You are on page 1of 41

ARALIN 13

BY: ESMERALDA E. CALAGUI


IGUIG CENTRAL SCHOOL
IGUIG, CAGAYAN
Ano ang mapa ng mundo?
Saan matatagpuan ang
Pilipinas?
Ilarawan ang Pilipinas
batay sa kanyang
lokasyon?
Ang lokasyon ng Pilipinas ay
kilala bilang Pacific ring of
fire o Circum – Pacific Belt
Ang pacific ring of fire ay isang
lugar o rehiyon kung saan
nakalatag ang maraming
aktibong bulkan at kung saan
nagaganap ang madalas na
paglindol.
LOKASYON NG MGA AKTIBONG BULKAN
Christchurch Earthquake, New Zealand
Mount Saint Helens, Washington, USA
Mount Pinatubo, Philippines
Mt. Fuji, Japan
Paricutin Volcano, Mexico
Santiago Earthquake, Chile
Sendai Earthquake, Japan
Halos ang buong bansa ay bahagi ng Pacific
ring of fire. Ayon sa Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
ang ahensya ng pamahalaan na
mamamahala sa mga pakilos ng mga bulkan
sa bansa, may humigit -kumulang 22
aktibong bulkan a Pilipinas.
MGA IMPLIKASYON
POSITIBO NEGATIBO

TAO O MAMAMAYAN TAO O MAMAMAYAN

• pagiging matatag • banta sa buhay at ari-arian


LIKAS NA YAMAN LIKAS NA YAMAN
• Naghahatid ng mayamang lupa na • Pagkawasak o pagkasira ng kalikasan
mainam sa agrikultura
TERITORYO TERITORYO
• Nagtataglay ng likas o natural na • Kailangang ilikas ang mga taong
hanay nakatira malapit sa bulkan sa tuwing
magbabadya ito ng pagsabog.
Ang halos buong bansa ay makaranas ng
landslide dulot ng mga paglindol. Upang
maiwasan an sakunang dulot nito,
makakabubuti na makibahagi sa
EARTHQUAKE DRILL na isinasagawa ng
Disaster Risk Reduction and
Management Council (DRRMC) sa mga
paaralan.
MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY LINDOL
Sa loob ng paaralan o gusali
•Duck cover and walk.
•Manatili rito hanggang matapos ang
pagyanig.
•Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas
na lugar.
•Maging kalmado at huwag magpanic.
LABAS NG PAARALAN O GUSALI
Lumayo sa mga puno, linya ng kuryente,
poste o iba pang konkretong estruktura.
Umalis sa mga lugar na mataas na
maaaring maapektuhan ng landslide o
pagguho ng lupa.
Ano ang gagawin
kung malapit ka
sa tabing dagat?
Lumikas sa mataas
na lugar dahil
maaaring magkaroon
ng tsunami.
Ano ang
tsunami?
Ang tsunami ay epekto
ng nagaganap na
paglindol.
Ito ay ang madalas na
pagtaas ng tubig sa
normal na lebel.
Mapa na mapanganib sa tsunami alert level
TSUNAMI ALERT LEVEL BANTA SA PILIPINAS REKOMENDANG GAWAIN
0 May namumuong malakas na Hindi kailangang lumikas
paglindol
(1)Walang tsunami
(2)May tsunami ngunit hindi
makaabot sa Pilipinas

1- Maghanda (READY) Malaki ang posibilidad ng banta Ang mga komunidad malapit sa tabing-
sa Pilpinas dagat ay kailangang maging alerto sa
posibleng paglikas

2 - Magmanman (WATCH/ OBSERVE) Maaaring maranasan ang Maging alerto sa kakaibang taas ng
bahagyang unos sa dagat tubig alon. Lumayo sa dagat.
3- Umalis (GO) Mapaminsala an namumuong Kinakailangan ang madaliang paglikas.
tsunami na makaaapekto sa
bansa
• Ano ang storm surge?

