda ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longhited at
latitud o paggamit ng sistemang grid:
a. Absolute location c. parallel
b. Sistemang grid d. meridian
6. Sa pamamagitan nito, natutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang bansa at karatiwang
pagtiyak ng eksaktong lokasyon ng kabisera
a. Longhitud at latitude c. teritoryo
b. Prime meridian at grid d. absolute location
7. Ito ang tawag sa lawak na nasasklaw ng isang bansa sa pamamagitan ng mga distansiyang
longhitudinal at latitudinal
a. Absolute location c. parallel
b. Geographical extent d. lokasyong relative or vicinal
8. Ito ay maaring itakda sa pamamgitan ng mga nakapaligid na hanggahang lupain o
katubigang nakapaligid ditto.
a. Absolute location c. lokasyong relative o vicinal
b. Geographical extent d. parallel
9. Ito ang may pinakamaliit na estado ayon sa teritoryo na may sukat lamang na 1/6 milya
a. USSR c. United States
b. Vatican State d. Hawaii
10. Kasunduang ipinagkaloob sa Espanya sa Estados Unidos ang Pilipinas sa halagang ______
a. KAsunduan sa Washington sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos
b. KAsunduan sa Paris sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos
11. Ipinahayag dito a ang MAngsee at Turtle ay sakop ng kapuluan ng Pilipinas
a. KAsunduan sa Washington sa pagitang ng Espanya at Estados Unidos
b. Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya
c. KAsunduan sa Paris sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos
d. Atas ng Pangulo Blg. 1596
12. Ipinahayag sa kasunduang ito ang pagkakadagdag sa Cagayan, Sulu at Sibutu sa teritoryo ng
Pilipinas
a. KAsunduan sa Washington sa pagitang ng Espanya at Estados Unidos
b. Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya
c. KAsunduan sa Paris sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos
d. Atas ng Pangulo Blg. 1596
13. KAsulatan na nag aangkin sa bagong pulong itinuturing na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang
Kalayaan o Spratly Islands
a. KAsunduan sa Washington sa pagitang ng Espanya at Estados Unidos
b. Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya
c. KAsunduan sa Paris sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos
d. Atas ng Pangulo Blg. 1596
14. KAsulatan na nagssaan na kasama ang Batanes sa teritoryo ng Pilipinas
a. KAsunduan sa Washington sa pagitang ng Espanya at Estados Unidos
b. Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya
c. Ang Saligang Batas ng 1935
d. Atas ng Pangulo Blg. 1596
15. Dito ginanap ang United Nations Convention on the Las of the Sea o UNCLOS
a. Borneo c. Indonesia
b. Jamaica d Pilipinas
III. Kilalanin kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayag.

___________1. Ang kailaliman ng dagat, maging ang kailaliman ng lupa ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas
batay sa isinasaad ng kasaysayan.
___________2. Ang pakikialam ng mga dayuhan ay maiiwasan dahil sa pagtiyak ng pambansang
teritoryo.

___________3. Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelagong binubuo ng malalaki at maliliit na mga
pulo

___________4. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng mga latitude 116 OO’ at 127 00’ HIlaga at sa
pagitan ng mga longhitud 4 23’ at 21 25’ Silangan.

___________5. Ang pulo ng Kalayaan o Spratly Islands ay hindi maituturing na kabilang sa sakop na
teritoryo ng Pilipinas ayon kay PAngulong Ferdinand Marcos.

___________6. Ang teritoyo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing saklaw ng hurisdiksyon nito.

___________7. Bahagi ng teritoryo ng isang bansa ang taglay na ilog, at mga lawa ang bahaging dagat na
nakapaligid sa kalupaan, at ang mga kalawakang itaas na katapat nito.

___________8. Itinatakda ang tiyak na lokasyon ng isang bansa sa pagtiyak ng eksaktong likasyon ng
kabisera nito sa pamamagitan ng longhitud at latitude

___________9. Matatagpuan sa Silangang- Asya ang Pilipinas.

___________10. SA Loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ay limitado ang karapatan ng isang bansang
linangin ang mga teritoryong bahagi nito.

