You are on page 1of 1

Politika:

- Alam naman natin na ang Globalisasyon ay isang kasunduan sa pagitan ng mga bansa, at sa
bawat kasunduan na ginagawa ng ating mga pangulo sa pagitan ng mga iba’t- ibang bansa ay
apektado hindi lamang tayo pati na rin ang ating bansa. Masyadong nagtitiwala ang ating mga
pangulo sa paggawa ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa, ngunit mapagkakatiwalaan nga ba
sila? Alam naman natin na mas makapangyarihan sila kesa sa atin at kapag may hindi sila
nagustuhan sa ating ginagawa o desisyon ay nagdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan at sa
bawat hindi pagkakaintindihan ay maaring magkaroon ng gera o gulo. Maaring masira ang
kasunduan at maari nilang samantalahin ang ating kahinaan. Dahil dito maaari ring magkaroon
nang pagaagawan ng teritoryo. Maaari nating maging halimbawa rito ang west Philippine sea
nagkakagulo ang ating bansa sa pagitan ng tsina kung kaya’t nagkakaroon nang pagaagawan ng
teritoryo. Ngayon ay inaangkin na ito ng tsina at dahil wala tayong kalaban laban sa kanilang
kapangyarihan ay hinayaan lang natin na maagaw o angkinin ang kung ano ang dapat ay sa atin.
- Hinding hindi mawawala sa isang gobyerno ang mga kurap na politiko, mayroong hindi susunod
sa kung ano ang napagkasunduan. Aminin man natin o hindi lahat lamang ng ito ay para sa pera,
nakakalungkot isipin na gumagawa tayo ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa ngunit ang
kanilang bansa lamang ang umuunlad at umaasenso. Naiiwan ang ating bansa sa pag-unlad dahil
kulang tayo sa aksyon na nagiging sanhi kung bakit maraming tao ang lumalabas ng Pinas.

Possible rebuttal

- Matatawag mo ba ang isang bansa na maunlad kung maraming tao ang naghihirap at walang
trabaho? Aminin natin na maraming proyekto at plano ang ating gobyerno upang umunlad ang
ating bansa at mapaganda ito, ngunit natutuloy ba ang mga ito? Hindi niyo ba napapansin na
gumagawa at nagpaplano sila ng mga proyekto upang pagtakpan kung ano talaga ang
nangyayari sa ating bansa, gusto nila na maganda ang imahe ng Pilipinas sa harap ng ibang
bansa at ng ibang mga politiko. Tayo’y magising sa katotohanan na hindi na maaayos at
mapapaunlad pa ang Pilipinas. Masyado tayong naniniwala sa kanilang mga pangako at
nagbubulag-bulagan tayo sa kung ano ang totoo para lang sa panandaliang saya na
pinaparamdam ng ating gobyerno. Masyado tayong nahuhulog sa kanilang mga salita, hindi
naman nila ito kayang panindigan at tuparin. Aminin na natin na hanggang salita na lamang ang
ating gobyerno at walang wala sa gawa. Magising tayo sa katotohanan na hindi mababago o
maaayos ang Pilipinas kung gantong lider o pinuno ang meron tayo. Pagawa rito pagawa roon,
sapat ba ito upang masolusyonan ang problema ng ating bansa? Hindi sapat ang pagpapaganda
ng teknolohiya at pagpapatayo ng mga magagandang gusali kung maraming tao ang naghihirap,
walang makain, at walang trabaho.

You might also like