You are on page 1of 2

Rizalyn A.

Yumul Araling Panlipunan

10-Titus Mr. Noriel Mangasil

A. Narito ang ilang pahayag mula sa iba’t-ibang mga tao at institusyon. Ano ang masasabi mo
tungkol sa mga ito? Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap.

1. “Homosexuality is assuredly no advantage, but it is nothing to be ashamed of, no voice, no


degradation, it cannot be classified as an illness; we consider it to be a variation of the sexual
function produced by a certainarrest of sexual development. It is a great justice to persecute
homosexuality is a crime and cruelty to…” –Sigmund Freud

Para sa akin ang binanggit ni Sigmund Freud ay tama ngunit mayroong hindi gaya ng sinasabing
walang advantage ang pagiging bakla o tomboy, kung titignang mabuti minsan sila pa ang mas
mahusay at malikhain sapagkat sa ngayon ay maraming sikat na mga baklang designer ang
tagumpay sa larangang ito. At ang mga natira sa kaniyang nabanggit ay tama dahil walang dapat
ikahiya sa kanilang kasarian sapagkat hindi naman dapat ito ikahiya, hindi rin ito sakit sa pag-
iisip kundi ay mayroon talagang ipinanganak na natural na bakla at ang iba naman ay
naiimpluwensiyahan ng lipunan o kaya’y kaniyang mga kaibigan at pamilya. Higit sa lahat
kailangan din natin silang respetuhin sapagkat tao rin sila gaya natin.

2. “No personal opinion, no religions, no matter how deeply held or widely shared, can ever
justify depriving other human being of his certain individuals of their rights - taking away their
rights to life and security of person, their life to privacy, to freedom from arbitrary detention,
torture discrimination, to freedom of expression, association and peaceful assembly.” –Navi
Pillay, Formerly Commission of UN Commission og Human Rights

Sa nabanggit ni Navi Pillay , ako ay sumasang-ayon sa kaniya dahil bawat indibidwal ay


mayroong karapatan na dapat igalang at hindi isawalang bahala sapagkat ang karapatan ng
isang tao ay dapat makamit at matamasa. Ang karapatan ay nakatutulong upang protektahan
ang isang tao sa maaaring mangyari gaya ng pag-aabuso at iba pa. Gaya nang nabanggit kung
aalisin ang iyong karapatan ay parang inalis narin nila ang iyong karapatang mabuhay tulad ng
kalayaan mong magsalita, bumoto o kung ano pa man.Kaya’t ipinapakita nito na mahalaga ang
karapatang pantao sa isang indibidwal lalo na ang mga epektong dulot nito sa buhay kung ito ay
aalisin.

B. Kung ikaw ang Pangulo ng isang bansa, ano ang gagawin mo laban sa diskriminasyon ng
kasarian at seksuwalidad. Magsulat ng talumpati sa isang bondpaper at gawin mo ang mga
sumusunod:
1.Ihayag mo ang sitwasyon ngayon sa kasarian at seksuwalidad sa bansa batay sa aralin.

2.Ilagay mo anh iyong mga hakbang at probisyon upang pangalagaan ang karapatan sa kasarian
at seksuwalidad.

Sa araw na ito, libo-libong taon na ang lumipas ay laganap pa rin ang sakit ng lipunan na
hindi maalis-alis at lalo pang lumalala. Isang sakit na tila ba’y patuloy na sumisira sa mga
sistema ng pamumuhay ng bawat tao sa mundo. Isang sakit na hindi pa rin mahanapan ng
permanenteng lunas upang mahilom ang mga sugat ng panghuhusga’t pang-aapi.
Diskriminasyon. Isang salitang nangangahulugang masamang panghuhusga sa isang tao dahil sa
mga kakulangan na hindi kaaya-aya sa paningin at pananaw ng mga taong nasa paligid niya.
Isang pananaw na humahadlang sa kagustuhan ng isang taong mabuhay sa kanyang sariling
kalayaan. Isang instrumentong maaring tuluyang wakasan ang iilang sistemang nagpapanatili ng
kaayusan sa mundong ibabaw.Halimbawa ng nakararanas ng diskriminasyon ay ang LGBT.

Ang LGBT ay ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong lesbiyan, bakla, biseksuwal, at
mga transgender. Simula pa nung bata pa ako ay pansin na pansin ko na ang hindi pagtanggap
at pagrespeto ng mga tao sa miyembro ng LGBT. Sila ay madalas ginagawang katatawanan at
nakatatanggap ng diskriminasyon mula sa lipunan gaya ng tinatawag silang salot sa lipunan at
kung ano pang masasakit na salita. Mapahanggang sa ngayon ay hindi pa rin masyadong
tanggap ng lipunan ang LGBT. May mga tao pa rin na sadyang sarado ang mga pag-iisip.

Kaya’t kung ano ang pangulo ng bansa ipapatupad ko ang batas na naglalayong bigyang respeto
ang mga miyembro ng LGBT ang bigyang sapat na karapatan na dapat nilang matamo at hindi
ang panlalait at diskriminasyon ang natatanggap. Halimbawa na lamang nito ay ang pagsulong
sa pagkakaroon nila ng sariling palikuran upang sa gayon ay hindi nila maramdaman na hindi
sila kabilang sa lipunan. Isa na rin dito na ang trabaho at posisyon sa politika na hindi lang dapat
babae at lalaki ang pwede rito kundi pati na rin sila dahil mayroon din silang karapatan bilang
isang indibidwal sapagkat ito ang aking nakikitang diskriminasyon sa kanila dahil bumabatay sa
kasarian na hindi naman dapat maging batayan.

Maari naman tayong mabuhay ng mapayapa na may respeto sa bawat paniniwala at may
kalayaan sa ihayag ang sariling opinyon. Higit sa lahat meron tayong kakayahang mamili at
manindigan sa ating pinaniniwalaan. Atin lamang tatandaan na sa bawat pagpili ay may kalakip
na karampatang responsibilidad. Para sa akin, hindi problema ang pagiging isa sa LGBT dahil ang
tunay na problema ay ang mga taong mapanghusga. Kung imumulat lang natin ang ating mga
mata, bubuksan ang ating mga puso at unawain ang bawat isa, mapupuksa natin ang
diskriminasyon sa LGBT. Ang pagiging miyembro ng LGBT ay hindi isang sakit na kinakailangan
hanapan ng lunas, bagkus sila ay ating tanggapin, respetuhin, unawain at mahalin tulad ng
pagmamahal natin sa iba, dahil sila rin ay isang tao kagaya ko at kagaya mo.

You might also like