IV. Bilugan ang titik ng tamang sagot


1. Aling sa sumusunod ang tawag sa sukat ng lupaing nasasaklaw ng hurisdiksyon ng isang bansa?
a. Teritoryo c. insular
b. Arkiplego d. lokasyon
2. Aling kasunduan o batas ang nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagsasabing
ang mga pulo ng Kalayaan ay sakop ng Pilipinas?
a. Saligang Batas 1935 c. Atas ng Pangulo Blg. 1596
b. Kasunduan sa Paris d. Kasunduan sa Washington
3. Alin sa sumusunod na mga pulo ang nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas dahil sa nabuong
kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran BRitanya noong Enero 2 1930?
a. MAngsee at Turtle Islands c. Spratly Islands
b. Isla ng Sabah d. Batanes Group of Islands
4. Saang bansa nangyari ang pagpupulong ng UNCLOS kung saan napagtibay ang karapatan ng pag
mamay-ari ng teritoryong pantubig ng bawat bansa?
a. Vatican City c. Estados Unidos
b. PRansya d. Jamaica
5. SAang artikulo ng Konstitusyon ng Pilipinas matatagpuan ang tungkulin ng bawat Pilipinong
pangalagaan at ipagtanggol ang bansa?
a. Artikulo I c. ARtikulo III
b. Artikulo II d. Artikulo IV
6. Aling kasunduan ang nagsasaad na ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang Pilipinas sa
halagang dalawampung milyong dolyar?
a. KAsunduan sa Paris c. Kasunduan sa Estados Unidos at Espanya
b. Atas ng PAngulo Blg. 1596 d. Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya

B. Suriin ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang SB kung ang kaisipan ay nagpapahiwatig na ang
teritoryo ng Pilipinas ay nakasalig sa SAligang Batas, KB kung sa kasaysayan ng bansa, at DP kung ito ay
batay sa Doktrinang Pangkapuluan.

___________1. Isinama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Cagayan at Sibutu.

___________2. Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang Pilipinas kasama ang
lahat ng mga pilo at mga karagatang nakapaloob ditto.

___________3. Nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Turtle at Mangsee.

___________4. Pinahaba ng 12 nautical miles ang dating 3 nautical miles bilang hanggahan ng teritryo
sa palibot ng kapuluan.

___________5. Ipinahayag ni Pangulong Marcos na ang lahat ng pulong kabilang sa pangkat ng Kalayaan
Islands ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas

___________6. May karapatan ang isang estado na galugarin, pangalagaan at gamitin ang mga likas na
yamang sinasakop nito.

___________7. Nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas ang lahat ng kalupaan,


katubigan at himpapawiring sakop nito.

___________8. Ang karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag uugnay sa mga pulo ng kapuluan,
maging anuman ang lawak at dimesnyon nito ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

___________9 Inaprubahan ang EEZ na nagsasaad na ang isang kapuluang estado ay may hursidiksyon
hanggang sa 200 nautical miles mula sa batayang guhit kung saan sinusukat ang territorial sea.

___________10. Ang kabuoang lawak ng lupa at EEZ ng Pilipinas ay umaabot sa 1,208, 896 kilometro
kuwadrado.

Piliin ang tamang sagot.

1. Mga taong kabilang sa panggitnang uri; nakaangat sabuhay na nasa pagitan ng mayaman at
mahirap
a. Ilustrado c. clase media
b. Mestizong Espanyol d. insulares
2. Tawag sa matinding pagmamahal sa bayan
a. Liberal c. nasyonalismo
b. Liberalism d. colonial
3. Kaisipang humihikayat sa pagkakaroon ng pagbabago sa pamahalaan upang magkaroon ng
pantay na karapatan, proteksyon at Kalayaan para sa bawat indibidwal.
a. Liberal na puso c. liberal na kaisipan
b. Nasyonalismo d. colonial na kaisipan
4. Taon kung kelan nabuksan ang Suez Canal
a. 1834 c. 1873
b. 1868 d. 1890
5. Magbigay ng 5 kabutihang naidulot ng pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig
a. _______________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________
c. _______________________________________________________________________
d. _______________________________________________________________________
e. _______________________________________________________________________
6. Ano ang islogang nakaantig sa puso ng mga Pilipino?
a. Kabataan, pag asa ng bayan?
b. Kalayaan, pagkakapantay-pantay, PAgkakapatiran
c. Kalayaan at kapayapaan ang kailangan
7. Ang gobernaor na nakatulong nang Malaki sa pag unlad ng nasyonalismo sa puso ng mga
Pilipino
a. Miguel Lopez de Legazpi c. Ferdinand Magellan
b. Carlos Maria dela Torre d. John Locke
8. Isulat ang iba’t ibang uri ng kalagayan sa buhay nuong panahon ng hapon at ilarawan ang mga
ito:
a. ______________________________________________________________________
b. ______________________________________________________________________
c. ______________________________________________________________________
9. Ito daw ang dalawang uri ng Pilipinang nakitungo sa mga Espanyol
a. ______________________________________________________________________
b. ______________________________________________________________________
10. Sa pamamagitan ng batas na ito, nagsimulang magkaraoon ng karapatang makapag-aral sa mga
paaralang Espanyol ang mga Pilipino
a. Dekretong Edukasyon ng 1863
b. Atas ng Pangulo blg 152=6

Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinion batay sa natutunan. Isulat ang K kung
ito ay may katotohanan, at O kung opinion.

