You are on page 1of 2

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

IKALAWANG MARKAHAN
S.Y. 2022-2023
Pangalan:___________________________________ Baitang at Seksyon:_____________________ Iskor:______
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Siya ay ______ na bata. Ibinalik niya sa may ari ang pitaka na napulot niya.
A. matapat B. matalino C. matulungin D. masayahin
_____ 2. ______ ang biko na niluto ni nanay.
A. Mapait B. Maasim C. Maalat D. Matamis
_____ 3. ______ ang taniman ng gulay ni lolo kaya marami siyang tanim dito.
A. masikip B. malawak C. maliit D. mababa
_____ 4. Ang aking kapatid ay _____ sa pag awit.
A. matalino B. magaling C. masaya D. maayos
_____ 5. Ang tigre at leon ay _____ na hayop.
A. maaamo B. mababangis C. mababait D. matatapang Para sa bilang 6-
9. Piliin ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na salita na nakasalungguhit sa pangungusap.
_____ 6. Kailangan pa rin natin ang patnubay ng ating mga magulang.
A. kalinga B. subaybay C. suriin D. alaga
_____ 7. Nang dumating ang araw ng kanilang pagtatagpo, nakapagpasya na siya.
A. nakapagsalita B. nakapagsayaw C. nakatulog D. nakapagdesisyon _____ 8. Ang
pagkalinga ng nanay ay hinahanap-hanap ko.
A. pagpuri B. pag-alaga C. pagsama D. pagtuturo
_____ 9. Ang pagiging guro ay dakilang propesyon.
A. gawain B. libangan C. pangarap D. pantawag
Para sa bilang 10-12. Punan ng pandiwang angkop sa panahunang ginamit sa pangungusap.
_____ 10. _____ ng malaking baha ang magdamag na ulan kagabi.
A. Nagdulot B. Magdudulot C. Dulot D. Nagdudulot _____ 11.
Ang grupo nila ay ________ngayon sa entablado.
A. magtanghal B. nagtatanghal C. itatanghal D. nagtanghal _____ 12. _____
sila sa patimpalak noong nakaraang Linggo.
A. nanalo B. nananalo C. panalo D. mananalo
Para sa bilang 13-17. Ilarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin.
_____ 13. “Yehey! May bagong laruan akong binili ni nanay, tuwang tuwang sabi ni Ben.” Si Ben ay _
A. nagtatampo B. nagseselos C. natutuwa D. nasasaktan
_____ 14. “Kuya, pwede ko bang hiramin ang bago mong laruan? Ibabalik ko ito mamaya, pakiusap
ni Brent.” Si Brent ay _____?
A. nasasaktan B. nakikiusap C. nagtatampo D. nagseselos
_____ 15. “Halika nga rito Brent! Bakit mo sinira ang laruan ko?” Si Brent ay _________?
A. nagagalit B. natutuwa C. nasasaktan D. nagtatampo
_____ 16. “Hindi ko po sinasadya, sorry kuya.” Nabagsak ko po kasi. Aray! Tama na kuya.” Si Brent ay _
A. nagtatampo B. nasasaktan C. naiinis D. nagseselos
_____ 17. “Brent, pasensya ka na sa nagawa ko sa iyo. Hindi na kita sasaktan ulit. Magiging mabait
na kuya na ako sa iyo.” Si Ben ay __________?
A. nagsisisi B. nagtatampo C. natutuwa D. nagdaramdam
Para sa bilang 18-20. Ibigay ang paksa sa mga sumusunod na talata.

