You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

PAARALANG TIMOTEO PAEZ


Balut, Tondo, Maynila

FILIPINO VI- IKALAWANG MARKAHAN


LAGUMANG PAGSUSULIT 2

Pangalan: _________________________________________________ Iskor : _____________


A. PANUTO: Basahin ang sumusunod at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating
karanasan/kalaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Masinsinang nag-uusap sina Bb. Faraon at Gng. Animas sa labas ng paaralan nang biglang may mga batang
naghahabulan papasok sa paaralan. Nasagi ng isang bata si Bb. Faraon at natumba ito.
_____________________________________.
A. Nagtawanan ang dalawang guro.
B. Naglaro ang mga bata sa parke.
C. Nagkayayaan ang mga batang mamasyal sa malapit na mall.
D. Humingi ng paumanhin ang batang nakabangga sa kay Bb. Faraon.
2. Nagwawalis ng bakuran si Aling Magding nang biglang kumidlat nang malakas.
__________________________________.
A. Nagtawanan ang mga batang naglalaro.
B. Sa pagkagulat ay tumakbo siya papasok ng bahay.
C. Nagbihis siya at nagtungo sa palengke para bumili ng lulutuing ulam.
D. Pumasok siya sa bahay at nagluto ng pagkaing ihahain sa mga bisitang dadating.
3. Mabilis magpatakbo ng motor si Johnald ipinagyayabang pa niya ito sa kaniyang mga kaibigan. Isang araw
niyaya niya si Leo na sila ay magkarera. _________________________________.
A. Nagtungo ang magkaibigan sa mall.
A. Naglaro ang mga bata sa bakuran nila Johnald.
B. Nagkarera silang dalawa at nanalo si Johnald.
C. Naglaro ng basketball ang magkakaibigan.
4. Tutok na tutok sa panonood ng balita ang mag-anak na Turalba nang biglang namatay ang TV at ang ilaw.
__________________________.

A. Nagsayawan ang mga bata.


B. Namasyal ang mag-anak sa parke.
C. Natakot ang mga bata at nagtakbuhan papunta sa kanilang magulang.
D. Nagluto ng hapunan ang nanay habang ang itay naman ay nag-iigib ng tubig.
5. Habang kumakain ay may kinakausap sa cellphone si Kennan kaya’t hindi niya namalayan na ang isdang
kaniyang sinubo ay may tinik pa. ____________________.
A. Napasigaw si Kennan sa sobrang saya.
B. Sumayaw siya ng Tiktok kasama ang kaniyang mga kaibigan.
C. Nabulunan siya at humarang ang tinik sa kaniyang lalamunan.
D. Mangiyak-ngiyak si Kennan dahil aalis na ang kaniyang nanay papuntang Hongkong.
B. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod pangungusap. Ibigay ang tamang sagot
ayon sa hinhingi ng bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

6. Lima ang anak ni Mang Jose. Naiwan ito sa kanya ng kaniyang asawang maagang namatay. ____________
ang kaniyang ginagawa upang matustusan ang pag-aaral at pangangailangan ng mga ito.
A. anak-pawis B. balat-sibuyas C. kayod-kalabaw D. hampas-lupa
7. May sakit si Annie. Ang sabi ng kaniyang mga doktor ay sapat na pahinga, tamang pagkain, ehersisyo at
regular na pag-inom ng gamot ang kailangan niya. Sinunod niya ang lahat ng ito. _______________ ang payo
ng kaniyang doktor.
A. mabango B. mabait C. mabisa D. matapang
8. Dilaw,pula at berde ang mga ilaw na simbolo ng batas trapiko. Mga kulay na kabisadong-kabisado na ni Jaja.
Madalas niya itong makita sa tuwing siya ay pumapasok sa paaralan. Batid niya na ang mga ito ay nararapat
lamang na sundin. Si Jaja ay _____________.
A. maaalahanin B. mapitagan C. masipag D. masunurin

9.____________ ang mga anak ni Aling Zeny. Magagalang na pananalita ang maririnig mo sa kanila tuwi-tuwina.
Maging ang pagmamano at paghalik sa kamay sa mga nakatatanda ay ginagawa din nila.
A. magagalang B. masusungit C. matatapang D. matutulin
10. Ang dengue at malaria ay mga sakit na nagmumula sa kagat ng lamok. Ang mga sakit na ito ay
nakamamatay. Ang sakit na dengue at malaria ay maituturing na ______ .
A. mabigat B. maganda C. mapanganib D. masarap
11. Gusto nating ipagpatuloy ang pagtuturo at pag-aaral ng ating mga anak dahil ito ay napakahalaga para sa
kanila at sa kanilang mga pamilya. Anong kayarian ng pang-uri ang may salungguhit ay _______.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
12. Sa pariralang sa laki ng pandemya na ito, ano ang pang-uring ginamit?
A. pandemya B. na C. laki D. laki na ito
13. Pero bibigyan natin ng malaking importansya ang kaligtasan ng ating mga masisikap na magulang. Ang pang-
uring ginamit sa pangungusap ay _________________.
A. maramihan B. isahan C. dalawahan D. tatluhan
14. Si Michael ay _______________ na bata dahil hindi siya mahilig sa masusustansiyang pagkain.
A. maselan B. sakitin C. masigla D. malungkot
15. Tunay na dalagang Pilipina si Sheila kaya kulay kayumanggi ang kaniyang balat. Ang kayarian ng pang-uring
ginamit sa pangungusap ay ________.
A. payak B. maylapi C. inuulit D. tambalan
16. Siya ay mapaggkawanggawa sa mga nasalanta ng bagyo. Alin sa mga pangungusap ang pang-uring maylapi?
A. siya B. bagyo C,. mapagkawanggawa. D. nasalanta
17. ____________ delata ang kanyang ipinamahagi sa mga nasunugan. Alin ang angkop na pang-uring inuulit sa
pangungusap?
A. libo-libong B. pulo-pulo C. putting-puti D. sariwang-sariwa
18. _______________ ang matangos na ilong ng kanilang panauhin. ang angkop na tambalang
pang-uri sa pangungusap ay ________________.
A. agaw-pansin B. kambal tuko C. balat-sibuyas D. suntok sa buwan
19. Palaging nasa harap ng salamin si Nene at pinagmamasdan ang sarili. Masaya siya sa kaniyang ______ na
kutis.
A. malambot B. makinis C. nakamamangha D. maaliwalas
20. Hindi naging ____________________ ang buhay dahil sa pandemya. Subalit nananatili pa rin ang pag-asa na
malalampasan natin ito.
A. mahirap B. madali C. madilim D. malungkot

C.PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na konsepto at tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
pangngalan pang-uri payak maylapidalawahan
inuulit isahan tambalan maramihan

21. Ang ____________________ ay naglalarawan sa pangngalan at panghalip.


22. Ang ____________________ ay kayarian ng pang-uring binubuo ng saltang-ugat at panlapi.
23. Ang _____________________ ay kayarian ng pang-uri na binubuo ng dalawang magkaibang salitang
pinagtatambal.
24. Ito ay tumutukoy sa kailanan ng pang-uri na naglalarawan ng dalawang pangngalan at panghalip.
25. Ito ay tumutukoy sa kailanan ng pang-uri na naglalarawan sa tatlo o higit pang pangngalan at panghalip.

“Katapatan ang pinakamahusay na patakaran”

You might also like