• Anu- ano ang mga dapat


gawin kapag may storm
surge?
Ang storm surge ay ang
hindi hindi pangkaraniwang
pagtaas ng tubig sa dagat o
karagatan dulot ng lakas ng
hanging dala ng bagyo.
Bagyong Yolanda noong
Nobyembre 9, 2013 na nagdulot
ng malaking pinsala sa
kabisayaan lalong-lalo na sa
Leyte at Samar.
•Bagyong Glenda
•Bagyong Ruby
Ano ang dapat
gawin kapag may
storm surge?
MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY STORM
SURGE:
Gumawa ng plano ng paglikas.
Lumikas sa mataas na lugar.
Lumayo sa mga lugar malapit sa tabing-
dagat.
Tumutok sa radyo at telebisyon upang
alamin ang mga babala ng bagyo.
MGA BABALA NG BAGYO
Signal number 1
Ang bilis ng hangin ay hindi lalampas sa
60 kph at inaasahan sa loob ng 36 na oras.
Makibalita at maging alerto sa maaaring
pagbabago ng posisyon, direksyon at bilis
ng pagkilos ng bagyo.
Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng
inyong tahanan sakaling lumakas ang
bagyo.
SIGNAL NUMBER 2
Ang bilis ng hangin ay nasa 61 hanggang
100 kph at inaasahan sa loob ng 24 na
oras.
Ipinababawal na ang paglalayag n mga
sasakyang pandagat at paglipad ng mga
sasakyang panghimpapawid.
Manatili sa loob ng bahay.
Signal 3
Ang bilis ng hangin ay nasa 101 hanggan
185 kph at inaasahan sa loob ng 18 oras.
Ang mga nasa mababang lugar ay
kailangang lumikas sa matataas na lugar.
Lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na
malapit sa ilog.
Signal 4
Ang bilis ng hangin ay mahigit sa 185 kph
at inaasahan sa loob ng 12 oras.
Manatili sa litas na lugar o sa
evacuation centers.
Lahat ng mga outdoor na gawain at ma
paglalakbay ay dapat kanselain.
Ayon s PAGASA, ang ahensiya ng
pamahalaan na nangangasiwa sa
mga paparating na bagyo at ibang
kondisyon o kalagayan ng panahon,
humigit- kumulang sa 20 bagyo ang
dumaraan sa bansa bawat taon.
GAWAIN A
Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
talata.
Ang Pilipinas ay isang _________ na nakalatag sa bahaging
_________ ng Karagatang Pasipiko. Ito rin ang matatagpuan sa
rehiyon ng _____________. Napakaganda ng lokasyon nito
pagdating sa turismo ngunit ang higit na kinakatakutan ay nag
pagiging bahagi nito ng ___________ dahil sa pagiging aktibo ng
mga bulkan na nakalatag dito. Gayunpaman, higit pa rin akong
nagpapasalamat dahil ____________.
Gawain B
Talakayin ang maaaring maging
implikasyon sa tao o mamamayan, likas
na yaman, at teritoryo ng pagiging
bahagi ng Pilipinas sa Pacific ring of
Fire. Pagktapos, magbigay ng sariling
opinyon hinggil dito. Iulat sa klase.
IMPLIKASYON SA BUNGA NG AMING OPINYON NG
PANANALIKSIK AMING PANGKAT
TAO/
MAMAMAYAN
LIKAS NG YAMAN
TERITORYO
GAWAIN C
Magpakita ng pagsasadulang mga
nararapat gawin sakaling mararanasan ang
mga kalamidad.
Unang pangkat- bagyo
Ikalawang pangkat- lindol
Ikatlong pangkat- storm surge
Ikaapat na pangkat- baha
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ng tawag sa lugar o bahagi ng mundo
kung saan nakalatag ang maraming aktibong
bulkan at kung saan nagaganap ang madalas
na mga paglindol?
a. Pacific ring of Fire
b. Storm surge
c. Tsunami
2. Anong ahensya ng pamahalaan na
namamahala sa mga pagkilos ng
mga bulkan?
a. PHIVOLCS
b.PAGASA
c.DRMMC
3. Anong babala ang bilis ng
hangin ay mahigit sa 185 kph at
inaasahan sa loob ng 12 oras?
a. Babala 1
b.Babala 2
c.Babala 3
4. Anong bahagi ng
bansa ang mapanganib
sa bagyo?
a. Lugar malapit sa baybayin
b. sa mga lungsod
c. sa mga bukirin
5. Anong ahensya ng
pamahalaan ang nangangasiwa
sa mga parating na bagyo at
ibang kondisyon ng panahon?
a.PHIVOLCS
b.PAGASA
c.DRMMC

You might also like