You are on page 1of 2

Ang Niyuyurakang Karapatan

I. Introduksiyon
- Kung susubukang ibuod sa iilang salita ang nararanasan ngayon ng karamihan
sa LGBTQI+, malamang ito ang mga salitang gagamitin; binabalewala,
hinuhusgahan, niyuyurakan. Sa ating lipunan na di hamak na ginagarapata na ng
mga mabababaw na pag-iisip at samut saring kakulangan sa dangal, hindi na
nakakagulat pang makabalita ng kung ano mang pambabatikos sa ibang tao.
Datapwat, nakakamahanga pa rin na talagang pababa nang pababa ang
pagtingin ng mga tao sa mga mamamayan nating may karapatan. Sa loob ng
napakaraming taon mula noong lumitaw ang terminong “LGBT” sa lipunan,
nasaksihan natin ang sagutan ng iba’t ibang pananaw ng iba’t ibang
mamamayan; ang mapagtanggap at ang mapanghusga. Subalit, mas
namamayani parin ang diskriminasyon kaysa sa respeto sa pagkakakilanlan ng
mga tao sa kanilang sarili. Nagsisimula nang lumaganap ang pagbibigay
kaalaman tungkol sa konseptong ito ngunit kapansin-pansing hindi ito makatagos
sa magagaspang na balat ng silang nambabastos — ang mga homophobic.
Kasama ng racism, diskriminasyon sa relihiyon, atbp., ang homophobia ay isa pa
sa mga uri ng diskriminasyon na hinaharap ng lahat ng bansa lalo na dito sa
Pilipinas. Halimbawa na lamang, ilang beses mo nang narinig ang sitwasyong
pagtatakwil ng isang pamilya sa kanilang anak na di umano’y kinikilala na ang
kanilang sarili na nabibilang sa LGBTQI? Ikumpara mo ito sa senaryo na kung
saan sila naman ay tinanggap? Napansin mo ba na parang bihira ang
pagtanggap kaysa sa paghindik? Ngayon, wala namang masama kung hindi
sumusuporta ang isang indibidwal sa konseptong ito. Subalit, palusot ba ito
upang basurahin ang kanilang karapatan bilang tao? Ang kanilang pagkakatukoy
sa kanilang kasarian ay hindi nangangahulugang nagbagong anyo na sila sa
kahulugang hindi na sila mortal na indibidwal. Nakalatag pa rin sa kanila ang
kanilang hantungan katulad natin; nakakaramdam pa rin sila ng saksak sa
damdamin, katulad natin. Bilang isa sa mga mamamayang Pilipino, talaga bang
hahatakin natin pababa ang kadugo natin? Hahayaan nalang ba nating
masaksihan ang pagharap sa tinik na pilit nilang nilulunok — ang pambabatikos
ng sarili nilang kababayan? Bakit hindi natin simulang labanan ang silang
humahadlang sa pag-unlad ng ating lipunan? Sa ganitong paraan, kapag
pinagsama-sama ang limitado nating mga pamamaraan, makakabuo tayo ng
isang malawak at mayaman na pamayanan.

II. Pagpapalaganap ng Kamalayan


- Sa modernong panahon, hindi na tayo napapagkaitan ng boses para sa ating
mga opinyon. Tipong ilang pindot na lamang sa ating mga gadgets upang
makapag-install ng mga social media platforms ay siya nang nagbibigay ng
gantimpala sa atin ng kalayaan upang magpahayag ng sari-sarili nating mga
paniniwala. Kung gayoon, malamang mayroon din tayong kalayaan upang
ipalawig ang hinaharap ngayong diskriminasyon ng mga LGBT sa ating bansa.
Ang mga salita ngayon ay hindi na lamang letrang inilathala; nagsisilbi na rin
silang pananggalang sa iba’t ibang bagay at kasama na dito ang karapatan ng
isang tao. Sa paraang ito, nagbibigay tayo ng edukasyon sa mga indibidwal na
maaring walang kaalaman sa negatibong epekto ng homophobia. Kaya naman,
tayo ay nagiging tinig ng pagbabago at tagapagtanggol ng karapatan ng bawat
isa

III. Pagkitil sa Diskriminasyon


- Tayong mga tao ay may kakayahang gumawa ng mga desisyon. Dahil sa
anumang diskriminasyon, dapat tayong magbantay. Kung ang panghuhusga ay
nangyayari sa harapan natin, bakit hindi pa tayo sumupil? Ipapasok pa ba natin
sa kanilang mga buhay ang mga paghihirap na malamang ay ayaw din natin
kung gagawin natin? Karapat dapat nang lutasin ang ano mang dahas na
tumatakid sa miyembro ng LGBTQI sapagkat ang karapatan nila ay hindi
nalalayo sa karapatan nating lahat.

Sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagtanggol sa mga karapatan ng LGBTQI+


community, hindi natin dapat ipinagkakait ang ating suporta at pakikisimpatya.
Dapat nating labanan ang anumang uri ng karahasan o diskriminasyon na
kanilang nararanasan lalo’t higit ay kaisa natin sila. Ang paglutas sa mga hamon
na ito ay isang pagpapatunay na ang kanilang karapatan ay hindi lamang para
sa kanila, kundi para sa bawat isa sa atin.

IV. Ang Inklusibong Pakikibaka


- Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang ating sariling pagtanggap sa kanila. Sa
pagtanggap, hindi lamang natin pinapalakas ang kanilang loob, kundi
binubuksan din natin ang mga pinto ng oportunidad at pagkakapantay-pantay.
Hindi dapat maging hadlang ang kasarian o sekswalidad sa pag-abot sa kanilang
mga pangarap at ambisyon. Ang bawat isa sa atin ay may karapatan sa
pagmamahal at paggalang, anuman ang ating kasarian.

V. Konklusyon
- Sa ating pagkilos at pagtanggol sa karapatan ng LGBTQI, naiipamalas natin ang
ating paninindigan sa pagkakapantay-pantay bilang isang bayan. Magandang
isaalang alang na hindi lang ito tungkol sa kanila; ito ay tungkol sa ating lahat. Sa
pagkakapantay-pantay at pagkakaisa, makakamit natin ang isang mas
makatarungan at mas magkakaunawaan na lipunan para sa bawat isa. Sa
pagiging malawak ang isip at bukas sa ideya, tayong mga Pilipino ay
masisiguradong hindi na muling masasaksihan ang niyuyurakang karapatan ng
ating mga mamamayang LGBTQI.

You might also like