You are on page 1of 2

Ang estratehiya ng pangungubkop na nag balat kayo bilang pagtulong.

Juan, may kuwento ako sayo.

Maraming bagay at pangyayari na parating inakala ng Karamihan sa atin ay totoo,bilang ito ay wari bang
hindi natin makuwestyon dahil sa pinapalabas nitong anyo. Halimbawa na lamang ng “Kalayaan” as
“soberanya” na ating tinatamasa sa kasalukuyan, matapos ang pananakop ng mga kolonyalistang bansa,
ay sa pagkakaalam natin ay totoo dahil may kredibilidad sa papel at pa tuloy na pinaniniwala sa atin ng
gobyerno at kagawaran ng edukasyon.

Ngayon, magsisimula ito sa isang tanong na “Malaya na ba tayo?” tiyak ang ako na ang sasabihing sagot
ni Juan ay “oo, Malaya na tayo dahil pilipino na ang mga namumuno sa atin.” Marahil, ang alam lang
natin na konsepto ng pagiging Malaya ay ang pisikal na kaanyuan ng konsepto ng isang Malayang bansa
kung saan kababayan na natin ang nagsusulong ng mga batas at ikabubuti ng marami. Subalit, ang
katotohanan ay hindi lamang maaaring makulong sa ganong konsepto, dahil sa oras na gumamit tayo ng
ibang lente sa pagsilip sa mas malawak na perspektibo, ang mga pilipino sa ating bayan ay hindi tunay na
Malaya. Tayo ay nakulong sa mga ideolohiya na iniwan sa atin ng mga mananakop na bansa kung kaya’t
hindi natin alam na tayo ay sumusunod sa agos ng walang pagrereklamo.

Juan, nais mo ba malaman ang mga dahilan?

Upang masilip ang mga salik na nagpapatibay ng ating “pagkakulong” sa kamay ng mga elitista, narito
ang mga patunay:

Ginamit ng mga kapitalista ang ang sistema ng edukasyon Upang punuan tayo ng mga kaalaman na ating
gagamitin sa oras na tayo’y pumasok sa “Job Market” na ang katotohanan ay mga banyagang kapitalista
ang mga naghahari. Hindi matatawaran at maikakaila ang galing ng pinoy sa iba’t-ibang larangan ngunit
hindi natin nakikita ang mas malaking persepsyon na hindi sapat ang ating natatamasa. Natuwa tayo sa
mga opurtinidad na binigay ng mga banyaga sa atin Upang makapagtrabaho, at kumita ng mas malaki ng
bahagya sa sapat. Walang muwang na ang ating mga kakayahan at talino ay nasusuklian lamang ng
mababang halaga. Makikita rin na dahil sa nasabing sistema ng edukasyon at pagkakaroon ng trabaho,
ay ang pagpapawalang bahala ng ating gobyerno sa mga mamamayang naghihikahos sa kahirapan at
kawalan ng kaalaman dahil pawang may mga sapat na pera lamang ang nakakapagaral. Mga
nakaklungkot at nakakabahalang epekto ng globalisasyon. Kung saan, ang dapat sana na
kapakipakinabang na hangaring makapantay kahit papaano sa mga mauunlad na bansa ay nauwi lang sa
ilusyon.

Sa aspeto naman ng mga paniniwala at relihiyon sa ating estado, tayo ba talaga ay tunay nang Malaya
kahit pa nawala na ang mga dating kura at prayle na nagkalat ng mga batas na alinsunod sa kagustihan
ng Diyos, na ang sinumang lumamabag ay itatapon sa dagat-dagatang apoy sa impyerno? Hindi.
Hanggang ngayon, dala-dala ng mga kasalukuyang henerasyon ang naipamana sa kanila g
konserbatibong pagiisip. Kung saan, ito ay pumapabor lamang sa mga taong nakikinabang at hindi
natatapakan sa mga paniniwala na kanilang sinasabi. Kung kabutihang panlahat ang layunin ng mga
relihiyon, bakit kailangan pa magbato ng mga nakakasakit na mga salita? Salitang wari bang totoo
marahil ibenase sa laman ng bibliya o kung ano pa mang aklat.

Sa mga “pagtulong” na pinimahagi ng mga kolonyalistang bansa, ang pagkabulag ay nagmistulang sakit
na nakakahawa na ipinamana na sa atin ng ating mga ninuno. Ligtas na ang bayan sa pisikal na pa
nanakit at pagkolonya sa estado ngunit nabibibag parin ang pagiisip at puso sa mga ideolohiyang na
iwan sa atin. Nakalimutan o hindi natin naiisip na kaya sana natin maging maunlad na bansa kung ang
itinanim sa mga puso ng kabataan ay hindi ang pagihing ganid sa kayamanan at mga makasariling
hangarin na mapabilang sa mga naghaharing Uri. Binigyan tayo ng kaalaman na pawang gagamitin
lamang Upang manilbihan sa kompanya ng mga kapitalista, at hindi ang pagkamulat sa ideya ng
pagmamahal at solidaridad at sa bayan, at kababayan. Nangibabaw ang mga prinsipyong hinango sa
relihiyon na gumawa ng malaking dibisyon sa mga tao, sa halip na mga tulay Upang matamasa ang
pagmamahal at pag-unawa.

Juan, talo parin pala tayo. Pero huwag ka sana panghinaan ng loob dahil magsisimula palang tayo sa
pagpapamulat sa ating kababayan. Makakawala rin tayo sa rehas ng pasipikasyon.

You might also like