You are on page 1of 1

Pasunod-sunorin ang mga mahahalagang pangyayari sa paglalakbay

ng mga Español patungo sa Pilipinas hanggang maging punong-


lungsod ang Maynila. Isulat sa notebook ang inyong sagot.

1. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng España at Maynila sa


pamumuno ni Rajah Soliman.
2. Natuklasan nila ang isang kipot na ngayon ay kilala sa pangalang
Kipot Magellan o Strait of Magellan.
3. Dinaos ang misa sa tabi ng dagat ng Limasawa.
4. Tinawag ni Magellan na Arkipelago ni San Lazaro ang pulong
kanilang napuntahan.
5. Natanaw ng ilang tauhan ni Magellan ang pulo ng Samar.
6. Sa pagkabigo ng pangkat ni Magellan ay nagpadala pa ng ibang
ekspedisyon ang hari ng España patungo sa Pilipinas.
7. Pinadala ang ekspedisyon ni Villalobos at natuklasan nito ang
mga pulo ng Samar at Leyte.
8. Binigyan nila ng pangalang Felipinas ang mga pulo ng Samar at
Leyte.
9. Inaprubahan ni Haring Carlos I ang ekspedisyon ni Magellan.
10. Narating nila ang pulo ng Homonhon.
11. Pinadala ang ekpedisyon na pinangunahan ni Legazpi upang
magtatag ng permanenting pamayanan sa Pilipinas.
12. Naging kauna-unahang pamayanan ng mga Español ang Cebu.
13. Nangyari ang unang pagbibinyag sa bansa si Rajah Humabon
at kanyang asawa.
14. Nasakop ni Legazpi ang Maynila at siyang ginawang punong-
lungsod ng Pilipinas.
15. Naganap ang isang labanan sa pagitan nina Lapu-lapu at
Magellan sa Mactan.

You might also like