You are on page 1of 1

Doktrinang Pangkapuluan

Doktrinang Pangkapuluan- Ang Doktrinang Pangkapuluan (Archipelagic Doctrine) ay


isang likhang guhit na sumasakop sa kabuuang teritoryong sumasakop sa Pilipinas.Ito
rin ay isang doktrinang ng teritoryo sa dagat o karagatan.na naglalayong protektahan
ang pamumuhay at seguridad ng mga mamamayan na nakatira sa mga lugar.Nakasaad
sa batas ang mga likhang isip na guhit (imaginary line) na nagtatakda sa layo at lawak
ng karagatan sakop ng isang bansa. Sa kasalukuyan, umiiral ang lapad na 200 milyang
patakaran batay sa doktrinang pangkapuluan ng Pilipinas na teritoryong pangkaragatan.

Ang United Nations Convention on the Law of the Sea (Kumbensiyon ukol sa Batas
ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa) o UNCLOS, tinatawag din na Law of the Sea
Convention (Kumbensiyon sa Batas ng Dagat) ay ang pandaigdigang kasunduan na
bunga ng ikatlong United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS III), na
nangyari mula 1973 hanggang 1982. Itinatakda ng Law of the Sea Convention ang mga
karapatan at pananagutan ng mga bansa kaugnay ng kanilang paggamit ng mga
karagatan ng daigdig, nagtataguyod ng mga alituntunin sa mga negosyo, kalikasan at
pamamahala ng likas na yamang dagat. Nagtapos ang kumbensiyon noong 1982 at
pinalitan ang apat na tratado ng 1958. Nagkabisa ang UNCLOS noong 1994, isang taon
matapos maging ika-60 bansang lumagda sa tratado ang Guyana. Noong Agosto 2013,
165 bansa at ang European Union ang umanib sa Kumbensiyon. Subalit, walang
katiyakan ang lawak ng saklaw ng pagkodigo nito napagkaugaliang batas
pandaigdig.Itong UNCLOS na ito ay nakakatulong sa doktrinang pangkapuluan sa pag-
alam ng hangganan ng isang bansa.Ang UN din ay nakakatulong dahil ang pangunahin
nitong layunin ay ang pagkaisahin ang mga bansang magkakaiba ng lokasyon buhay at
lahi. layunin ng UN na panatilihin ang katahimikan sa buong daigdig. Itinatag upang
tulungan makabangon ang mga bansang sumapit sa hirap ikalawang digmaang
pandaigdig. Sa kasalukuyan ito ang nagtataguyod ng kaayusan at katahimikan sa mga
bansang kasapi nito.

You might also like