You are on page 1of 1

B.

MGA TERITORYO NG PILIPINAS AYON SA SALIGANG BATAS

1. Saligang Batas ng 1935, 1973 at 1987


ARTIKULO I: ANG PAMBANSANG TERITORYO - Ang pambansang teritoryo ay
binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na
nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o
hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawid nito,
kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, kailaliman ng lupa, kalapagang insular,
at iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at
nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon
ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.
2. RA 3046(1961), RA 5446(1968), at RA 9522(2009)
MGA BATAYANG GUHIT NG PILIPINAS - Nakasaad sa mga batas na ito ang tiyak na
hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ayon sa mga batayang-guhit na nakalahad dito.
Kasama sa teritoryong ito ang lahat ng tubig sa paligid, pagitan at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan, gaano man kalawak o kalalim.

C. MGA LUGAR NA KINIKILALANG KABILANG SA USAPING TERITORYAL NG BANSA

1. PANATAG SHOAL – Scaborough


Shoal ang tawag dito ng pandaigdigang
media. Panatag Shoal at Bajo de Masinloc
sa Pilipinas at Huangyan Dao naman sa
China. Pinagaagawan ito ng China,
Vietnam at Pilipinas.
2. KALAYAAN ISLAND GROUP O
SPRATLY ISLANDS – itinalaga sa PD
1596 ng 1978 na ang Kalayaan Islands ay
kabilang sa teritoryo ng Pilipinas. Sa
kasalukuyan, pagmamay-ari ng bansa ang
mga malalaking lugar sa Spratly.
3. BENHAM RISE/
PHILIPPINE RISE – kilala rin
ito sa tawag na Philippine
Ridge. Ito ay may kabuuang
lawak na 13 milyong ektarya.
Tanging ang Pilipinas lamang
ang may ari ng lugar na ito na
ipinagtibay ng United Nations
Commision on the Limits of
the Continental Shelf noong
Abril 12, 2012.

raymundllordan2018

You might also like