You are on page 1of 2

Hazel S.

Camingay
BSBA II-B

HIST 1013
Professor. Eman Nolasco

EDUKASYONG KOLONYAL: SANHI AT BUNGA NG MAHABANG PAGKAALIPIN


Sa haba ng panahong lumipas, sa dami ng mga pangyayaring pinagdaanan, masasabi
nga ba natin na malaya na ang ating bansa? Oo, hindi? Paano? May mga makapagsasabing
oo, tayo ay malaya na dahil yun na ang nakatatak sa ating isipian mula ng tayo ay isinilang ng
ating mga magulang. Mayroon pa din na katulad ko ay naniniwalang hindi pa tayo tuluyang
nakalaya sa pagkakabilanggo sa atin. Sa kamay ng makapangyarihang bansa tayo ay patuloy
pa ring inaalipin sa sarili nating bayan nang hindi natin namamalayan.
Hindi mulat sa ating mga mata na tayo ay nasa ilalim ng imperyalismo ng Estados
Unidos hanggang sa kasalukuyang panahon. Tila tayo ba ay nabubulagan o nagbubulagbulagan lamang? Sa ngayon, kung ating iisipin sa mababang pananaw, paano ito nangyayari sa
atin, at paano nga ba ito nakaka-apekto? Ayon sa pagsusuri ni G. Lumbera, sakop pa rin tayo
ng Estados Unidos sa mga aspetong politikal, ekonomikal, at iba pa kahit na nasabing tayoy
nakalaya na sa kamay ng mga Amerikano noong unang panahon. Laking tuwa siguro ng ating
mga ninunong Pilipino nang masabing tayoy nakalaya na mula sa mga nanakop sa ating
bansa. Sa dami ng paghihirap na pinagdaanan, lubos na galak ang malamang malaya na tayo.
Malaya na nga ba? Sa bawat presidenteng naihalal noong unang panahon, nakita ng mga
kapwa nating Pilipino ang hangaring mapa-unlad ang bayan. Ngunit bakit kahit malaya na tayo
ay ramdam at makikita pa rin ang presensya ng mga Amerikanong minsan tayong sinakop?
Lingid sa ating kaalaman na ang mga pinunong ating inakalang tutulong sa atin at magtatanggol
ay naglagay sa atin sa alanganing sitwasyon upang tayo ay lalong maimpluwensyahan at
maging alagad ng Estados Unidos.
Bakit nga ba naiimpluwensyahan ang ating mga pinuno? Iniipit ba sila, sinusuhulan?
Hindi natin maitatago ang katotohanang nangangailangan tayo. Sagana man ang bayan natin
sa likas na yaman ay hindi natin maikakailang may mga bagay din tayong kailangan. At dahil
hindi kuntento ang tao sa kung anong meron sila, naghangad pa tayo ng higit pa sa dapat.
Kapalit ng impluwensyang tinatanggap ng mga pinuno ay tulong; tulong na kung titignan mo ng
mabilisan ay nakakabulag at nakakahikayat nga naman. Sino ba namang ayaw matuto, kumain,
magdamit ng maayos at mamuhay ng sagana? Tinanggap natin ang mga tulong na ito nang
hindi natin nalalalaman ang kapalit. Tulong nga ba itong maituturing kung ang kabilang partidoy
naghangad ng kapalit?
Nakisama at nakasalamuha ang mga banyaga sa atin upang ipakilala sa atin ang
kulturang hindi natin kinagisnan. Ano ang dahilan, may lihim nga bang motibo? Ipinakita nila
ang kanilang kultura sa atin at hinangad na gustuhin natin ito, ipinalabas na kailangan natin ito
at dahil sa imperyalismong pamamaraang ito, tayo nahikayat at nalulong. May sarili tayong
kultura, paniniwala, ngunit sino nga ba ang tatanggi kapag inalok ng regalo? Sa kabila ng
panghahalina ng mga Amerikano, may ilang mga tao pa ring tutol sa pamamaraang ito gaya ni
Macario Sakay. Sinubukan pa rin nilang lumaban sapagkat taliwas ang kanilang pananaw sa
pinuno at pamamalakad nito. Sa kasawiang palad ay hindi nagtagumpay si Heneral Sakay at
nalinlang, ang pag-uusap ay nauwi sa bitay. Iilang pinuno pa ang nagdaan na nagpatunay sa
imperyalismong pamamalakad. Bawat desisyon, kilos na kanilang ginawa ay nagpatunay na
tayo ay nasa ilalim pa rin sa pamamalakad ng mga Amerikano. Ilang batas ang pabor sa mga
Amerikano sa kanilang mga negosyo na hinahayaan silang kumonsumo ng mga yaman ng
ating bayan na sa aking pananaw ay hindi wasto. Noong digmaang sibil ay nakisali rin tayo sa
gulo sa Korea kung saan naatasan tayong magpadala ng tulong sa mga Amerikano sa

