You are on page 1of 22

EDUKASYON SA

PAGPAPAHALAGA Q2
Balik-aral
-Anu-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng
lipunang sibil upang makamit ang kabutihang
panlahat?
Gawain: Ano ang mga itinuturing ninyong karapatan?
Ang tao ay tulad ng isang binhi. Mula sa pagiging isang butil, ito
ay magkakaroon ng ugat at may sisibol na mga munting dahon.
Sa bawat pagsibol ng mga dahong ito, ipinahihiwatig na may
buhay at karapatan ito samundong ginagalawan.
Panuto: Isulat ang iyong itinuturing na karapatan sa
mga dahon.
1. Alin sa iyong mga naisulat ang pinakamalapit na
kahulugan ng karapatang pantao? Bakit?

2. Ano pa ang hindi mo alam at gusto mo pang matutuhan


tungkol sa karapatang pantao? Ipaliwanag.

3. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng karapatan pantao?


KARAPATAN
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga karapatan ng tao sa lipunan na
ating kinalalagyan.

2. Nakikilala at naiisa-isa ang mga paglabag sa


karapatang pantao o lipunan.

3. Napahahalagahan ang pagkaalam sa mga Karapatan


ng tao na magagamit bilang isang mabuting mamamayan
 Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang
mayroong higit na halaga kaysa sa ibang bunga ng
pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan at
wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag
nang Kaniyang sarili sa tao.

 Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na


siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat
tao ay mayroong karapatan. Umuusbong ang karapatan
mula sa dignidad sapagkat ang bawat karapatan ay
pagpapakita nang pagkamahalaga ng tao.
Ang karapatan
 ay isang kapangyarihang moral na gawi, hawakan,
pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan
ng tao sa kanilang estado sa buhay.

 tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa


mga pananaw ng tao na may kinalaman sa kung
papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang
dignidad bilang tao.
Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable)

1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas na antas ng


karapatan. Dapat itongmangibabaw sa ibang karapatan kung
sakaling ito ay malagay sa panganib.

2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari. Kailangan ng tao ang


mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at maging
produktubong mamamayan.

3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang tao na bumuo ng


pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable)
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito
ang lumipat sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o
kaligtasan sa panganib.

5. Karapatan sa pananampalataya. Bawat tao ay malayang pumili


ng relihiyon namakakatulong sa kanya upang mapaunlad ang
kanyang pagkatao.

6. Karapatang maghanapbuhay. Ang tao ay may karapatan


sadisenteng
hanapbuhay upang mapakinabangan nila ang karapatang
mabuhay.
10 Karapatan ng Bawat Batang Pilipino

1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.


2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang magaaruga sa akin.
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4.Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
6. Mapaunlad ang aking kakayahan.
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pangaabuso, panganib at
karahasan.
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.
Pangkatang Gawain:
Panuto: ( Pagsasadula/human frame). Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang
lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin .
Halimbawa:
Gawain: Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga paglabag
sakarapatang pantao na nagaganap sa kasalukuyan.
1. ______________________ 4. _______________________

2. ______________________ 5. _______________________

3. ______________________
1. Ano ang karapatan? Bakit ito tinawag na
kapangyarihang moral?

2. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.


1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?
A. Karapatan B. Isip at kilos-loob
C. Kalayaan D. Dignidad
2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi
ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa
kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa
na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa
ng moral na kilos.
3. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na
kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

A. Karapatan sa pribadong ari-arian


B. Karapatan sa buhay
C. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanpbuhay
4. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin
na nasa kahon?

A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanapbuhay
5. Anong karapatan na batay sa encyclical na
“Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang
ipinakita ng tauhan?
“Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria,
patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga
sundalo ng Islamic State”
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang
magkaroon ng maayos na pamumuhay
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang
manirahan (migrasyon)
THANK YOU

You might also like