May angking katapangan, handang ipagtanggol ang bayan laban sa mga nang aabuso, tayong mga Pilipino,
makabayang totoo.
_____ 18. A. Kasipagan B. Katapangan C. Kabayanihan D. Kapayapaan
Saan mang panig ng mundo, madaling makilala ang Pilipino; kayumanggi ang kulay, wastong pag - uugaling
taglay.
_____ 19. A. Kulay ng Pilipino B. Kinalalagyan ng mga Pilipino C. Katangian ng Pilipino
Tayong mga Pilipino may isang lahi. Galing sa marangal na tribu at lipi, angkan ng mga maginoo’t bayani.
Sambayanang maipagmamalaki.
_____ 20. A. pagsasama B. pagmamalaki C. pagkakaisa D. pagtutulungan
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4
IKALAWANG MARKAHAN
S.Y. 2022-2023
Pangalan:___________________________________ Baitang at Seksyon:_____________________ Iskor:______
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ang sumusunod ay nagpapahayag ng pakinabang ng likas na yaman MALIBAN sa isa.
A. Ito ay nagpapaganda sa ating bansa.
B. Ito ay nagbibigay hanapbuhay sa mga tao.
C. Ito ay nakatutulong sa karagdagang kita ng ating bansa.
D. Ito ay nakakasira ng mga modernong gusali na makikita sa ating bansa.
_____ 2. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng ating kabuhayan?
A. Ang mga likas na yaman ay nagsisilbing atraksiyon sa mga turista.
B. Ang mga kalakal at produkto ay maaaring iluwas sa ibang bansa upang mapagkakitaan.
C. Ang lakas ng tubig at hangin ay pinagkukunan ng enerhiya ng ating bansa kaya hindi na
kailangang umangkat pa ng maraming krudo at langis.
D. Ang mga pahayag sa A, B at C ay tama.
_____ 3. Sa anong pangkat na sumusunod ang tumutukoy sa hamon ng mga gawaing
pangkabuhayan?
A. Programang Blue Revolution at Biyayang Dagat
B. Limitadong pondo, suliranin sa irigasyon at El Niño Phenomenon.
C. Makabagong teknolohiya, bagong pantalan at bagong planta ng yelo.
D. Pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater sonars at radars.
_____ 4. Alin ang maituturing na oportunidad sa pagsasaka?
A. Pagkasira ng kalikasan. C. Kahirapan dulot sa mababang kita ng mga magsasaka.
B. Kawalan ng control sa presyo. D. Paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang
Produksiyon
_____ 5. Alin sa sumusunod ang pinakalamalaking hamon na kadalasang kinakaharap ng mga
mangingisda?
A. Climate change o pagbabago ng klima ng mundo
B. Pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat
C. Mga kalsada, tulay, at iba pang impraestrukturang nakababagal sa transportasyon
D. Hindi epektibong pangangalaga ng mga yamang-dagat lalo na sa mga protektadong lugar _____ 6. Si Mang Kanor
ang pinuno ng mga samahan ng mangingisda sa kanilang lugar. Ano ang
maaari niyang gawin upang matulungan ang kapwa mangingisda?
A. Hayaan na lamang ang mga mangingisda sa gusto nilang gawin.
B. Wala siyang gagawin dahil hindi naman niya tungkuling tulungan ang ibang mangingisda.
C. Sabihan ang mga mangingisda na humingi ng tulong sa kapitan ng kanilang barangay.
D. Maglunsad ng mga programa na makatutulong sa pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda.
_____ 7. Ang sumusunod ay mga kapakinabang pang-ekonomiko MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. Enerhiya B. Kalakal C. Palamuti at Produkto D. Turismo
_____ 8. Aling likas na yaman ang nagbibigay ng enerhiya mula sa lakas ng hangin?
A. Boracay B. Lawa ng Caliraya C. Maria Cristina D. Windmill sa Bangui
_____ 9. Anong pakinabang na pang-ekonomiko ang makukuha sa mga likas na yaman tulad ng palay, isda, mais, at
prutas?
A. Enerhiya B. Kalakal C. Sariwang pagkain at Produkto D. Turismo
_____ 10. Sagana ang ating bansa sa mga kabundukan, kagubatan, bulkan, at talon. Anong
pakinabang na pang-ekonomiko ang naidudulot ng mga ito?
A. Enerhiya B. Kalakal C. Sariwang hangin D. Turismo
11-15. Basahin at tukuyin kung anong bilang ang nagpapahayag ng wastong paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman. Lagyan ng tsek kung tama at ekis kung mali.
_____11. Pagpuputol ng puno
_____12. Paggamit ng dinamita
_____13. Paggamit ng organikong pataba sa pananim.
_____14. Gumagawa ng hukay at dito tinatapon ang mga basurang nabubulok.
_____15. Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan kanal, ilog at dagat.

You might also like