pakikipag-digmaan nila. Naging daan din tayo noong giyera sa Vietnam. Hindi man ako
nabuhay noong mga panahong iyon, alam ko na maraming buhay ang nanganib, marami ang
natakot at nagsakripisyo. Masakit mang isipin, ngunit, ano nga bang magagawa ng isang
mamamayan na sunud-sunuran sa kanyang Inang Bayan. Ipinatupad ang Martial Law na
buong akala ko ay para sa ating mga Pilipino ngunit, aking ikinagulat at ikinalungkot na bahagi
rin pala ito ng pamamaraang imperyalismo. Dahil sa mahigpit na batas noong mga panahong
iyon ay ligtas ang mga empresa sa kanilang pamamalakad, sa kanilang pagpapayaman.
Ipinatupad iyon hindi lang dahil sa mga gulong naidulot ng mga kapwa natin Pilipino kung hindi
dahil din sa mga Amerikanong gusto protektahan ng ating pangulo. Mayroon ngang pangulong
nahalal na kontra sa imperyalismong pamamaraan ngunit nang siyay maupo na at nagserbisyo, nawala rin; nabulag, nabura, o kay lakas ng impluwensyang ito.
Mga aklat na nagsilbing tulong at gabay sa ating mga Pilipino. Salamat sa edukasyon,
sa tulong, at pagmamalasakit. Ngunit, kung bubuklatin ang aklat, sino, ano, bakit? Ang mga
nilalaman nitoy hindi para sa atin, kung hindi para sa kanila. Nagpapalawak lamang ang
Estados Unidos, at tayoy pumayag maging galamay, magpasakop.
Kung ano ang simula ay siyang punot dulo. Ang pagkakamali noon ay siyang
pagkakamali ngayon. Dinala ng mga pinuno ngayon ang pagkakamaling naghatid sa atin sa
pagkakasakop. Hindi man lantaran, itoy palihim naman. Bilang isang mag-aaral ako ay nagaalala, nalulungkot, at nagagalit. Sa mga paghihirap na dinanas natin noon sa kanila ay nagawa
pa natin silang pagsilbihan. Tila bay bulag ang mga tao, lalo na ang mga pinunong siyang higit
na nakakaalam sa mga nangyayari.
Nakikinabang tayo sa kanila? Mas higit silang nakikinabang sa atin.
Bilang isang mag-aaral, taliwas ako sa pamamaraang ito. Kung tayoy malaya na, bakit
may mga ganito pang nangyayari? Binubulag natin ang ating mga sarili sa lihim na pakay sa
atin, hindi lang ng Estados Unidos kung hindi pati ng iba pang mga bansa. Ang tulong ay
ginagawa ng walang kapalit, ng kusang loob. Sa aking pananaw, negosyo ang ginagawa nating
mga bansa. Naging sakim ang mga tao, naging makasarili, kaya nabulag sa mga bagay na
dapat makita at maintindihan.
Oo, kailangan natin sila, at naniniwala rin akong kailangan nila tayo. Nakakalungkot lamang
isipin ang mga nangyari noon. Nasa nakaraan man silay hindi ko maiwasang isiping hindi ito
mauulit. Magkakamali ba tayong muli? Ang pagkakamaling nauulit ay hindi pagkakamali, ito ay
desisyon, pagpili.
Aking mga kababayan, ano bang dapat gawin? Hindi ko nais ang gulot himagsikan, tanging
nais ko lamang ay mamulat ang ating mga matat isipan sa mga taong nasa paligid natin, ang
kanilang pakay, makabubuti nga ba o makakasama?
Hinayaan natin silang gamitin tayo para sa ikabubuti nila.

You might also like