___________1. Ang pagkakaroon ng estratehikong lokasyon ng Pilipinas ay nakatulong nang Malaki


hindi lamang sa pagsulong ng kabuhayan nito kundi maging sa pagsibol ng malayang kaisipan sa bansa.

___________2. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa ay mayroon nang konsepto ng bansa
o nasyon ang mga Pilipino

___________3. Sa pamamagitan ng Suez Canal ay napaikli ang ruta ng paglalakbay sa pagitan ng


Silangan at Kanluran.

___________4. Dahil sa pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig ay nagkaroon ng pagkakataon


ang mga Pilipinong maunawaan ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa Europa.
___________5. Si Carlos Maria dela Torre ay kinatakutan ng maraming Pilipino dahil sa pagiging malupit
nito.

___________6. Ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag aral ang mga anak ng mga Pilipinong
kabilang sa panggitnang uri ay nakatulong nang Malaki sa pagsulong ng nasyonalismo sa bansa.

___________7. Sa pagpapatibay ng Dekreto ng Edukasyon ng 1863, nagsimulang magkaraoon ang mga


Pilipino ng karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol.

___________8. Ang mga anak ng clase media na nakapag aral sa ibang bansa ay naimpluwensyahan ng
mga kaisipang Kanluranin na naging daan upang limutin nila ang lupang kanilang sinilangan.

___________9. Ang Rebolusyong PRanses ay nagdulot ng malaking takot sa mga Pilipino kaya’t pinili na
lamang nilang sundin ang mahigpit na pamamahala ng mga Espanyol.

___________10. Magkiba ang mga paaralan para sa kababaibhan at kalalakihan noong panahon ng
Espanya.

Isulat sa linya an gA kung ang nakatalang pahayag ay tumutukoy sa epekto ng pagbubukas ng mga
daungan ng Pilipinsa sa pandaigdigang kalakalan, B kung ito ay epekto ng pag usbong ng uring mestizo at
C kung ito ay epekto ng pagpapatibay n Dekretong Edukasyon ng 1863.

___________1. Ang mga anak ng mga kabilang sac lase media ay nakapag aral sa ibang bansa.

___________2. Nagkaroon ng mga paaralang bokasyonal na nagturo ng tamang paraan ng pagtatanim,


pagkakarpitnero at pagpipinta para sa mga lalaki at pananahi at pagbuburda para sa mga babae.

___________3. NAbuksan ang kaisipan ng mga Pilipino hinggil sa kahalagahan ng edukasyon sa


kaunlaran at tagumpay sa buhay ng tao.

___________4. NAging higit na masigasig ang mga Pilipino sa pagtuklas ng karunungan at


magpakadalubhasa sa ibat’t ibang larangan.

___________5. Ang tatlong buwang paglalakbay sa pagitan ng Kanluran at Silangan ay maari nang
isagawa sa loob lamang ng isang buwan.

___________6. Bumili ang transportasyon at komunikasyon at bumuti ang paraan ng pagsasaka at


pangangalakas sa bansa.

___________7. Nakapasok sa Pilipinas ang mga ideya nina John Locke,Hean Jacque Rousseau, Voltaire at
iba pang pilosopo.

___________8. Binigyan ngilang Kalayaan at karapatan ang mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ni
Carlos Maria dela Torre.

___________9. Nakapag aral sa ibang bansa sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H Del
Pilar atbp.

___________10. NAgkaroon ng karapatang mag aral sa mga paaralang Espanyol ang mga Pilipino.
1. Ito ang konseho na nagtalaga ng ang mga paring regular ang siyang mamumuo sa mga misyon at
pagpapalaganap ng Kristyanismo samantalang ang mga paring secular naman ang mamamahala
sa mga parokya ng bansa.
a. Konseho ng Bansang republika b. Konseho ng Trent
2. Siya ang nagtaguyod ng kilusang Sekularisasyon ng mga PArokya
a. Gomburza b. Msgr. Pedro Pelaez
3. Ang mga paring nakipaglaban para sa layunin ng kilusang Sekularisasyon.
a. Padre Mariano Gomez, Jose Rizal, Jacinto Zamora
b. Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Placido
c. Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora
4. Kailan ginarote ang Gomburza?
a. Pebrero 14, 19889
b. Pebrero 17, 1872
5. Ano ang pagkakaiba ng paring sekular at paring regular?
a. __________________________________
b. __________________________________
6. Magbigay ng 3 layunin ng Kilusang Propaganda
a. _________________________________________________________________
b. _________________________________________________________________
c. _________________________________________________________________
7. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pangungusap na ito: “ Ang pluma ay higit na makapangyarihan
kaysa tabak”.
______________________________________________________________________________

You might also like