You are on page 1of 22

TERITORYO NG

PILIPINAS BATAY SA
KASAYSAYAN
Disyembre 10, 1898
Ang hangganan at limitasyon ng kapuluan
ng Pilipinas ay nasusulat sa kasunduan sa
Paris sa pagitan ng Estados Unidos at
Espanya.
Binayaran ng Estados Unidos ang Espanya
ng dalawampung milyong dolyar
(20,000,000)

Nobyembre 7, 1900
kasunduan sa Washington sa
pagitan ng Estados Unidos at
Espanya.
Idinagdag ang mga
kapuluan ng Cagayan, Sulu,
at Sibutu pati na ang maliit
na pulo na nakalatag sa
baybayin ng Borneo.

Enero 2, 1930
Kasunduan sa pagitan ng
Estados Unidos at Britanya.
Nadagdagan na naman sa
ikatlong pagkaktaon ang
kapuluan ng Pilipinas.
(Turtle Island at Magsee
Islands)
Hulyo 11, 1978
Ayon sa atas ng pangulo
Blg.1596 na nilagdaan ni
Pang. Marcos noong Hunyo
11,1978 ang mga pulo ng
Kalayaan o Spratly Island ay
sakop ng Pilipinas. 290 km
mula sa baybayin ng
palawan

SALIGANG BATAS 1935


Tinutukoy rito na ang pulo
na Batanes ay maisama sa
bahagi ng Pilipinas dahil sa
paninirahan ng maraming
Pilipino sa lugar na ito.

Artikulo I ng Saligang Batas


ng 1987
Ang pambansang teritoryo
ay binubuo ng kapuluan ng
Pilipinas. kasama rito ang
lahat ng mga pulo at mga
karagatang nakapaloob dito.
Kasama ang dagat teritoryal,
ang kalawakan, ang
kailaliman ng lupa, ang
ilalim ng dagat, ang mga
kalapagang insular at iba
pang lugar submarina.
KALAWAKANG
PANGHIMPAPAWID
Ito ay tumutukoy sa bahagi
ng kalawakang sumasakop
sa teritoryong lupain at
karagatan ng Pilipinas
DAGAT TERITORYAL
Bahagi ng dagat na
sumasaklaw sa 3 milya
palabas papuntang dagat. Ito
ang hangganan ng bansa.
ILALIM NG DAGAT
Tumutukoy ito sa
lupang nasa ilalim
ng dagat.
KAILALIMAN NG LUPA
Tumutukoy ito sa
lupang nasa ilalim
ng kalupaan.
DAGAT NA
NAKAPALOOB SA
PILIPINAS
Sumasakop ito sa lahat ng
dagat na nasa pagitan at
nag uugnay sa lahat ng
pulo.
KALAPAGANG INSULAR
Ito ay sumasakop sa mga
talampas na ansa ilalaim ng
tubig na bahagi ng kalatagan
ng dagat na nakadugtong sa
baybayin ng isang pulo.
DOKTRINANG
PANGKAPULUAN
Sa kasalukuyan ang tinatangkilik natin ay
ang Doktrinang Pangkapuluan na
nagsasaad na “Ang Pambansang Teritoryo
ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang
Pilipinas kasama ang lahat ng mga pulo at
tubig na saklaw nito, at ang mga tubig na
nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa
mga pulo ng kapuluan, maging anuman
ang lapad at laki ng mga ito”
UNITED NATIONS
CONVENTION ON THE LAW
OF THE SEA
( UNCLOS )
Pandaigdigang kasunduan
hinggil sa mga batas na may
kinalaman sa teritoryong
pantubig ng mga bansa.

You might also like